Pack Your Things

761 77 9
                                    

Habang nagtitimpla ako ng kape ay tumunog ang doorbell sa tabi ng gate namin . Pinuntahan siya ni Patricia para pagbuksan siya ng gate.

" Gising naba si Maymay ? " rinig kong sabi niya mula sa labas. Boses 'yun ni mama. Hindi ba siya nagbukas ng shop at maaga siyang dumaan dito ngayon ?

" Oo gising na po siya tita. Nasa kusina siya , nagtitimpla ng kape. " sagot ni Patricia kay mama.

Kumuha ako ng isa pang tasa at nilagyan ko ng mainit na tubig at tyaka ko nilagyan ng kape at asukal. Matapos ay dinala ko ito sa sala kay mama.

" Ma magkape ka muna. " sabi ko at nilapag ko ang tasa ng kape sa center table. Pagkaupo ni mama ay agad siyang humigop ng kape.

" Nasaan si daddy ma ? " tanong ko kay mama nang mapansin kong hindi niya kasama si daddy . Hindi pa gaanung magaling si daddy pero paunti-unti na siyang nakakalakad. Nag t-therapy din siya para mas mabilis siyang gumaling. Medyo maayos na din ang pananalita niya.

" Iniwan ko siya sa bahay. Saglit lang naman ako dito eh. Kakamustahin lang kita. Kasi itong si Patricia may nasabi siya sa akin kagabi. Nag-away daw kayo ni Edward. " paliwanag ni mama sa akin. Tumingin ako kay Patricia at tinaasan ko siya ng sulok ng labi ko .

Napakadaldal talaga ng babaeng to eh. Wala ka talagang maitatago sa kanya. Kumbaga hindi mo siya pwedeng pagkatiwalaan ng mga sikreto mo dahil wala pang isang oras naibalita na niya ito sa iba. Mas mabilis pa yata siya sa mga reporters.

" Naayos naman po namin agad yung problema ma . " sagot ko habang nagkakamot ng noo ko . Sermon nanaman kasi ang aabutin ko sa kanya.

" Mabuti naman kung ganun at sa kwento ni Patricia parang wala siyang tiwala sayo . " sabi ni mama sa akin at talagang kinuwento talaga ni Patricia lahat kay mama !

" Natural lang naman siguro yun sa lalaking nagseselos ma. " sagot ko kay mama .

" Bakit kasi hindi pa kayo magsama sa iisang bahay . Hindi niyo pa ba napapag-usapan ni Edward 'yan? " tanong ni mama sa akin bago muling humigop sa kape niya .

Yumuko ako sabay iling. " Hindi pa ma. "

" Abay magdadalawa na ang anak niyo ah ? " tanong ulit ni mama sa akin.

" Oo nga May. Mas mabuti yata kung magsama na kayo. Para maalagaan ka niya . Pratice na din 'yun sa pag-aasawa. " singit ni Patricia sa usapan .Tumingin ako sa kanya ay nginisian ko siya .

" Hinihintay ko nalang na tanungin ako ni Edward tungkol sa bagay na yan ma. Ayoko naman kasi na pangunahan siya . " paliwanag ko kay mama . Tumango siya sa akin at mukhang sumang-ayon siya sa sagot ko.

" Oh sha uuwi na ako at baka gutom na ang daddy mo dun . " paalam ni mama . Tumayo ako at sinamahan ko siya sa labas. Bago umalis si mama ay humalik muna ako sa pisngi niya.

" Ingat ma. " sabi ko bago kumalas kay mama.

Tumango si mama bilang pagtugon bago ngumiti sa akin .

Hinintay muna namin siyang makaalis bago kami pumasok sa loob ng bahay.

" Ikaw Patricia pinag-aalala mo si mama ! " sabi ko at umakto akong babatukan siya pero mabilis siyang nakaiwas sa akin.

" Eh sorry na , May. " paghingi niya ng tawad sakin .

Inirapan ko siya.

" Pasalamat ka mahal kita. " sabi ko at parang nabasag ang boses ko.

Sumimangot siya sa akin.

" Kapag umalis ka dito , mamimiss kita. " naiiyak niyang sabi sa akin .

" Ako din mamimiss kita . " sabi ko at napayakap ako sa kanya. Para kaming timang na nakatayo dito sa sala at nag-iiyakan.

" Basta mag-iingat ka dun ha ? Tapos kapag may kailangan ka , tawagan mo lang ako. Kapag sinaktan ka ulit ni Edward sa akin ka babalik ha ? " Bilin niya sa akin na parang siya ang nanay ko.

Tumango ako habang nakayakap kay Patricia.

" Hindi pa naman ako aalis eh . " sabi ko bago kumalas ng yakap kay Patricia .

" Tama na . Ang pangit mo umiyak eh . " tumatawang sabi ko habang may luha paring umaagos sa pisngi ko . Suminghot ako at pinunasan ko ang luha niya .

" Ikaw din . Ang pangit mo din umiyak , May . " nakangiting sabi niya at pinunasan niya din ang luha ko sa mata.

" Mommy ? What's wrong ? Bakit kayo umiiyak ni tita ? " tanong ni Joshed sa amin habang pababa sa hagdanan at papungas pungas pa siya ng mga mata niya bitbit ang laruan niyang si bunny .

Saglit kaming napatingin sa gawi niya at agad din kaming nag-iwas ng tingin sa kanya sabay punas ng mga luha namin. Matapos ay lumapit ako kay Joshed at binuhat ko siya sabay halik sa labi niya. Hindi ko sinagot ang tanong ni Joshed dahil alam kong malulungkot din siya kapag sinabi kong aalis na kami dito at titira na kami sa bahay ng daddy niya.

-------------------------

Edward's POV

Maaga naming hinatid sila mommy sa Airport. Kasama ko si nanay Maria sa sasakyan nang maisipan kong bumili ng pagkain para kela Maymay at Joshed at balak namin silang daanan sa kanila.

" Bakit kasi hindi mo pa iuwi sa bahay ang mag-ina mo ? " tanong sa akin ni nanay matapos namin bumili ng pagkain .

Tumingin ako kay nanay . Actually sumagi rin 'yan sa isip ko kagabi bago ako natulog.

" Sa tingin mo papayag kaya siya kapag inaya ko na siyang magsama kami nay ? " tanong ko kay nanay.

" Oo papayag 'yun anak . Baka hinihintay nalang niya na ayain mo siya . " nakangiting sagot ni nanay sa akin .

Pagkasabi ni nanay ay hindi na ako nagdalawang isip pa . Tinawagan ko agad si Maymay .

" Basta mag-impake ka na babe. I love you. Bye !" sabi ko at dali-dali kong pinatay ang tawag.

------------------------

Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon