Worried

758 75 18
                                    

" Pasok ka muna . Nasa loob si mama. " alok ko sa kanya.

" S--sige . " mahinang sabi nya. Nauna akong maglakad sa kanya , nang maramdaman kong hindi ito gumalaw , at nakatayo lang ito. Kaya lumapit ako sa kanya at tinanong ko ito kung bakit.

" Nahihiya ako kay tita Lara at tito Ricky , baka hindi pa nila ako napapatawad. " nag-aalalang sabi nya . Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay para palakasin ang loob nya . Pinunasan ko nadin ang ilang butil ng pawis sa noo nya.

" Huwag kang mag-alala , na explain ko na lahat kay mama yun. " sabi ko sa kanya.

" Halika na, pasok na tayo sa loob. " pag-aaya ko ulit kay Edward , tsaka ko hinila ang kamay nya.

Tumigil ulit ito sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng aming pintuan.

" Paanu kung ayaw pa nila akong makita? " tanong ulit nya .

" May tiwala ka ba sa akin ? " seryosong tanong ko din kay Edward.

" Syempre .  101% pa nga eh." sagot naman nito sa akin .

" Edi tara na sa loob. Hindi kita pababayaan. Okay ? " sabi ko at  binigyan ko sya ng isang mabilis na halik sa kanyang labi.

" Kulang naman eh " at humirit pa ang loko.

Kiniss ko ulit sya .

" Kulang padin ! " sabi nya pero hindi ko na ito pinagbigyan pa .

" Tara na nga! " sabi ko at hinila ko ulit ang kamay nya .

" Edward....pasok ka! " sabi ni mama. Nasa likod pala namin ito .

Hindi nakasagot si Edward at tahimik syang naglakad at umupo ito sa mahabang sofa.

" Teka , ipagtitimpla ko ng kape si Edward. " paalam ni mama at naiwan kaming dalawa ni Edward sa sala.  Nilagay ko sa side table ang hawak kong bulaklak at teddy bear .

" Ahm...Edward , aakyat muna ako sa taas , maliligo lang ako. " paalam ko din kay Edward , paalis na ako nang mabilis nitong hinawakan ang kamay ko .

Nilingon ko sya.

" Bakit? " Tanong ko .

" Balik ka agad. " mahinang sabi nya.

Akala ko kung ano na .

" Opo . Mabilis lang ako . " nakangiting sabi ko .Pinanggigilan ko muna ang kanyang pisngi bago ko ito iniwan .

-----------

Edward's POV

"Kamusta kana ? " tanong ni tita sa akin .

" Mabuti naman po . " magalang na sagot ko.

" Kanina ko pa napapansin na parang nababahala ka . " tanong ni tita sa akin .

" Kung iniisip mo 'yung tungkol sa nangyari noon , huwag kang mag-alala, sinabi na lahat ni Maymay sa akin at isa pa hindi ko pwedeng hadlangan ang isang bagay na nakapagpapasaya kay Maymay at sa apo ko . Mahal at pinapahalagahan ko sila . Sana ikaw din. Kahit sabihin mo pang hindi mo kagustuhan ang mga nangyari noon , ay nasaktan mo parin ang anak ko . "

Oo , alam ko yun. Pero hindi ko na uulitin yun.  Hindi ko na hahayaan pang mawala ulit si Maymay sa akin .

" Opo tita.  Hindi ko na ulit sasaktan at paiiyakin si Maymay.  Sigurado na ako sa kanya." nakangiting sabi ko.

" Hindi ba't bukas na ang party para kay Joshed ? " biglang singit ni tita sa usapan namin.

" Oo tita . " tipid na sagot ko.

" Excited na akong makilala ang pamilya mo ." masayang sabi ni tita sa akin.

" Sigurado po ako na ganun din sila. " sagot ko din kay tita.

" Asan nga pala si tito Ricky? " tanong ko nang mapansin kong wala sya dito.

" Ay nasa taas . Nagpapahinga sya. " sagot nya.

" Si Maymay tita nakapag pahinga ba sya ng maayos ? " tanong ko din.

" Oo. Naabutan ko sya kanina na masarap ang tulog sa kwarto nya. " sagot din ni tita sa akin .

" Nahilo kasi sya kanina sa loob ng restaurant . Bigla nalang daw sumakit ang ulo nya. " sabi ko .

" Baka naman bu... " biglang may tumawag sa akin kaya hindi naituloy ni tita ang sasabihin nya sa akin.

" Teka lang tita sagutin ko lang tong tawag ni mama . " paalam ko at lumayo ako sa kanya.

-----------------

Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon