Maymay's POV
" Magkape ka muna iha " sabi ni Nanay at nilapag sa center table ang isang tasa ng kape .
" Salamat po Nay " sabi ko sa kanya ng nakangiti .
" N-nay gising na ba si Edward ? " tanong ko kay nanay .
" Tulog pa iha ..gigisingin ko ba ?" tanong din niya sa akin .
" Ako na ang gigising kay Edward nay " presenta ko .
" Nasaan ba ang kwarto niya Nay ? " tanong ko ulit .
" Sa dati nak " sagot nito sa akin .
Tumango ako sa kanya.
" Pakisunod nalang sa taas yung pagkain ni Edward Nay .. Thank you " nakangiti kong sabi kay Nanay at pumanhik ako sa taas para gisingin si Edward .
Kinatok ko ng tatlong beses ang kanyang pintuan.
" Edward ..a-ako to si Maymay " sabi ko ngunit walang sumasagot sa akin .
Kakatok pa sana ulit ako ng biglang bumukas ang pinto .
Napanganga ako sa aking nakita at parang estatwang hindi makagalaw.Magulo ang kanyang buhok at....
Shooockkksss ! Wala siyang pang itaas na damit ...
Bumaba ang tingin ko sa katawan niya . It's not like I'm drooling but i can't help it coz he has this well-built body which is very strong and attractive.
Focus May...Focus !
Nagulat ako ng tumikhim ito . Tumaas ang tingin ko sa kanyang mukha at nakita ko itong nakangisi sa akin .
" Tapos ka na bang pagnasahan tong katawan ko Maymay ? " nakangisi niyang sabi sa akin .
Kapal !
Umakto ako na parang naduduwal.
" Eheemm " napatikhim din si nanay .
Naibaling ang aming atensyon sa kanya . Nakita ko ang hawak hawak niyang tray na may lamang pagkain .
" Ay nanay ..akin na po iyan " kinuha ko ang tray sa kanya .
" S-sige nay ..ako na ang bahala dito " nakangiti kong sabi kay Nanay .
Tumango siya at tipid na ngumiti sa akin.
Hinintay muna naming makaalis si Nanay bago ako pumasok sa loob ng kanyang silid.
Nilapag ko ang tray sa side table . Kumuha ako ng damit sa kanyang closet at tyaka inabot ito kay Edward . Agad naman niya itong sinuot .
Tinulongan ko siyang makalipat sa kanyang kama .
Ang bigat bwisit !
Sinubukan ko ulit pero parang nananadya siyang magpabigat sa akin .
Balak pa yatang pahirapan ako !
" H-hindi kita kaya ! " reklamo ko kay Edward .
" Nakaya mo ngang iwan ako iyan pa kayang simpleng pagbuhat lang sa akin ? "
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.
" Alam mo kung magdradrama ka lang aalis na lang ako ! Maghanap ka nalang ng iba mong personal nurse ! " sumbat ko sa kanya .
" Hindi ako nagdadrama.. I-i'm just telling the truth " saad pa niya.
Wow ...sino kaya ang nagloko sa amin ?
Tumahik nalang ako at hindi ko na ito sinagot pa .
Yumuko nalang ulit ako sa kanyang harapan at muli ko siyang hinila pataas .
Sumandal siya sa headboard ng kama , nilapag ko ang tray sa lap niya .
Nang matapos siya sa pagkain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan niya. Pagkatapos ay bumaba ako sa kitchen at kumuha ulit ng isang baso ng tubig .
" H-here " pag-abot ko sa kanya at ininum ang laman nito .
" I'm going to take a bath " mahinang sabi niya pero sapat lang para marinig ko ito .
" Okay .. Tanggalin ko lang yung bandage sa legs mo " hinawakan ko ang left leg niya at saka tinanggal ang bandage sa legs niya .
Tinulongan ko siyang makabangon sa kama at inalalayan ko siyang makapunta sa bathroom .
Nang masigurado kong okay na siya ay sinabihan ko siya na maligo na ito.
" Maligo kana " tyaka umaktong papalabas ng bathroom ng bigla niyang hinawakan ang aking braso .
Hinila niya ako papalapit sa kanya .
" Ayaw mo bang sumabay sa akin ? " nakakaloko niyang tanong sa akin .
" Mr. Edward Barber ang pinunta ko dito ay trabaho bilang personal nurse mo , at hindi para makipaglandian sa iyo ! " direstong sabi ko sa kanya .
Pagkatapos ay lumayo ako sa harap niya at iniwan itong mag isa sa loob ng shower room .
A/N
Talandeee 😅😅😅
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )