Family Dinner

798 71 10
                                    

Nakalimutan kong magsuot ng relo kaya napilitan ako na kunin ang cellphone sa bag ko para tignan kung anong oras na.

Nasa daan kasi kami ngayon at si Patricia ang nagmamaneho. Pupunta kami sa bahay ng mga Barber dahil may hinanda silang family dinner doon . Aalis na kasi bukas ang pamilya ni Edward at babalik na sila sa Germany.

Pinatay ko na ang ilaw ng cellphone ko. Siya namang pagtunog nito. Tinignan ko ito. Si Edward.

"Hello?" nakangiti kong sabi.

" Nasaan na kayo ? " bungad na tanong niya sa akin .

" On the way na kami ,babe . "sagot ko .

" Okay ,mag-iingat kayo babe . I love you . "sabi niya sabay baba ng telepono.

Napasulyap ako sa labas ng bintana. Traffic sa daan at ilang oras na kaming stuck dito.

Muli kong kinuha ang cellphone sa bag ko nang tumawag nanaman si Edward sa akin.

" Matagal pa ba kayo babe ? " tanong niya .

" We're almost there, babe. " sagot ko .

Edward let out a disappointed sigh.

" Okay ,okay ! Maghihintay kami. " sabi niya bago pinatay ang tawag.

It was 10 minutes past eight nang dumating kami sa bahay nila Edward.

Nagpatunog ng isang malakas na busena si Patricia .

Nang may isang maid ang nagbukas ng gate.

Hinintay niya kaming makapasok sa loob . Naunang bumaba si Patricia at umikot siya sa kabila .

Binuksan niya ang pinto at binuhat si Joshed.

Matapos ay bumaba na din ako .

" Mauna kang maglakad , Patricia. " mahinang sabi ko bago ko hinawakan ang kanyang braso.

" A-ayoko nahihiya ako ! "sabi niya sabay tago sa likod ko.

Napakagat ako sa kuko ko dahil sa kaba. Mabuti nalang at sinalubong kami ni Edward.

" I'm sorry we're late . Traffic kasi. " bungad ko kay Edward.

" Okay lang babe. " mahinahong sabi niya sabay hawak sa beywang ko.

" Tara na sa loob. " pag-aaya niya.

Nauna kaming naglakad ni Edward na magkahawak kamay at nasa likod namin sila Patricia at Joshed ,nakasunod sila sa amin.

Napatigil ako nang makita ko ang mga bisitang nakaupo sa mahabang dining table.

Ngunit mas bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si tita Rose.

" Oh iha , you're here na pala. " nakangiting sabi niya sabay tayo . Lumapit siya sa gawi ko at hinawakan ako sa beywang ko at inalalayang maglakad.

" Dito ka "tukoy niya sa isang bakanteng upuan.

" Sige po. " nahihiyang sabi ko.

Sumunod si Edward sa amin and he pulled out my chair para makaupo ako.

" Thank you, babe. " mahina kong sabi nang makaupo ako.

" You're welcome ,babe. " sabi niya at kinuha niya si Joshed kay Patricia at naupo narin.

Si Patricia naman ay umupo sa kanan ko.

Nang napatingin ako sa kaharap ko , kay Tanner na tahimik na kumakain. Nakayuko and he was concentrating on his food.

" So ,kamusta ang pagbubuntis mo iha ? " biglang tanong ni tita Rose sa akin.

Hindi pa nga ako nagsisimulang kumain ,ini-interview na nila ako.

Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon