Katatapos ko lang maghugas ng mga pinagkainan namin , lumapit ako sa fridge at kumuha ng isang pitchel na may lamang tubig at pinuno ang basong hawak ko ng tubig saka ito ininom .
Hinakbang ko ang aking mga paa palapit sa lababo at bahagyang binuksan ang gripo , hinugasan ko ang basong ginamit ko saka ito itinaub sa lalagyan ng mga baso .
Pabalik na ako sa sala nang may narinig akong isang iyak ng bata , mula sa 2nd floor ng bahay namin .
Dali dali akong lumabas ng kusina at pumanhik sa taas . Nasa bungad palang ay dinig na dinig ko na ang iyak ni Joshed sa loob . Dali dali kong pinihit ang seradura at pagbukas ko ay nakita ko si Edward sa tabi niya .
Paano siya nakarating dito ? , at panu niya nalaman ang kwarto namin ni Joshed !
Lumapit ako sa kanila at nanlaki ang mata ko nang mapatingin ako sa kamay ni Joshed , nadaganan ito ni Edward .
Bahagya ko siyang tinulak para maalis ang kamay niya sa likod ni Edward .
" Paano ka nakarating dito ? " tanong ko kay Edward , saka ko binuhat si Joshed .
Tumingin ito sa kisame bago nagpakawala ng buntong hininga .
" I used my two feet ,babe" pabalang niyang sagot sa akin .
Inirapan ko siya ng mariin sa inis . Okay . Alam kong ginamit niya ang dalawang paa niya para makaakyat dito , pero ang ibig kong sabihin ay kung sino ang nagdala sa kanya dito . Injured siya diba ? So hindi siya makakaakyat ng mag-isa .
Lalabas na sana ako sa kwarto nang hawiin niya ang kamay ko , at muntikan na kaming matumba ni Joshed .
" A-ano ba Edward ! " pabulyaw kong sabi sa kanya .
" Hindi mo ba nakikita na buhat buhat ko itong anak natin ? Paano nalang kung nabitawan ko siya at nauntog sa sahig ? " galit kong tanong kay Edward .
" I'm sorry . Hindi ko gustong pag-alalahanin ka , babe " sagot niya .
Nakangisi ako habang umiiling iling sa kanya .
" I'm really sorry for that , babe " dugtong niya .
" Okay lang , hintayin mo ako dito , dadalhin ko lang sa kabilang kwarto si Joshed " sabi ko .
Dumipa si Edward at tinagilid ang ulo habang nakangising nakatingin sa akin . " Okay babe ! "
Makababe wagas , akala niya nakalimutan ko na iyong sinabi niya sa akin . Psh !
Bahagya pa akong lumapit sa kanya at kinuha ang unan at kumot ni Joshed sa tabi niya .
Bumaling ako ng tingin kay Joshed , at pinunasan ko ang luha sa mata niya .
" Sorry baby " rinig kong sabi ni Edward .
Tumingin lang sa kanya si Joshed at muling yumakap sa leeg ko .
" Tara na kay Tita Patricia ,baby " pag-aaya ko, at nagsimula na akong humakbang palapit sa pintuan .
Dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at muli itong sinara .
Lumipat kami sa kabilang kwarto kung saan natutulog si Patricia . Wala si Patricia dito . Nasa baba pa siya ,kasama ang apat na lalaki sa sala .
Inayos ko ang higaan ni Joshed bago ko siya hiniga sa kama .
" Uhmm Mommy " pagmamaktol niya . Akala ko tulog na ,hindi pa pala . Tinabihan ko ito at kinamot ang likod niya . Nang masiguro kong tulog na si Joshed ,ay nagpasya na akong lumabas ng kwarto .
Dumungaw ako sa baba . Hindi pa sila umuuwi. Baka magalit si Christine kay Patrick. Bumaba ako saglit para tignan sila .
Namula ako nang bigla silang mapatingin sa akin.
" Hindi pa ba kayo uuwi? " tanong ko sa kanila .
Si Patricia ang sumagot sa akin.
" Maaga nalang sila uuwi bukas , May ..hindi na nila kayang magmaneho "
Pinasadahan ko sila ng tingin, pare-parehong mapupungay ang mga mata nila at lasing na .
" Dito na kami matutulog sa sala , May " sabi naman ni Marco .
Tumango ako. " sige "
" Kumuha ka nalang ng poam sa taas Patricia , tapos matulog ka na din. Gabi na " bilin ko . Bago ako umakyat sa taas .
Tinungo ko ang kwarto kung saan ko iniwan si Edward.
Naabutan ko siyang pilit na inaangat ang kanyang sarili sa kama .
" Saan ka pupunta? " tanong ko at lumapit ako para inalalayan siya .
" S-sa banyo " sagot niya .
Nang maitayo ko siya ay agad naming tinungo ang banyo , nang bigla siyang naduwal.
Binitawan niya ako at sumuka siya sa bowl , lumapit naman ako sa kanya and caress his back , at patuloy parin ang pagsuka niya .
Ilang saglit din siyang nakalipasay sa sahig bago dahan-dahang tumayo.
Hinawakan ko siya sa kanyang braso at iniakbay ito sa akin .
" Okay ka na ? " tanong ko .
Tumango siya .
" Oo " at pilit na ngumiti . Naramdaman kong sumandal siya sa akin.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na kami sa banyo at bumalik sa kwarto at agad ko siyang inihiga sa kama ko .
Hinubad ko ang kanyang sapatos . Kumuha na din ako ng palanggana na may lamang maligamgam na tubig at may bimbo .
Naupo ako sa tabi ni Edward at pinunasan ko muna siya sa may mukha , tapos sa leeg at braso .
Sunod naman 'yung katawan niya , hinubad ko ang damit niya kaya tumambad sa akin 'yung katawan niya at marahan ko itong pinunasan .
Pagkatapos ay kumuha ako sa cabinet ng damit at isinuot ito sa kanya , tapos kinumutan siya .
Akmang aalis na sana ako , pero nagulat ako nang hawakan ni Edward nang mahigpit ang kamay ko kaya naman napaupo ulit ako .
" Maymay "tawag niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya at nagsalubong ang aming mga mata .
" I love you " mahina niyang sabi pero sapat lang 'yun para marinig ko .
Akala ko ba walang kami ?
Tinignan ko siya at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
" Dito ka lang , please " sabi niya saka pinikit ang mata at mas hinigpitan ang yakap sa akin.
Why am i feeling this way ?
Why does my heart skip a beat ?
Do i still love him ?
--------
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )