Unconscious

929 84 17
                                    

Nung tanghali ay sinamahan niya ako akong magpa-check up . Nalaman namin na magt-three months na pala akong buntis.

Sobrang saya namin ,lalo na si Edward. Yung saya niya daw nung una niyang nakilala si Joshed at nalaman na anak niya ito ay doble-doble pa daw ngayon.

Nag set kami ni Edward ng family dinner at balak na namin silang kausapin at sabihin sa kanila na buntis ako , na magkakababy na ulit kami ni Edward.

Napasulyap ako sa aking relo nung nasa tapat na kami ng pintuan.

It was at 8 o'clock in the evening when we entered the restaurant.

Napatingin ako sa isang pamilyar na pigura ng lalaki sa di kalayuan ,naglalakad siya habang papalapit sa gawi namin nila mama ,daddy , Patricia .

Hawak ko ang maliit na kamay ni Joshed nung huminto kami sa aming paglalakad . Nang makalapit si Edward sa amin ay agad niyang hinawakan ang kabilang kamay ni Joshed .

Muli kaming naglakad patungo sa mesa na nireserved ni Edward para sa gabing ito.

Sinalubong kami ng ngiti nila Tanner , Laura at tito Kevin habang sina tita Rose at Lesly ay halatang pilit na ngiti ang kanilang ibinigay sa amin.

Agad akong lumapit kay tita Rose at nakipagbeso ako sa kanya.

" Hello . " bati ko sa kanilang lahat bago ako umupo sa tabi ni Edward.

Pakiramdam ko ay may nagawa kaming mali ni Edward at kailangan namin magconfess sa kanila ,lalo na kay tita Rose.

Napayuko ako at tila nanlalamig ang aking mga kamay dahil sa kaba.

Kinakabahan kasi ako sa magiging reaksyon ng kanyang pamilya .

Napansin ni Edward ang panginginig ng aking kamay kaya hinawakan niya ito bago nilapit ang kanyang bibig sa tenga ko.

" Relax babe. " bulong niya sa akin.

Tumango ako sa kanya bilang pagtugon.

Abala kami sa pagkain nang magsalita si tita Rose.

" Anong meron ? Bakit may mahalagang okasyon ba ngayon at dito ka pa nagpadinner? " pormal na tanong ni tita Rose kay Edward habang abala sa kanyang kinakain.

" Walang okasyon ,mom. Pero may mahalaga kaming sasabihin ni Maymay sa inyo. " nakangiting sabi ni Edward sabay hawak ng mahigpit sa aking kamay bago niya sila pinasadahan isa-isa.

Napahinto si Laura sa pagkain at napaangat ng tingin kay Edward .

" What's that ? " tanong naman ni Laura .

" I think it's a good news " sabat naman ni tito Kevin sabay tingin sa amin ni Edward.

" A-ano ba 'yun anak ? " takang tanong ni mama sa akin.

Hindi kasi niya narinig ang usapan namin ni Edward kanina dahil abala itong naliligo. Mabuti narin 'yun para sabay-sabay nila itong malaman ngayon.

Ngumiti ako kay mama bago ako tumingin kay Edward.

Napatitig ako sa kanya at tanging mga mata lang namin ang nag-uusap nung sandaling 'yun .

" Sabihin mo na. " sabi ko kay Edward dahil mas malakas ang kanyang loob.

" You guys ready? " tanong ni Edward sa lahat.

" Yes " halos sabay-sabay nilang sabi.

Maski si Joshed ay napasigaw din ng malakas na yes sabay taas sa dalawa niyang kamay .

" We're having another baby ! " masayang balita niya sa lahat.

Nagulat ang lahat sa kanilang nalaman pero may ngiting nakapaskil sa kanilang mga labi. Maliban kay Lesly.

Tumayo pa si mama at napayakap sa akin ng mahigpit.

" Congrats anak. " sabi ni mama sa akin sabay halik sa pisngi ko.

" Thank you ma. " nakangiting sabi ko.

Kumalas siya sa akin ng yakap bago tumingin kay Edward.

" Congrats iho. " sabi niya sabay tapik sa kanyang balikat.

Lumapit din sila tita Rose , tito Kevin at Laura sa amin at masaya nila kaming binati.

Parang nag-iba ang ihip ng hangin.

Parang unti-unting nag-iba ang trato ni tita Rose sa akin.

Naging magaan at lagi ng nakangiti sa akin. Parang bigla siyang bumait sa akin .

Matapos naming kumain ay nagpaalam ako sa kanila na magbanyo.

Tumayo ako at agad na nagtungo sa c.r . Pumasok ako sa loob .

Matapos ay humarap ako sa salamin at habang naglalagay ako ng lipstick sa aking labi ay nabaling ang aking atensyon sa babaeng pumasok sa may pintuan.

Lumapit siya sa tabi ko sabay bukas sa kanyang bag at kinuha niya dito ang kanyang lipstick.

" H-hi. " bati ko Lesly bago nilagay ang lipstick sa bag ko.

Ngayon ko lang siya sinubukan na kausapin.

" Hello. " pormal niyang sabi sa akin sabay taas sa isa niyang kilay.

" Kamusta ka ? " tanong ko.

Inirapan niya ako.

" May gana ka pa talagang kamustahin ako huh ! " sabi niya.

" Sa tingin mo masaya ako sa binalita niyo ni Edward kanina ? " tanong niya sa akin.

" I-im sorry Les-. " putol na sabi ko .

Tumawa siya ng malakas at mabilis din itong napalitan ng mapait na ngiti .

Muli siyang tumingin sa akin.

" I'm sorry ? " pag-uulit niya sa aking sinabi.

" Sa tingin mo mawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon sa sorry mo ? " sabi niya.

Damang-dama ko ang kanyang galit sa akin nang hawakan niya ako ng mahigpit sa aking braso.

" Bitawan mo nga ako Lesly . " pagpupumiglas ko sa kanya.

" May ? " rinig kong sigaw ni Edward sa labas ng banyo.

Pilit kong tinatanggal ang kanyang kamay sa aking braso nang bigla niya akong binitawan.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan.

" May ! " gulat na sabi ni Edward nang
muntikan na akong matumba, mabuti nalang at mabilis niya akong nasalo.

Tinitigan niya ng masama si Lesly.

" Bakit mo ginawa 'yun kay Maymay, Lesly! " pabulyaw niyang sabi kay Lesly.

"May balak ka bang masama sa mag-ina ko ? " galit niyang tanong kay Lesly.

Hindi nakasagot si Lesly kay Edward at takot siyang tumingin sa amin .

" I don't want to see your face again , so better pack up your things at baka kung ano pa ang magawa ko sayo ! " sabi niya at galit siyang tumingin kay Lesly.

" I-im sorry Edward. " nanginginig niyang sabi kay Edward sabay takip sa kanyang bibig at bigla nalang bumagsak ang kanyang mga luha.

Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Edward nang biglang dumilim ang aking mga paningin .

" Babe you okay ? " rinig ko pang sabi ni Edward bago ako nawalan ng malay.

-------------

Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon