Edward's POV
" I-im sorry Edward. " sabi ni Lesly sa akin na nanginginig ang kanyang boses sabay takip sa kanyang bibig at bigla nalang bumagsak ang kanyang mga luha.
" Pag may nangyaring masama kay Maymay at sa magiging anak namin di kita mapapatawad. " galit na sabi ko.
Hindi na ako nadadala sa pag-iyak niya , galit ang nararamdaman ko sa kanya ngayon.
Tumingin ako ng masama sa kanya sabay turo sa labas ng banyo.
" Get out ! " pabulyaw kong sabi kaya nagulat siya .
Dali-daling lumabas sa banyo si Lesly at naiwan kaming dalawa ni Maymay sa loob nang napahawak ng mahigpit si Maymay sa aking braso sabay sapo sa kanyang noo .
Dahan-dahan siyang umupo sa sahig ng banyo habang nakakapit sa akin.
Umupo ako sa tabi niya at bahagya kong dinikit ang aking katawan sa kanya para kapag mawalan siya ng malay ay sa akin siya babagsak.
" Babe you okay ? " nag-aalalang tanong ko kay Maymay bago siya nawalan ng malay.
" Babe ! " halos pasigaw kong sabi na puno ng pag-aalala habang hinahawakan ang mukha niya at bahagya pang tinapik tapik.
Hindi siya sumasagot kaya agad ko siyang binuhat at agad kaming lumabas at tinakbo ko si Maymay habang buhat buhat ko siya.
Nakita ako ni Tanner kaya agad niya akong nilapitan .
Lahat sila ay napatayo habang nakatingin sa amin.
Lumapit din si tita Lara sa amin at kitang kita sa mukha niya ang labis na pag-aalala.
" Edward a-anong nangyari sa anak ko ? " tanong ni tita sa akin .
Hindi ako nakasagot agad dahil mas iniisip ko ang kalagayan ni Maymay. Nang nakita kong tumagos ang tingin niya sa likod ko.
Napalingon ako at nakita ko si Lesly na lumihis ng daan at sa ibang gawi siya naglakad palabas ng restaurant habang umiiyak.
" Mamaya ko na ipapaliwag sayo tita. Dalhin muna natin siya sa hospital. " sabi ko sabay tingin kay Tanner.
" Tara Tanner ! Dalhin na natin siya sa hospital. " sabi ko bago muling naglakad at sumunod si Tanner sa akin .
Nagtungo kami sa aking sasakyan at agad akong pinagbuksan ng pintuan ni Tanner.
Sinakay ko sa likod si Maymay at umupo ako sa tabi niya at sinandal ko ang kanyang katawan sa akin balikat habang nakahawak sa kanyang ulo at balikat.
" Let's go ! " muling utos ko kay Tanner na parang mauubosan na ako ng oras.
Mabilis naming narating ang hospital kung saan nagtatrabaho si Maymay noon.
Nauna akong bumaba bago ko kinuha si Maymay at binuhat . Halos patakbo akong pumasok sa loob ng hospital at agad kong kinausap ang isa sa mga nurse na nakasalubong namin.
May dinala silang higaan ng pasyente kaya hiniga ko si Maymay doon.
Nakita kong parating ang isa sa mga doctor dito na si Donny . Pinsan namin ni Tanner.
" Anong nangyari sa kanya ? " bungad na tanong ni Donny sa akin .
" Bigla nalang siyang nawalan ng malay eh. " sagot ko .
Matapos nun ay dinala na nila sa isang room si Maymay .
-----------
Nakaupo ako sa tabi ni Maymay habang hinihintay na magising siya. Nang bumukas ang pinto at pumasok si Tanner.
"Coffee ? " alok ni Tanner sa akin .
Tinignan ko ang kapeng inaabot ni Tanner sa akin at kinuha ko ito sa kanya.
" Thank you. " mahinang sabi ko at humigop ako sa kape.
" How is she ? " tanong ni Tanner bago tumingin kay Maymay.
" The doctor said that she and our baby's fine now ." sagot ko sabay hawak sa kamay ni Maymay.
Tumango si Tanner sa akin nang hindi inaalis ang kanyang tingin kay Maymay.
Nang naramdaman kong gumalaw ang daliri ni Maymay.
Tumingin ako sa kanya at hinintay na magmulat siya ng kanyang mga mata.
Pagdilat niya ng kanyang mga mata ay agad siyang tumingin sa akin .
Ngumiti ako sa kanya.
" Hi. " mahinang bati ko.
" How do you feel now ? " sabi ko na may bahid na pag-aala parin.
" Okay na ako . " mahinang sagot niya sabay ngiti sa akin.
" You sure ? Wala na bang ibang masakit sayo ? " tanong ko .
Umiling siya sa akin.
" Wala po. " tanging sagot niya.
" Okay. I love you . " sabi ko sabay halik sa kanyang noo.
" I love you too. " sagot niya sa akin.
------------
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )