Explanation

889 72 16
                                    

Tanner's POV

Baka nakahalata si Maymay na hindi ko talaga girl friend si Lesly , dahil kita sa mga galaw ni Lesly na napipilitan lang siyang sumama sa akin .

Nung nakalayo na kami sa kanila ay dinala ko si Lesly sa isang tabi at kinausap.

" Ano ba Tanner ! Bitawan mo nga ako . " pagpupumiglas niya sa akin , kaagad ko naman siyang binitawan .

" Bakit mo ako tinawag na baby ah ! Baka isipin ni Edward na boyfriend talaga kita , kahit hindi naman ! " galit niyang sabi sa akin.

Marunong magsalita ng tagalog si Lesly , dahil dose anyos na siya nung kinuha siya ng kanyang mga magulang sa Germany.

" So what if he think that? Did you not see that he's with her fiancee ? " tanong ko pa tyaka ko tinuro sa gawi nila Maymay.

Saglit siyang napatingin kay Maymay at muli itong tumingin sa akin.

" And do you think that he cares for you? " pabalang na tanong ko sa kanya.

" Ako ang nauna , do you understand that? At nandito lang ako para bawiin siya sa babaeng 'yon ! " sagot niya .

Tumawa ako ng malakas , para mas lalo siyang nainis sa akin.

"Don't you remember that you just hurt him before , and you don't even have a past relationship with him because you rejected him!" paalala ko sa kanya.

" Why you act so weird? What are you fighting for?" tanong niya.

"I fight for the happiness of my cousin with his true love . " sagot ko. Pero ang totoo ay mas may malalim pa akong dahilan .

Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin tyaka siya tumingin sa akin ng masama .

" Hindi mo ako kayang pigilan , Tanner. " sabi niya .

Akmang aalis na siya nang hawakan ko ng mahigpit ang braso niya.

" Even if you ruin their relationship, Lesly. You still can't be happy ,you know why ? Because Edward would not be happy with you, because only Maymay can make him happy and she's the only one he loves ! " sabi ko na may diin sa dulo .

Nakita ko sa mga mata niya na nasaktan siya sa sinabi ko .

Hindi siya nakaimik at inis itong tumalikod at lumayo sa akin.

Napailing na lang ako habang sinusundan ko siya ng aking tingin.

---------------


Edward's POV:

Napansin ko ang katahimikan ni Maymay , malayo ang kanyang tingin at tila may malalim na iniisip .

Napakamot ako sa gilid ng aking noo dahil hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanya.

" You okay ? " nag-aalala na tanong ko kay Maymay.

Tumingin siya sa akin at kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata .

Tanging isang tipid na tango at ngiti lang ang kanyang isinagot sa akin.

" H-hindi ako ang nag-imbita kay Lesly ,si mommy. Hindi ko din alam na inimbita siya ni mommy. " panimula ko at tyaka ako tumingin sa kanya.

" Okay lang . Alam ko naman na importante siya sa'yo . First love mo siya diba ? " sabi niya na parang mabigat ang pagkakasabi niya ng mga katagang 'yon sa akin.

Napabuga ako ng hangin bago humarap sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay at bahagya ko itong pinisil.

" Hindi siya ang first love ko . Yun lang ang akala ko noon. Pero hindi pala . Hindi ko naramdaman sa kanya ang naramdaman ko sa'yo at nararamdaman ko ngayon sa'yo. " paliwanag ko kay Maymay at sana nakuha niya ang punto ko sa kanya na siya ang una kong minahal .

Bumitaw ang isang kamay ko sa kanya at hinawakan ko ang kanyang baba , iniharap ko ang kanyang mukha sa akin at tinitigan siya ng seryoso.

"Babe..naniniwala ka ba sa akin? "

Iba ang kanyang isinagot sa akin.

" May tiwala ako sa'yo , pero sa kaibigan mo , wala. "

" Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang mahal ko " sabi ko sabay pisil sa baba niya nang sa wakas ngumiti na si Maymay sa akin.

" Eh saan siya matutulog ? " tanong ulit niya .

" Sa hotel " sagot ko , tapos ay inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga.

" At ikaw sa tabi ko." mahinang sagot ko na tanging siya lang ang nakarinig nun.

Napatawa ako ng malakas sa naginig reaksyon ni Maymay.

May anak na kami pero nagugulat parin siya sa aking mga sinasabi sa kanya na parang first time niya lang itong marinig sa akin.

------------

Maymay's POV:

Alas dies na ng gabi , pero hindi parin nauubosan ng energy ang mga tao dito , masaya silang nagsasayawan .

Nakita ko sila Marcus, Donny at Marco sa isang sulok na may mga kasamang babae .

Mga playboy talaga!

Napansin ni Marco na nakatingin ako sa kanya. May binulong siya sa babaeng nakaakbay sa kanya , bumitaw ito at naglakad patungo sa mesa kung saan kami nakaupo ni Edward.

Hinila niya 'yung isang upuan at umupo sa aking tabi nang nakaharap sa akin.

" May , pakilala mo naman ako sa babaeng kasama mo ." sabi niya .

Alam ko kung sino ang tinutukoy nito .

Si Vivoree.

" Tanungin ko muna kay Steven ...sa kanyang boyfriend kung papayag siya. " diretsang sagot ko kay Marco.

Ngumisi siya sa akin.

" Bakit sa boyfriend niya ? Hindi naman siya ang gusto kong makilala ah. " sagot ni Marco.

Sabay kaming napatingin kay Edward nang magsalita ito sa aking tabi.

" Isa lang ang ibig sabihin ni Maymay , bruh . Maghanap ka nalang ng ibang babae dahil may iba nang nagmamay-ari sa kanyang kaibigan. " nakangising sabi niya.

Tumayo si Marco .

" Kung ayaw niyo akong ipakilala sa kanya, ako nalang ang lalapit at makiki pagkilala sa kanya. "

" Pustahan wala pang limang minuto ,akin na siya. " preskong sabi pa niya,bago ito tumalikod sa amin .

" Okay. Goodluck bruh ! " sigaw ni Edward kay Marco.

" Babe , teka lang ah . Mag c-c.r lang ako" paalam ko kay Edward.

Pumasok ako sa loob ng bahay nila at agad na nagtungo sa kanilang banyo ,hinawakan ko ang seradura nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo .

Nasapo ko nalang ang aking noo at napaupo ako sa may bowl .

Mukhang kailangan ko na talagang magpacheck-up dahil baka iba na tong nararamdaman ko .

--------------

Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon