" Happy New Year !!! " sigaw ng lahat at sabay-sabay naming hinipan ang mga torotot.
Nakatayo kaming lahat sa harap ng gate nila Edward , habang nakatingala at pinagmamasdan ang madilim ngunit makulay na langit dahil sa mga fireworks.
Napapikit ako nang bumalik ang lahat ng mga pinagdaanan ko , lalo na nang nalaman ni Edward ang totoo tungkol sa anak namin .
I feel like ...I woke up with a bad dream, which I dont want to be happen ..pero hindi ko pinagsisihan ng harapin ko ito .
Kung may pagsisisi man ako sa mga naging desisyon ko sa buhay ko ay 'yong sana hindi nalang ako natakot , sana hinarap ko nalang , baka nga masaya kami ngayon bilang isang pamilya .
Pero ang mas mahalaga ay naging masaya ang dulo , at magkasama na harapin ang aming future.
New chapter of my life , and another start of my journey.
Nabalik ako sa realidad ng may tumikhim sa tabi ko . Napamulat ako ng mata ko .
"Eheeemm ! Ang lalim ng iniisip mo ah, babe " sabi ni Edward .
" Tara na sa loob " pag-aaya nya sa akin .
Napatingin ako sa paligid ko . Pumasok na pala ang lahat sa loob at kami nalang ni Edward ang naiwan sa labas .
Inakbayan niya ako saka may ibinulong sa tainga ko kaya ramdam ko ang init ng hangin .
" Pero sabihin mo lang kung gusto mo pa akong solohin , tatakas tayo sa kanila " nakangising sabi ni Edward.
" Buang ! , tara na nga sa loob ...ang lakas ng hangin eh , nilalamig tuloy ako ! " sabi ko .
May ibinulong nanaman sya sa akin .
" Painit tayo ! " pilyo syang ngumiti at humalik sa balikat ko .
Nagulat ako sa sinabi nya kaya bahagya kong hinampas ang braso nya .
Humalakhak pa ang sira ! .
" Oh , may nakakatawa ba ? " tanong ko pero sige parin sya ng tawa.
" T-tumigil ka nga dyan ! " sita ko sa kanya.
" Yong expression mo kasi babe , ang cute ! " sabi nya sabay pisil sa ilong ko .
Napanguso ako .
" Uy bruh ! Hindi pa ba tapos ang putukan at nasa labas pa kayo ? " tanong ni Marcus samin .
" Go away ! And find another business to ruin . Susunod rin kami " may bahid ng inis sa tono nya .
Pumasok ulit sa loob si Marcus kaya sumunod nadin kami sa knya at agad na nagtungo sa kusina .
Agad na inabotan ni Melia si Edward ng plato na may laman ng pagkain .
" Thanks ! " sabi ni Edward sa kanya .
Bakit si Edward lang ?
Kumuha na lang ako ng tasa at nagtimpla ng kape , nagtungo ako sa sala at naabutan kong nag gigitara si Marcus .
" P-pahiram " sabi ko .
Inabot naman nya agad sa akin ito.
Nilapag ko sa center table ang kape ko at umupo ako sa sofa at sinimulan ko ng magstrum sa gitara.
" Magaling ka palang mag gitara , May " sabi ni Marcus sakin .
Ngumiti lang ako sa kanya at nagpatuloy ako sa pagtitipa ng gitara at pinikit ko ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )