Staircase

1K 86 21
                                    

Nakakabingi nanaman ang katahimikan sa loob ng aking sasakyan.

Sumulyap ako kay Edward na nakatuon ang kanyang tingin sa akin .

Now this is awkward .

Gusto ko siyang kausapin pero pinapangunahan ako ng hiya. Nararamdaman ko ding ganun siya ngunit pinipigilan lang niya ito .

Maingay ang radio ngunit bukod doon ay wala ng nagsasalita.

" This is kinda awkward " basag ni Edward sa katahimikan .

Tumingin ako sa kanya at nagtama ang aming mga paningin.

" May..siguro kung hindi tayo naghiwalay noon , we may be married now and have little Maymay or Edward " biglang sabi niya .

" Now this not kinda awkward...
This is super awkward " bulong ko sa aking sarili .

Tumingin ako sa kanya .

" S-siguro nga ..baka masaya tayong tatlo ngayon " nakangiti kong sabi sa kanya at muling itinuon ang mga paningin ko sa daan .

Huli na ng na realized ko ang aking sinabi kay Edward . Nakita ko ang pagkalito sa mga mata niya .

" W-what do you mean ? " nakakunot noo niyang tanong sa akin .

Bigla akong nataranta. Hindi ko alam kung paano ko ito lulusotan .

" I-i mean kung may little Jos..Edward at little Maymay , baka masaya tayong tatlo ngayon " nauutal kong sagot kay Edward .

" Ah.... " tumango tango siya sa akin .

Bigla akong pinawisan ng malagkit . Nakita kong dumukot si Edward ng panyo niya sa kanyang bulsa at ipinunas ito sa noo ko .

" Pinagpapawisan ka na kasi, kaya pinunasan ko na . " paliwanag ni Edward .

Marahil napansin niyang nailang ako sa kanyang ginawa .

I smiled at him . " T-thank you Dong . "

He just smiled at me back . " Your welcome May . "

Sakto naman na 10AM ay nakarating na kami sa St. Luke's Medical Center .

Agad akong nag park ng aking kotse at inalalayan ko siyang bumaba ng kotse ko .

Nakaakbay lang si Edward sa akin habang inaaalalayan ko siyang maglakad . Kapit na kapit naman ito sa akin na para bang sinasamantala niya ang pagkakataon .

Napatigil kami sa may staircase . Nagkatinginan naman kami ni Edward .

" Kaya ko yan " sabi niya sa akin .

" S-sure ka Dong ? " tanong ko na may bahid ng pag-aalala sa tono ko .

" Y-yah " dahan dahan kaming naglakad papunta ng staircase.

" Sa unahan ka nga May ! " biglang utos niya sa akin nang may tatlong lalaking nakasunod sa aming likuran .

" Pero kailangan kitang alalayan " katwiran ko kay Edward .

Napakamot siya sa kanyang batok .

" Wala ng pero pero sundin mo nalang ako ! " inis niyang sabi sa akin .

" Oo na boss ! " at nakipagpalit ako ng pwesto sa kanya .

Napahinto ako sa paglalakad ng maramdaman kong sa iba nakatingin si Edward.

Nilingon ko siya .

" Edward ah ! " mahina kong sabi habang nasa hagdanan kami.

Tumingin naman ito ng nagtataka sa akin .

Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon