" Who is she ? " kunot noong tanong ko kay mommy." Si Lesly nak ." sagot niya sa akin. Si Lesly ay niligawan ko dati sa Germany . Pero busted ako sa kanya , sabi niya na maging magkaibigan nalang daw kami pero naudlot ang pagkakaibigan namin ni Lesly nung umuwi ako dito sa Pilipinas.
And Maymay knew about her. Minsan ko nang naikwento sa kanya ito. College days, and every time I mentioned it in our conversation during those times, I feel that she is not interested to hear about it .
Kaya hindi maipinta sa aking mukha ang labis na pag-aalala. Nag-aalala ako sa magiging reaksyon niya kapag nakita na niya ito ng personal at sa party pa ng aming anak. Di ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag kay Maymay ng hindi siya masasaktan.
Tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad ako patungo sa may tapat ng pintuan . Huminto ako sa paglalakad habang nakahawak sa seradura ang isang kamay ko.
" She can not go here mom. S-send her back if you want. " walang emosyong sabi ko at tuluyan akong lumabas sa aking silid.
Pababa ako ng hagdan nang makasalubong ko si nanay.
"Nandyan na sila Lara at Ricky , kasama nila si Joshed." sabi niya .
Isang tipid na tango lang ang isinagot ko at tahimik akong sumunod kay nanay.
Kinapa ko ang aking cellphone sa busla ng pantalon ko , at nakita ko na may text si Maymay sa akin.
Seventeen minutes ago when I received it.
Yep! Nandito na sila babe. - reply ko.
Babe ? - text ko.
Can I borrow your three seconds?
Can I hear your voice ?
Can I hear those three word ?
Sunod sunod na text ko kay Maymay , tyaka ko siya tinawagan. Agad naman niyang sinagot ang tawag ko.
" I love you " . walang pag-aalinlangan niyang sabi .
Napangiti ako .
Binaba ko na ang tawag , tapos na ang tatlong segundong hiniram ko kay Maymay . Nilagay kong muli sa bulsa ko ang cellphone .
Nakita ko si tita Lara na nakaupo sa may sala ,kausap niya si daddy habang kandong naman ni ate Laura si Joshed at nasa tabi nila sila tito Ricky at Patricia.
Lumapit ako kay tita Lara at hinalikan siya sa pisngi.
Umupo ako sa tabi ni ate Laura na nakiki pagkulitan kay Joshed.
"Don't tickle me! " natatawa niyang sabi habang hinahampas ang kamay ni ate Laura na kumikiliti sa kanya.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan sila ate Laura at Joshed. Ang saya nilang tignan.
Tumingin si Joshed sa akin .
" Daddy help me ! " sigaw niya habang pilit akong inaabot.
" Say those magic word to tita. " utos ko sa kanya.
" I-i lo--ve y-ou tita. " sigaw ni Joshed.
Tinigilan naman siya ni ate at natatawang pinupog niya ng halik ang buong mukha at leeg nito.
Hinihingal si Joshed nang kunin ko siya kay ate Laura .
-----------
Maymay's POV:
Alas dos na nang dumating sila Vivoree at Steven.
" Kumain na ba kayo ? " tanong ko sa kanila habang papasok sa loob.
" Oo ate. " nakangiting sagot niya.
" Maupo muna kayo ni Steven. Ikukuha ko lang kayo ng Juice. " sabi ko at tumungo ako sa kusina .
Nilagay ko sa tray ang cake at dalawang baso na may laman na juice . Pagkatapos ay bumalik ako sa sala at nilapag ko sa center table ang tray.
" Maiwan ko muna kayo dito. Magbibihis lang ako. " nakangiting sabi ko.
Pumanhik ako sa taas at pumasok ako sa kwarto ko. Naligo ulit ako.
Matapos kong maligo ay kinuha ko ang isang dress na nakasabit sa holder ng kabinet . Sinuot ko ito.
Isa itong mala rosas na bestida na hanggang tuhod ko.
Tube dress pa ,May ! Kahit walang kakapitan. Charrrr ! asar sa akin ng isip ko.
Napasimangot nalang ako sa aking sariling repleksyon sa salamin.
Umupo ako sa harap ng salamin bago naglagay ng kaunting make up sa aking mukha bago ko kinulot ang dulo ng aking buhok . Matapos kong maglagay ng lipstick sa aking labi ay nagspray ako ng pabango at sinuot ko ang kwintas na bigay ni Edward sa akin.
Isang mala rosas din na high heels ang sinuot ko. Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako at bumaba sa sala.
Sabay na napaangat ng tingin sila Vivoree at Steven sa akin.
Bumilog ang labi ni Vivoree at namangha siya sa aking ayos.
" Para kang isang living barbie doll ate May " puri niya sa akin.
Uminit naman ang aking mukha sa kanyang sinabi.
I smiled.
" Thank you. "
" Lets go ? " pag-aaya ko.
" Sige ate May. " sabi niya at sabay silang tumayo ni Stev.
Sumakay kami sa kotse at umupo kami ni Vivoree sa likod at hinayaan ko si Steven na magmaneho ng aking sasakyan.
Traffic sa daan.
Nakakainip!
Pasulyap sulyap ako sa aking relo.
Alas siete na ng gabi nang makarating kami .
Tumingin ako sa labas ng bintana at maraming bisita ang dumalo at may mangilan-ngilan pang mga bisita ang nagsidatingan.
Kinakabahan ako nang bumaba ako .
Nangangatog ang mga tuhod ko dahil sa kaba.
Tinatawagan ko si Edward pero hindi niya ito sinasagot.
" Ate May pasok na tayo sa loob ? " pag-aaya ni Vivoree sa akin.
Pumasok kami sa loob at sumalubong sa amin ang mahinang tunog ng stereo.
Napatingin ako sa paligid. Nakaayos ang mga table at may mga nakaupong mga bisita. May mini stage din sa harap.
Nagpalinga-linga ako at hinanap ko si mama nang biglang namatay ang ilaw at tumahimik ang buong paligid at nagulat ako nang tumambad sa akin ang isang malaking screen.
------------
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )