Maymay's POV
Tumawag si Edward sa akin at sinabi niya na mag-impake na daw ako ng mga damit namin ni Joshed. Kahit na hindi ko alam kung ano ang rason ni Edward ay sinunod ko nalang siya.
" Tulungan na kita ,May . " alok ni Patricia sa akin . Tumango ako sa kanya bilang pagpayag. Umupo siya sa gilid ng kama at tinupi niya ang mga damit namin ni Joshed.
Tumayo ako at inayos ko ang mga damit namin ni Joshed sa loob ng bagahe. Habang nag-aayos ako ay may humintong sasakyan sa tapat ng bahay. Dumungaw sa bintana si Patricia para tignan kung sino ito.
"Si Edward. " sabi niya bago tumingin sa akin.
Tumango lang ulit ako kay Patricia at muli kong inabala ang aking sarili sa pag-iimpake. Ayokong tumingin kay Patricia. Baka lalo lang akong malungkot at mapaiyak dito.
" Buksan ko lang 'yung gate , May. " sabi niya at lumabas na siya sa kwarto ko.
Pagkaalis ni Patricia ay bigla nalang bumagsak ang ilang butil ng luha sa mga mata ko. Habang pinagkakasya ko ang ilang damit ko sa bagahe ay napakagat ako ng pang-ibabang labi ko.
" Babe ! " rinig kong tawag ni Edward sa akin at nanggaling ang boses niya sa baba .
" T-teka lang. " halos pasigaw na sabi ko habang nagpipigil ng aking damdamin. Hindi ko kasi maiwasang malungkot lalo na't alam kong iiwanan namin si Patricia ng mag-isa dito sa bahay.
Hindi na makapaghintay si Edward kaya pumanhik na siya dito at pumasok sa kwarto ko.
Nag-iwas ako ng tingin kay Edward at pumunta ako sa kabinet para kunin ang mga pabango ko.
Lumapit si Edward sa akin nung inaabot ko ang ibang mga damit ko na naka hanger sa loob ng kabinet.
Niyakap ako ni Edward at pinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko .
Tumingin siya sa aking mga mata pero nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
" You okay? " mahinang sabi niya.
Tumango ako ng malungkot .
" Bakit malungkot ka ? Ayaw mo bang sumama sa akin ,babe ? " tanong niya sa akin.
Kumalas ako kay Edward bago ko hinakbang ang mga paa ko papuntang kama , kung saan ako nag-aayos ng mga gamit ko.
" Hindi ako malungkot . " sabi ko . Tumingin ako kay Edward at binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti sabay pisil sa pisngi niya.
" Bakit parang malungkot 'yang boses mo, pati 'yang ngiti mo. Ayaw mo ba akong makasama ? Hindi ka pa ba handa ?" tanong ni Edward sa akin sabay titig sa mga mata ko.
Hindi ko siya sinagot. Pinalikot ko ang mga mata ko at nagpalipat lipat ako ng tingin sa mata at labi ni Edward sabay talikod sa kanya at nilagay ko sa bagahe ang natitirang gamit ko.
" Bakit hindi ka ba masaya na magsama tayo ? " seryosong tanong niya ulit sa akin.
" Hindi sa ganun dong . Iniisip ko kasi si Patricia . Maiiwan siya dito. " sagot ko at humarap ako kay Edward .
" Patricia has been with you for several years , Maymay. Pwede bang ako naman ? Please share some years of your life with me because I will be your husband soon and not Patricia . " hiling niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.
Napayuko ako.
" Tsaka pwede mo naman siyang bisitahin kung gusto mo at kahit siya open siya sa bahay natin. Kahit anong oras pwede ka niyang bisitahin dun . Kaya huwag ka ng malungkot. Please ! " dagdag ni Edward at hinawakan niya ang baba ko at inangat niya ang mukha ko .
Ngumiti ako kay Edward tyaka ko hinawi ang ilang hibla ng buhok niya na nakaharang sa noo niya .
" Tama ka , babe. Sorry kung--. " hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil inunahan niya akong magsalita.
" Say the magic word I want to hear and I'll accept your apology ." sabi niya at nilock niya ang mga daliri niya sa likod ko.
" I love you. " masuyong sabi ko sabay haplos sa pisngi niya.
" I love you too. " sagot niya bago ako hinalikan sa labi ko.
" Tara babe ? " pag-aaya niya.
Tumango ako.
Kinuha niya ang bagahe na nasa ibabaw ng kama at bago niya ito hinila ay hinawakan muna niya ang kamay ko at lumabas kami sa kwarto. Bago ko sinara ang pinto ay tinignan ko muna ng matagal ang kwarto namin ni Joshed. Ang kama namin , at lahat ng sulok nito.
" Lets go ? " pag-aaya muli ni Edward sa'kin. Tumango ako bilang pagtugon habang nakangiti sa kanya.
Nang nasa sala na kami ay muli akong nagpaalam kay Patricia. Si Edward naman ay binuhat niya si Joshed .
"Where are we going daddy , mommy ? " inosenteng tanong ni Joshed sa amin at wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari.
Lumapit ako sa mag-ama ko.
" Titira na tayo sa bahay ni daddy ,baby. " ako ang sumagot sa anak namin.
" How about tita Patricia ? Hindi siya sasama sa atin ? " tanong niya sabay tingin kay Patricia.
" Hindi baby eh. " sagot ko .
Napayuko si Joshed at lumungkot ang awra niya.
" Pero don't worry baby , bibisita si tita sa atin . " si Edward naman ang sumagot kay Joshed.
Napangiti siya.
" Promise ? " tanong niya habang nakatingin sa daddy niya.
" Promise ! " si Patricia .
" Group hug muna tayo mommy , daddy at tita Patricia . " masiglang sabi ni Joshed sabay open arms.
Lumapit si Patricia sa amin at niyakap kami. Matapos ahy hinatid niya kami sa labas .
" Bisita ka ha ? " muling sabi ko kay Patricia.
Tumango siya sa akin sabay ngiti. " Oo , May. "
" Ingatan mo tong bahay. Mamimiss ko to . " sabi ko pa sabay simangot.
Tumango ulit si Patricia.
Nang may nagbukas ng pintuan sa front seat ng sasakyan.
Si nanay.
Lumabas si nanay at lumipat siya sa likod. Bago ako sumakay ay niyakap ko muna ng matagal si Patricia. Matapos ay pumasok na ako sa loob ng sasakyan.
_________________________
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )