CHAPTER 7

5.3K 165 5
                                        

Kelvin's POV

Napataas lang ng kilay si Miss librarian sa aming hawak ni Dave. Pero pansin kong parang bago siya dito dahil wala pa siyang name plate.

Baka alam niyang kami ang gumawa nun kay Mitch dahil dito sa hawak namin?

"Kayo ba ang gumawa nun sa babae kanina?" tanong nung librarian. Mind reader ba ito?

"Ahh ehh hindi ho! " depensa ko.

"Ehh ano yang mga hawak niyo? " taas kilay na tanong niya.

"Ahh hehehe ito po? Wala po ito! " depensa naman ni Dave.

Kahit anak ako ng may-ari nitong paaralan ay wala parin akong takas sa mga kalokohang pinaggagawa ko.

"Bago ho ba kayong librarian dito? " pag-iiba ni Dave ng usapan.

"No! I'm just a substitute! At sagutin niyo na yung tanong ko at wag mo ring ibahin ang usapan! " kalmadong sabi niya samin.

Wala na kaming takas dito, mukhang mabubuking na kami. Anak ng toknene naman ohhh!

"Kayo ba ang may kagagawan nun sa babaeng nerd? " tanong niya

No choice na eh,  kailangan na naming aminin.

"Opo! " sagot ko.

"At bakit? " tanong niya ulit. Ugh! Nakakainis na

"Kasi gusto lang namin siyang asarin! " sagot ko

"Asarin? Yun ba ang tawag dun ha? Kung asar lang yun? Bakit siya may sugat sa tuhod pati na rin sa braso? " takang tanong niya at mas lalong tumaas ang kilay niya

'Ahitin ko kaya kilay ng isang 'to?' bulong ni Dave sapat na marinig ko.

"What did you say? " napataas na ang kaniyang tono sabay turo kay Dave.

"Ang sabi ko po ay kami ho ang may gawa nun! " sagot niya.

Potek!  Buking na kami. Pakshet naman Dave bat mo sinabi?

"Ok! Aamin rin pala! Makakaalis na kayo at ako na bahala sa inyong ginawa! " sabi niya sabay upo.

Abat! Ang lakas ng loob nito ah!  Hindi niya siguro alam na anak ako ng may-ari sa paaralang ito at akin ang lupang inaapakan niya ngayon!

Kumaripas na kami ng takbo ni Dave at dumiretsong room at nadatnan namin si Felix na salubong ang kilay.

"Dre anyare sayo? " inosenteng tanong ni Dave saka umupo sa tabi niya,  umupo rin ako sa kaliwang upuan na katabi ni Felix.

"Oo nga dre? Bat ganyan mukha mo?" tanong ko rin

"Painosente nanaman kayo! " biglang sagot niya.

"Bakit? " tanong ko

"Akala ko ba iyon lang ang gagawin niyo kay Mitch? At bakit may sugat siya? Paika ika pang naglalakad kanina! " tugon niya

"Nakasalubong ko siya kanina pero hindi niya ako pinansin at dumiretso siya sa clinic! " dugtong niya.

"Hindi rin namin ineexpect na ganun yung mangyayari sa kaniya dre eh! " sagot ko

"Tsk! " palasak niya.

Hindi na namin siya pinansin at sabay pagkapasok ng Prof. namin at saka na kami nakinig.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Marie's POV

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now