" I'm staying here for a month but it can be extended for a year or for good " seryosong sabi nya pero sa akin sya nakatingin .
" But what about your modeling career in Los Angeles ? " tanong ni Edward.
Bumaling ito ng tingin kay Edward.
" Change of mind ! " sagot nya .
" Change of mind o baka change of heart sir ? " tanong ni Melia . May dala itong tray na may lamang baso ng orange juice at inilapag nito ang tray sa center table .
" Both " seryosong sagot ni Tanner at sumimsim ito sa kanyang juice .
Pinagmasdan ko ang pagtaas baba ng adams apple nya tanda ng paglunok.
Tumingin ulit si Tanner kay Edward.
" Caz , do you believe in love at first sight ? " biglang tanong nya .
What ! Na-love at first sight sya ? biglang sigaw ng isip ko .
Kaya ba nagbago ang isip nya , na magtagal muna dito sa pilipinas dahil na-love at first sight sya?
Pero kanino ?
" Yup.. I do " sagot ni Edward saka tumingin sa akin .
" With her " dugtong nya.
Palihim naman akong kinilig.
" Parang hindi naman ? " sabi ko .
" H-hindi mo lang kasi alam , baliw ka kasi kay Patrick noon ! " nakasimangot na sagot nya sa akin.
" Ikaw din naman , baliw ka dati kay ..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang sumingit si Melia sa usapan namin .
" Eh ikaw sir ..kanino ka na-love at first sight ? " tanong nito kay Tanner saka bumaling ng tingin sa akin .
" Kay ma'am Maymay ba ? " dugtong nya .
Napamaang ako sa tanong ni Melia kay Tanner .
Napatingin ako kay Edward , nag-aalala na tuloy ako , baka hindi nya nagustohan ang sinabi ni Melia .
Nakita ko ang pag-iba ng awra sa mukha nya at ang pag-igting ng panga nya habang sumisimsim sya sa kanyang juice .
" Nope...sa Philippines " nakahinga ako sa sagot nya .
" Baka naman kay Melia ? " sabat naman ni Marcus .
Tumawa ng malakas si Tanner.
Lumobo ang pisngi nya at pinigilan ang sarili nyang matawa.
" I-i'm sorry ! " sabi nya kay Melia.
" O-okay lang sir " pilit itong ngumiti ngunit ramdam na ramdam kong napahiya sya .
Bigla namang tumayo si Edward sa tabi ko , bago sya maglakad ay huminga muna sya ng malalim sabay tingin sa akin .
" Inaantok na ako , May . Sunod ka nalang " sabi nya at pumanhik sya sa taas.
May ?
May nalang ?
Hindi na babe ?
Problema nun . Psh !
" S-sige , bukas ulit . Matutulog na rin ako . " biglang paalam ko sa kanila .
" Good night ! " sabi ko sabay tayo .
Tumingin si Tanner sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti .Tanner has a pretty smile , nakakatunaw .
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )