Family

940 79 23
                                    

" Totoo ba na nakikipagkita ka ulit kay Edward at naging personal nurse ka pa nya ? " bungad na tanong sa akin ni Mama .

" Ma---mm " putol kong sabi dahil inunahan ulit ako ni mama magsalita .

" At alam na daw nya ang tungkol kay Joshed ? " tuloy nito sa knyang sinasabi.

" O-oo ma .. " sagot ko .

" So ano , May ? Tanga ka nanaman ? Paanu kung kunin nya sayo si Joshed ? " galit nyang tanong sa akin .

" Ma ...hindi magagawa ni Edward sa akin yan . Mahal nya ako . Mahal nya kami ng anak ko . Magtiwala ka naman sa tao . He only did one mistake-- "

" At ang pagkakamaling yun ang sumira sa pamilya nyo ! " dugtong ni mama .

" Dahil ang akala ko ay niloko nya ako ! " sagot ko naman .

" Kung mangatwiran ka parang pinapalabas mo na nagbago na sya ah. Binola-bola ka lang , tanga ka nanaman . " galit ding sabi ni mama sa akin .

" Oo ! . Tanga ako ma ! Tanga na kung tanga pero mahal ko si Edward " naiiyak kong sabi.

" M-mahal ko sya ma ! Mahal ko ang pamilya ko . Gusto ko ng buong pamilya at sana huwag mo ulit ipagkait sa akin yun ma ! " sabi ko at doon na bumuhos ang mga luha ko .

" Isang bagay na hindi mo nagawa sa pamilya natin , dahil naging mahina ka !  Dahil pinabayaan mo kami ni papa . Anak lang ako ma ! Pero bakit ako ang sumalo ng lahat ? "

Hindi sumagot si mama , tahimik lang itong nakikinig sa akin pero ramdam ko din ang bigat ng dinadala nya .

" A-ayokong magalit din sa akin ang anak ko , dahil hindi buo ang pamilya nya " sabi ko pa .

" Kaya sana hayaan mo ako . Hayaan mo akong maging masaya kay Edward . Hayaan mong maging buo ang pamilya ko at huwag kang mag-alala ma , kapag sinaktan ulit ako ni Edward . Hinding hindi kita sisisihin . Dahil choice ko to . " pagkasabi ko nun ay marahas kong pinunasan ang luha ko at tumalikod na ako sa kanya .

" A-anak ..teka lang " pigil ni mama sa akin at hinawakan nya ang kamay ko saka pinisil pisil .

" I'm sorry .. Natakot lang ako para sayo at para kay Joshed . " sabi nya .

" Sorry anak , kung mahina si mama sa mga ganitong bagay , ayoko lang na umasa ka sa wala , ayoko na mawala sayo si Joshed , dahil ina din ako . Alam ko kung ganu kahirap ang mawalay ka sa anak mo . Hindi ko ginustong iwan ka dati sa papa mo . Alam ko kasi na mas mahal mo sya kesa sa akin at kapag kinuha pa kita sa kanya baka mas magalit ka sa akin at baka mas sabihin mong wala akong kwentang ina " umiiyak na din nyang sabi sa akin .

" Pero maniwala ka mahal kita anak . " sabi nya sabay punas sa luha ko.

" Mahal kita , kaya sige ...hahayaan na kita kay Edward . Pero ipangako mo sa akin , na kapag sinaktan ka ulit ng Edward na yun , bumalik ka sa akin ha ?" tanong ni mama sa akin .

" O-opo ma , I'm sorry too ma . " sabi ko at niyakap ko sya ng mahigpit.

" A-a-anong da-drama 'y-yan" si Daddy.

" Ma ..narinig mo yun ? Nagsalita si daddy . " masayang sabi ko .

Pareho kaming lumapit ni mama kay daddy at umupo ako sa harap nya .

" Daddy " nasabi ko nalang sabay yakap sa kanya .

" Namiss ko ang boses mo mahal " sabi ni mama .

Pilit namang nag-angat si daddy ng tingin kay mama .

" I-i l-ove yo-you ma-my t-wo a-angel . " hirap nitong sabi sa amin .

" We love you too daddy " sagot ko naman .

Isa itong malaking sign na malapit nang gumaling si daddy sa pagkaka stroke nya .

Napaigtad naman ako nang biglang nanginig sa bulsa ng jacket ang cellphone . Tumayo ako at kinuha ko ito .

Si Edward.

" Teka lang ma ,dad . Sagutin ko lang 'tong tawag ni Edward . " paalam ko at bahagya akong lumayo sa kanila .

" H-hello Edward " pagsagot ko .

" Hi babe . Miss you " bungad nyang sabi .

Isang araw pa nga lang na hindi kami nagkita , miss nanaman nya ako?

" Aheemm " napatikhim ako dahil parang may bumabara sa lalamunan ko . Siguro dahil to sa pag-iyak ko kanina .

" May sasabihin ka ba ? " tanong ko sa kanya .

" Bakit ganyan ang boses mo , umiyak ka ba ? " nag-aalala nitong tanong sa akin .

Napasinghot ako kaya mas lalo nya itong nahalata.

" A-alam na kasi ni mama . " pag-amin ko .

" Nagalit sya ? Gusto mo kausapin ko si tita ? " masuyong sabi nya .

" H-huwag na . Okay na . " tanggi ko .

" So , ibig sabihin nyan pwede na tayong magpakasal? " tanong naman nya .

Kasal agad ?

Hindi pa nga ito nag propropose sa akin eh ! Psh . sa isip ko .

" May sasabihin ka ba o wala ? " pag-iba ko ng usapan .

" Meron . " sagot nya .

" A-ano ? " tanong ko .

" Mahal kita " mahina nyang sabi, ramdam ko ang sinceridad sa tono nya.

" A-alam ko . " sabi ko naman

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya sa kabilang linya .

" Anong nakakatawa dun ? " tanong ko .

" Wala ..masaya lang ako , babe . " sagot nya .

" Pero seryoso , may iba akong gustong sabihin sayo.  " seryosong sabi nya .

Bakit parang kinabahan ako .

" Buntis ako at ikaw ang ina ! "

Deym !

" Isa ..ung totoo nga ! Naiinis na'ko . " sabi ko  .

" Diba sa saturday night na ang party para kay Joshed . " tanong nya .

" O-oo " sagot ko naman .

" Uuwi nga pala si... " putol nyang sabi dahil bigla nalang itong nawala sa kabilang linya.

" H-hello Edward ? " sabi ko pero wala ng sumagot sa akin .

Binaba ko ang phone at muli itong isinuksok sa bulsa ng jacket ko .

Napaisip tuloy ako .

Sino kaya ang uuwi ?

Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon