Natulog si Maymay at Joshed sa kabilang kwarto , kasama si Patricia . Nagpalipas sila ng gabi dito , kung pwede nga lang kahit dito na sila tumira...kaso hindi pa pwede .
Galit parin si Tito Ricky at Tita Laura sa akin.
Napabangon ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan . Binuksan ko ito at bumungad sa akin si Nanay Maria , nagpaalam sya sa akin na susundoin daw nya sa airport ang pamangkin nya na si Melia.
Sinabi ko sa kanya na magpasama na sya kay Marco pero tinanggihan nya ito .
" Sige nanay , mag-iingat nalang po kayo " sabi ko .
" Nakahanda na ang almusal nyo sa baba " sabi nya bago bumaba sa sala at tumungo sa labas ng bahay .
Magulo pa ang buhok ko at nakasuot pa ako ng manipis na pantulog at walang suot na sapin sa paa nang puntahan ko si Maymay kung saan sila natulog .
Pakatok palang ako sa pinto nang biglang bumukas ito .
Si Maymay ang nagbukas ng pintuan at karga karga nya ang anak namin na bagong gising lang .
Hawak-hawak ni Joshed ang laruang kotse na niregalo ko sa kanya .
" Hi , Good morning to my two baby " nakangiting bati ko sa kanila.
Tumingin sa akin si Maymay at nginitian nya ako .
" Good morning " bati nya .
" Good morning too daddy , i love you " bati din ni Joshed.
Kinuha ko sya kay Maymay.
" Do you like it ? " tukoy ko sa laruan na hawak nya .
Tumango sya sa akin .
" Yes daddy " sabay halik sa pisngi ko .
Bumaling ako kay Maymay at sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pagsundo ni Nanay Maria sa pamangkin nito na si Melia.
" Dito sya mag babagong taon?" tanong ni Maymay habang pababa kami ng hagdan.
Nagkibit balikat ako.
" I don't know , wala namang nasabi si Nanay Maria " sagot ko .
" Dito sya tutuloy ng ilang araw? " tanong ulit nya .
" Siguro... walang ibang kamag-anak dito sa Cavite si Nanay Maria at ako lang ang kakilala nya dito , kaya dito siguro nya ito patutuloyin " sagot ko din.
" Okay " tanging sagot nya .
Tumungo kami sa kusina .
Itinayo ko si Joshed sa ibabaw ng upuan , at dahan-dahan ko itong pinaupo sa ibabaw ng lamesa .
Lumapit ako kay Maymay at niyakap ko ito sa kanyang likod habang sya ay tahimik na nagtitimpla ng gatas ni Joshed .
" You jealous ? " tanong ko.
" Selos saan? " tanong nya at kumuha ng dalawang tasa tsaka nilagyan ito ng mainit na tubig.
" Sa pamangkin ni nanay , kasi dito sya tutuloy ng ilang araw " sabi ko habang pinapanuod ko syang nagtitimpla ng kape .
" May dapat ba akong pagselosan? " seryosong tanong nya . Kinuha nya ang gatas at nilapag sa lamesa , sumunod ako , kinuha ko ang dalawang tasa ng kape at inabot ko ito kay Maymay .
" Wala , kung may tiwala ka sa akin " sagot ko .
" Kahit landiin mo sya hindi ako magseselos okay ! " sabi nya sabay higop sa mainit nyang kape kaya napaso ang bibig nya.
" Hindi pala nagseselos , huh " sabi ko .
" Hindi nga ! " naiinis na nyang sabi sa akin.
Tumayo sya kaya sinundan ko sya saka ko hinawakan ang braso nya.
" Bakit ka sumisigaw? Nagulat tuloy si Joshed ! " sabi ko.
Humarap sya sa akin .
" Ang kulit mo kasi ! " sagot naman nya . Babalik sana ulit sya sa harap ng lamesa pero hinatak ko ito palapit sa akin sabay hawak sa maliit nyang beywang .
" I dare you to kiss me kung hindi ka nagseselos sa kanya " paghahamon ko kay Maymay.
Pinandilatan nya ako ng mga mata nya .
" Hindi mo ba nakikita na nandyan pa ang anak natin? " tanong nya sa akin .
" Oh , so what May . Mommy ka nya at Daddy nya ako kaya walang masama dun " sabi ko at bumaling ako ng tingin kay Joshed na nakatingin din sa gawi namin ni Maymay .
" Right baby ? " tanong ko kay Joshed .
Mabilis itong tumango sa akin ,sabay takip sa kanyang bibig at halatang kinikilig sya sa amin.
" Naghanap ka pa ng kakampi ! " sabi nya sabay tulak sa akin.
" Joshed oh , si Mommy nagsese----mmp " tinakpan ni Maymay ang bibig ko at may sinubo sya sa akin na biscuit.
Napatawa ng malakas si Joshed.
Lumapit naman ako kay Joshed .
" Pinagtatawanan mo si Daddy ha ! " sabi ko sabay kiliti sa kanyang tagiliran at dahil dito ay napuno ng halakhakan ang buong kusina.
" D-daddy s-stop i-it na po ! "
" Say the magic word and i will stop " sabi ko .
" I love you daddy ! " halos pasigaw nyang sabi at muli ko syang kiniliti.
" No .. I wan't your mommy to say it for you ! " sabi ko ulit.
" M-mommy .. Say the magic word please !!! " sabi ni Joshed kay Maymay.
Hindi sya umimik.
" Mommy please ! I can't breath na po ! " pakiusap nya .
Tumingin si Maymay sa akin.
" I love you ! " walang gana nyang sabi sa akin.
Ngumisi ako sa kanya .
" Okay , hindi ko lang patutuloyin si Melia dito , tatabihan ko pa sya sa kanyang pagtulog ! " sabi ko .
Inirapan nya ako , sabay tayo at lumabas ng kusina .
Nagseselos nga !
Binuhat ko si Joshed at sumunod kami kay Maymay at hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari .
Tinapon lahat ni Maymay ang mga damit ko sa ibaba ng hagdanan .
Binaba ko si Joshed sa sofa at natatawa akong lumapit kay Maymay.
" Ano ang nakakatawa ha ? " tanong nya sa akin .
" Kalma May , bahay ko to ! " natatawang sabi ko at niyakap ko sya ng mahigpit .
" Ano ba , bitawan mo nga ako " pagpupumiglas nya .
" Hindi ka pala nagseselos huh " bulong ko sa kanya .
" Huwag kang mag-alala sayo lang ako " sabi ko pa .
Hahalikan ko sana si Maymay sa kanyang labi nang may tumikhim .
" Eheeemmm "
Sabay kaming napalingon at nakita namin si Marco at Marcus na nakaupo sa may hagdan .
" May chips ka dyan Edward ? Ang ganda kasi ng pinapanuod namin " sabi ni Marcus .
" Kissing scene ! " sabi naman ni Marco.
Pinulot ko ang isang damit ko at binato ko ito sa kanila .
" Magligpit kayo ! "
" Anong meron , bakit nagkalat ang mga damit mo dito sa sala ? " tanong ni Nanay Maria na nakatayo sa may pintuan at nasa likod nya si Melia !
" Hi po ! " bati nya sa lahat .
-----------
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
أدب الهواةI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )