Be my wife

794 83 12
                                    

Maymay's POV:

Alas siete na ng gabi nang makarating kami. Tumingin kami sa labas ni Vivoree at nakita namin ang ilang mga bisita na nasa harap ng gate at papasok palang . Habang ang iba naman ay nag-aayos muna ng kanilang mga sarili bago pumasok sa loob.

Naunang bumaba si Steven at pinagbuksan kami ng pintuan ni Vivoree.

" Salamat baby ko ." pasweet pang sabi ni Vivoree kay Steven bago siya bumaba.

Sumunod ako kay Vivoree at bago ako bumaba ay tumingin muna ako kay Steven at ginaya ko si Vivoree.

" Shalamat baby keh ehe. " pabebeng sabi ko .

Natawa sila.

" Pasok na tayo sa loob ate May. " pag-aaya ni Vivoree sa akin.

Tumango ako ng tipid sa kanya.

Naglakad kami at kumanan ng daan nang nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na titig. Naka-black blazer slim suit na jacket ito at nakaayos ang buhok.

May tinanong si Vivoree sa akin kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko at nawala sa paningin ko si Tanner.

Pumasok kami sa loob at sumalubong sa amin ang mahinang tunog ng stereo.

Napatingin ako sa paligid. Nakaayos ang mga table at may mga nakaupong mga bisita. May mini stage din sa harap.

Nagpalinga-linga ako at hinanap ko sila mama nang napansin kong wala sila Vivoree at Steven sa tabi ko.

Nagpatuloy ako sa aking paglalakad nang biglang namatay ang ilaw at tumahimik ang buong paligid .

Nataranta ako at kasabay nito ang pagkagulat ko nang tumambad sa akin ang isang malaking screen sa harap na nasa mini stage at kasabay nito ay ang pagsindi din ng dalawang party lights sa gilid ng mini stage.

Napahinto ako nang nagflash sa screen ang isang litrato ko na may suot na salamin ,may hawak na libro , magulo ang buhok at baduy ang pormahan.

Kasunod nun ay isang sulat.

Why I choose this photo of you is I want to show everyone who I loved, how proud I am of you.
Even you're insecure to yourself , And not believe that you're beautiful.
If you only saw what I can see ,
you'll understand why I want you so desperately..
Why I am in love with you ...with you my bestfriend.

And I hope to be married to you, to be with you and Joshed every day....

Natapos ang sulat pero ang mga luha ko patuloy parin sa pag-agos.

I suddenly touch my chest and felt it. Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko nang biglang bumukas ang mga ilaw.

May luha pa ako sa mga mata nung napatingala ako. Umulan ng mga petals na puting rosas at nanggaling ito sa roof deck .

Mag-isa ako sa gitna at lahat ng mga tao ay nasa akin ang kanilang mga atensyon.

Ang mga taong hinahanap ng mga mata ko kanina ay isa-isang nagsilabasan at may kanya kanyang hawak na mga titik.

Ang unang titik ay hawak ni Patricia , "W" at natapos ito kay Joshed na may hawak na isang buong salita na " Daddy ".

Will you marry my daddy .

Sa isang sulok ay lumabas si Edward . Naka-black tuxedo ito. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

Napangiti ako ng bahagya.

Napalunok siya bago niya hinawakan ang kamay ko at ang isa ay ginamit niya para punasan ang mga luha sa mata ko.

Huminga siya ng malalim at kinakabahang lumuhod sa harap ko.

Napatingin ako sa aking paligid . Lahat sila ay nakatingin sa amin ni Edward at nag-aabang ng mga susunod na mangyayari.

Muli akong tumingin kay Edward nang may dinukot siya na maliit na puting kahon sa bulsa niya. Lumuwa ang mata ko sa aking nakita at napatakip ng aking bibig.

Naramdaman ko ang paghinga nito ng malalim at napahawak sa kanyang dibdib bago binuksan ang kahon . Nakita ko ang isang kumikinang na singsing.

" W-will you be m-my wife ? " nauutal niyang sabi.

Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang mga taong nasa paligid namin at tumigil ito kela mama at daddy.

Napatingin din ako sa aking anak bago ako sumagot kay Edward.

Hindi ako nagdalawang isip at sinagot ko si Edward ng paulit-ulit na "oo" habang umiiyak.

Napaiyak din siya.

Sinuot niya sa daliri ko ang singsing at agad na tumayo at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko na sobrang saya niya. Sobrang saya namin.

Rinig ko ang mga tawanan at hiyawan ng mga tao sa aming paligid .

Bumitaw si Edward sa aking yakap at binigyan niya ako ng isang matamis na halik sa aking labi.

Pinahid niya ang luha ko , pati ang aking sipon kaya napatawa ako.

" I love you . " sabi niya sa akin.

" I love you too. " sagot ko sabay punas sa ilang butil ng pawis sa kanyang noo at niyakap siyang muli ng mahigpit.

--------------

Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon