Maymay's POV
Kasalukuyan akong naghuhugas ng mga pinagkainan namin nang naring ko ang kanilang tawanan sa sala .
Napalingon ako at napangiti ako sa aking nakita . Inaaliw ni Edward habang kinikiliti niya ang tagiliran at leeg ni Joshed .
For the first time, ngayon ko lang nakita si Joshed na ganito kasaya at ayokong maging hadlang sa kasiyahan niya .
Muli kong binalik ang aking atensyon sa hinuhugasan ko .
Nang Muntikan ko ng mabitawan ang basong hawak ko dahil may kumalabit sa aking likod . Napalingon naman ako para tignan kung sino ito .Nakita ko si Joshed na nasa likod ang mga kamay niya na parang may tinatago .
Ngumiti siya sa akin.
" Mommy... For you " sabay abot niya sa akin ito . Napatigil ako sa aking ginagawa , nagpunas muna ako ng basa kong kamay at kinuha ang inaabot nito .
Napangiti ako. Isa isa kong tinignan ang tatlong white roses na gawa sa papel .
" Thank you baby "
" Daddy made that for you " sabay turo kay Edward. Tumingin ako sa may pinto ng kusina. Nakasilip naman siya sa akin .
" That means " I love you " sabi nito at pabirong kinindatan ako.
" Bumalik na nga kayo don " pabiro ko siyang inirapan pero ang totoo ay kinikilig ako .
Hinintay ko muna silang makaalis bago ako sumilip uli sa may pinto.
Nang masiguro kong wala na sila ay pumikit ako at pasimpleng inamoy amoy ang papel na bulaklak .
" Hoy ! " nagulat ako ng winisikan ako ni Patricia ng tubig sa mukha saka siya tumawa ng malakas .
" Kanina ka pa ba diyan ? " hindi ko namalayan na nandito na pala siya sa tabi ko . Umiinom siya ng tubig habang nakasandal sa may lababo .
" Oo .. kanina pa kita pinagmamasdan para kang timang " ginaya niya ako. Inagaw niya ang bulaklak na hawak ko saka kunwaring inamoy- amoy iyon kahit wala naman maaamoy roon .
" Pinapabigay nga pala ni Daddy ! " sabi pa ni Patricia sabay abot ng bulaklak na papel sa akin .
Umiling ako habang nakangiti .
" Kumain ka na ba ? nagluto ako . " pag-iiba ko ng usapan , habang nagbabanlaw ng pinggan .
" Malamang.. Anong ipapakain mo kay prince charming mo kung hindi ka nagluto ? " aniya na ikinatuwa ko .
" Oh sha magpapalit muna ako ng damit ko " biglang paalam niya . Tumango lang ako sa kanya bilang tugon.
Nang matapos ang hinuhugasan ko ay sumunod ako kay Patricia sa taas.
Nagpalit ako ng damit bago bumaba.
Naabutan kong tutok na tutok sila Edward sa t.v dahil sa pinapanuod nilang Star wars .
Di ba sila nagsasawa sa movie na 'yan?
Napansin kong wala si Marcus , sumilip ako sa bintana at nakita kong may lalaking nakatayo sa may garden , may nakaipit na nasindihang yosi sa pagitan ng kanyang gitnang daliri at hintuturo .
Bigla namang may tumikhim .
Nanlaki ang mata ko nang mapatingin ako sa isang lalaking nakangiti habang nakatingin sa akin .
" Patrick ! " lumapit ako kay Patrick at binigyan ko ito ng saglit na yakap.
Naging ex boyfriend ko si Patrick . May nakaraan kami . Pero ni minsan hindi ko naramdaman kay Patrick ang naramdaman ko kay Edward .
" K-kamusta na May ? " nakangiting tanong niya sa akin .
" O-okay lang naman " nakangiti ding sagot ko .
Tumikhim din si Edward , nakatingin siya sa amin habang hawak ang kaliwang tenga niyang may itim na hikaw .
" May nagseselos ! " natatawang sabi ni Marco .
" Don't worry bruh ...I-im engaged na at loyal ako kay Christine " sabi nito kay Edward .
" Si Patrick ikakasal na pero si Sir Donny ....hindi pa ! " singit ni Patricia na kabababa nya lang sa sala .
Napatingin kami kay Donny na may hawak na pagkain . Nilapitan niya kami . Umupo siya sa tabi ni Edward at nilapag ang box na may laman na pepperoni pizza burger sa center table .
Tumayo naman si Patricia , tumungo siya sa kusina at pagbalik niya ay may dala na siyang tray na may lamang juice .
Nilapag niya ang tray sa center table saka umupo sa tabi ko .
" Joshed gusto mo ? " tanong ko sa aking anak. Sinulyapan lang niya ako at ibinalik uli ang kanyang paningin sa t.v .
" Nagtataka siguro kayo kung bakit ko kayo pinapuntang lahat dito " biglang sabi ni Edward .
Tumingin sa akin si Edward .
" May , I hope you don't mind . Gusto ko sanang ipakilala si Joshed as my son . "
" Bahala ka Edward ... I think it's about time na nga na makilala nila si Joshed " I agreed to Edward's plans na ipakilala na si Joshed . Wala naman nang dahilan para itago pa ito sa lahat .
" K-kailan bruh ? " tanong naman ni Marcus na katatapos lang magyosi sa labas .
" This coming saturday " sagot naman ni Edward .
Tumango si Marcus bilang tugon.
" Sige bruh .. Sabihan ko nalang si Christine tungkol dito . " sabat naman ni Patrick .
" Ako na ang bahala sa invitation card " prisinta naman ni Patricia .
" Ako na din ang bahala sa mga chix ! " sabi naman ni Marco . Humalakhak pa ito .
Napailing na lang ako.
Hindi sinasadyang napatingin ako kay Donny na umiinom ng Juice. Napatingin din siya sa akin .
Bigla nanamang tumikhim si Edward sa tabi ko .
" Your eyes May ...sa akin lang yan ! " Seryosong sabi ni Edward na may bahid ng selos ang tono niya .
" Wooohhh ! " naghiyawan silang lahat .
Uminit ang mukha ko at siguradong pulang pula ako ngayon .
--------
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )