Nakita kong nakapikit ang mga mata nya at may ngiti sa mga labi nito .
Ngumuso sya nang nakangiti sa akin .
Gising pa pala ang loko !
Bahagya kong tinapik ang pisngi nya .
Napahawak si Edward sa pisngi nya at ngiting ngiti pa rin sya.
Inikot-ikot ko ang daliri ko sa gilid ng ulo ko.
Buang!
Nagmulat sya ng mata nya at sinalubong nito ang mga titig ko dahilan para magtama ang mga paningin namin .
" MaryDale Entrata .." mahinang sambit nya sa pangalan ko .
" Wala ka nang takas sa akin " sabi nya .
" Sinabi mo na ang magic word na gusto kong marinig " nakangiti nyang sabi .
" Ano pa nga ba ? Syempre nadulas na ko at hindi ko na mababawi pa at tyaka wala akong balak na bawiin pa 'yun sayo Mr. Edward Barber " sagot ko naman .
Napansin ko ang biglaan nyang pananahimik .
" You okay ? Ang lalim ata ng iniisip mo ? " tanong ko .
" Naisip ko lang , baka kasi maghanap ka pa ng iba. Si Tanner " pag-aalala nya .
" Hindi mo nga alam kung may gusto sa akin yung tao eh ! " sagot ko .
" The way he look at you , sapat na yun para masabing may gusto sya sa'yo " nakangising sabi ni Edward.
" Bakit ? Wala ka bang tiwala sa akin ? " tanong ko .
" Sayo meron ..pero kay Tanner ? Wala ! " sagot nya .
" Huwag kang mag-alala , sayo lang ako at hindi na ako maghahanap ng iba " sagot ko naman .
"Good! Kasi pag naghanap ka ng iba , itatali talaga kita para wala ka ng takas " seryoso nyang sabi .
" Tapos yung lalaki mo ...babaliin ko lahat ng buto nya at tutuldukan ko ang buhay nya " pagbibiro nya.
" Panu kung ikaw naman ang mambabae ? " nakasimangot na tanong ko sa kanya . Akmang tatalikuran ko na sya ng kabigin nya ang katawan ko . Naradaman ko na lang na nasa ibabaw ko na sya .
Linaro ng daliri nya ang ilang hibla ng buhok ko.
" Ano bang sinasabi mo , mambabae ? Sayo lang ako nababaliw ng ganito tapos mambababae pa ko " sabi nya at pinisil ang dulo ng ilong ko na lagi nalang nyang pinanggigigilan .
Hinalikan nya ang leeg ko . Napaigtad ako dahil sa init ng kanyang hininga .
Muli nya akong tinitigan .
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil baka mawala din ako sa sarili ko . Dahil sa pagkakadikit ng mga katawan namin , he's now literally taking my breath away.
" Babe , bakit ayaw mo akong tignan ? " nanunuksong sabi nya .
" I-inaantok na kasi ako " sabi ko at tinulak ko sya . Pinikit ko ang mga mata ko at umaktong natutulog na .
" Babe " denedma ko sya .
" Babe ! " hindi ko parin sya nilingon .
" Babeeeeeeee ! " halos pasigaw na nyang sabi .
Hindi ko parin pinansin kaya hinalikan na nya ako .
Mainit ang labi nyang sumakop sa bibig ko . Until I found my self slowly opening for him . Hinabol ko pa ang labi nya nang magtangka syang kumalas .
Bigla syang tumawa . Humalakhak sya ng humalakhak .
" Good night ,babe " pigil tawa nyang sabi sabay pikit and he let out some snore .
Sarap batukan eh ! Hahalikan nya ako tapos bigla nya akong bibitinin! Psh .
Ngumisi ako sa kanya .
" Good night ! " inis kong sabi sabay talikod .
Nilagay nya ang kamay nya sa beywang ko pero maharas ko itong tinanggal . Hindi sya nagpatalo sa akin at muli nya itong ibinalik sa beywang ko at niyakap ako ng mahigpit .
-------------
Kinabukasan ay nagising ako sa marahan nyang paghaplos sa pisngi ko . Naramdaman ko rin ang paghawi nya sa ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko .
Unti unti akong nagmulat ng mata ko .
Ngumiti sya sa akin .
Ghad ! Ang gwapo talaga .
Halos araw-araw kaming magkasama ni Edward pero ni minsan ay hindi ako nagsawang titigan ang maamong mukha nya . Kahit galit ay gwapo parin . Lalo na pag nagseselos sya .
" Good morning, babe" sabi nya at dinampian nya ng halik ang noo ko.
Sumimangot ako sa kanya .
Akala nya nakalimutan ko na 'yung ginawa nya sa akin kagabi . Psh !
" Morning ! " sabi ko at agad akong tumayo sa kama . Inayos ko ang hinigaan ko at derederecho akong lumabas ng kwarto nya nang hindi ko man lang sya nilingon.
----------
Edward's POV
Tinawag ko sya pero hindi nya ako nilingon .
" Babe ! " tawag ko sa kanya hindi nya ako pinansin kaya tumayo na rin ako at sumunod sa kanya .
Bumaba ako sa kusina . Nakita ko si Maymay at Joshed na kumakain ng sabay .
My family !
Masaya akong lumapit sa kanila.
" Good morning , baby " bati ko sa anak namin .
" Hi Daddy ! Good morning " masayang bati nya . Tumayo sya sa ibabaw ng upuan at niyakap ako at hinalikan ako sa pisngi ko .
Lumapit ako kay Maymay at umupo sa tabi nya . Napakunot noo ako nang hindi parin ako pansinin ni Maymay. Ni walang pakape !
Nakita ko si Tanner na palapit sa gawi namin .
" Hi , Good morning . " bati nya sa lahat .
Napatitig si Joshed sa kanya na parang hindi makapaniwala sa nakikita nya .
" Superman ? " sambit ni Joshed .
Nakasuot ng salamin si Tanner kaya parang magkahawig sila ni superman .
Ngumiti si Tanner kay Joshed at nakipag apir pa sya sa bata .
Hindi lang pala kay Maymay ako magseselos , pati rin pala sa anak namin dahil nakukuha ni Tanner ang atensyon nya .
Hindi ko masyadong pinansin ang pagiging tahimik ni Maymay hanggang sa kinuhaan nya ng isang tasa ng kape si Tanner .
Tumingin si Tanner sa akin na parang nag-aalala. Pero hindi ko ito pinansin at hindi ako nagsimula ng away .
Damn ! Nananadya na talaga tong babaeng to !
Sinundan ko lang ng tingin si Maymay habang pabalik sa tabi ko . Tumingin sya sa akin kaya pinandilatan ko sya ng mata ko , inis akong tumayo sa tabi nya at umalis .
------------
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )