CHAPTER 2

7.4K 201 13
                                    

Maria's POV

Maaga akong nagising ngayon dahil
marami kaming mga activities na gagawin ngayong araw. Naligo na ako at nagbihis saka ako bumaba para magluto.

Pagkatapos kong magluto, kumain na ako at hinugasan muna ang pinagkainan saka ako lumabas ng apartment ko at nagsimula ng maglakad papuntang school. May long quiz pala kami ngayon kay Prof. Gwen ang aming english teacher, mabait siya, maganda, at mukhang dalaga saka kamukha niya yung librarian. Siguro kambal sila.

Bigla naman akong nalungkot, dahil may naalala ako. Namimiss ko na rin siya. Hanggang ngayon hindi ko parin natutupad ang aking pangako sa aking sarili na hahanapin ko siya.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at ng makarating ako sa main gate at nakita kong may mga posters na nakalagay.

If you see this girl with her big eyeglasses, bully her.

Iyan ang nakalagay sa poster at may nakalagay na picture naming dalawa ni Kelvin nung nagkasagutan kaming dalawa sa canteen kahapon. Walang kwentang mga bagay.

They wasted a lot of money just for this piece of unimportant things.

Tyismis naman talaga. Ang bilis kumalat, kung ganyan kaya sila kabilis pagdating sa pag-aaral nila! Parang virus lang, kahapon lang ito nangyari pero tingnan mo nga naman, kalat na siya.

Hindi ko pinansin ang mga nagkalat na posters sa paligid, kung sino man ang nagkalat at kumuha ng litrato, well. Thanks sa inyo. Mas magiging maganda dahil ayaw ko rin namang may lumalapit sa akin.

Nang makarating ako sa hallway,  maraming estudyante ang nagkalat at habang naglalakad ako pinagtitinginan ako from head to toe at 'yong iba pa ay masama ang tingin nila sa akin. Ayan nanaman yung mga walang kwentang mga bulungan nila. Mga bubuyog ata itong mga tao dito e, panay ang bulong.

Pagdating ko sa classroom, same parin sa hallway kanina. Pero hindi ko sila pinansin at dumiretso lang sa upuan ko at binuklat ang aking libro saka nagbasa na lang kaysa pagtuunan ng pansin ang mga walang kwentang bagay.

Natapos ang pang-umagang klase at lunch break na ngayon 1 hour din ang vacant time namin. Pumunta ako sa canteen para bumili ng panghapunan. Nagtitinda naman sila ng pagkain para sa hapunan dahil marami ang mga estudyanteng hindi umuuwi katulad ko at para na rin makaipon ng pera.

Pagdating ko doon, marami nanamang matang nakatingin sa akin ng masama. Akala mo naman kung nakakamatay iyang mga tingin nilang sobrang sama.

Pumila na ako matapos kong pumili ng mga gulay. Babae ang nasa counter ngayon. Pero ang pinagtataka ko lang nakangiti siya sakin, she's weird.

Pagharap ko, may tatlo na babaeng nakaharang sa daanan ko.

"So you are the campus nerd?" maarteng tanong ng babae na nasa gitna at mukhang siya ang leader.

"Hindi ba obvious?" sarkastikong tanong ko. Tumaas ang isang kilay niya saka tiningnan ako from head to toe. Ang hilig naman ng mga tao dito na tingnan ako sa ulo hanggang paa.

"Look at you, mukha kang basura. Ang lakas naman ng loob mong gawin iyon kay Kelvin." mataray na sambit nito. Ano bang pinuputok ng butsi ng babaeng ito?

"Look at you, mukha kang pangit na clown. Ang lakas naman ng loob mong sumugod ng may kasamang hipon." panggagaya ko at nakita ko ang pagkairita sa buong mukha niya.

"Your tongue is so sharp, can I cut that?" pananakot niya ngunit napaikot lang ako ng mata dahil doon.

"Cut my tongue? Bakit hindi mo gawin ngayon? Ngayon na marami tayong audiences? Gusto mo 'yon? May libre pang CCTV na makakakita sa gagawin mo oh." I smirked when I saw her reaction. Kumuyom ang kaniyang mga kamao.

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now