Marie's POV
Andito na kami sa apartment ko, nakakapagtaka lang hanggang ngayon yun ginawa ni Sir kanina.
Bigla daw ba lumuhod sa harap ko. Hays! Bukas may activity, by partner daw sabi ng english teacher namin.
Pinapunta kaming lahat sa gym kanina bago kami pinauwi. Next week daw may pageant na magaganap. So yung activity namin ay kailangang maipasa hanggang sa Thursday na lang kasi sa Friday sasabihin kung sino ang napiling representative para dun sa pageant.
Well, pangarap kong masali sa ganyan NOON dahil gusto kong mapanood ako ng parents ko, pero ngayon parang ayaw ko na. May side ako na sasali ako pero may side na wag.
Bwiset!
"Grabe si Sir kanina noh! " sabi ni Sarah na katabi ko.
Katatapos lang namin kumain at ngayon ay nanonood kami ng horror pero may konting actions.
"Kaya nga eh! Mitch kilala mo ba siya? " biglang baling sa akin ni Sharmaine
"Hinde! Pati nga ako nagtataka eh. Kilala niya kaya parents ko? " tanong ko
"Ewan! Parang may nagtutulak sa akin na alamin! " singit naman ni Dexter
"Hays!!! Manood na nga lang tayo mga ate at kuya! " singit naman ni Heart na tutok sa pinapanood.
So ayun nga hindi na kami umimik at nanonood na lang hanggang sa natapos.
******
Kelvin's POV
Hindi parin matanggal sa isip ko yung nangyari kaninang umaga.
Kilala kaya ni Sir si Mitch?
Tsk!!!
Pauwi palang kami dahil nga nag-usap pa kami ni Akira about dun sa pageant.
Kasama ko parin yung dalawang kong ugok na kaibigan.
Sasakay na sana kami nung may biglang nagsalita.
"Long time no see bad boys! " sabi ng kung sinong animal.
"Sino ka?! Magpakita ka gago! " sigaw ni Dave
"Ang bilis niyo namang makalimot hahaha! Hindi niyo na ba kami kilala? " malademonyong tawa niya
"We don't have time to know who the hell you are. Magpakita ka na gago ka! " sigaw ko.
Kaya naman limabas siya este sila, madami pala huh.
Nakamask yung unang lumabas kanina.
"Hindi mo parin ba ako kilala huh?! Kelvin?! " tanong niya.
I know na nakaaway na namin ito pero hindi ko isinasaulo lahat ng nakakaaway ko.
"Stupid! Eh pano ka namin makikilala kung nakamask ka? Bobo toh! " sabi naman ni Felix
"Di parin talaga kayo nagbabago! " sabi niya at tinanggal ang maskara niya.
At hindi naman kami nagulat, natawa la nga eh.
"Hahaha ikaw nanaman?! Pffft mukha ka ng aso Jep ahh! " sabi ni Dave
"Gago!!! Sinira niyo nga itong gwapo kong mukha eh! "sabi niya
"Gwapo?! San bada ka gwapo? " pang-aasar ko kaya napikon siya.
Sumenyas siya ng ilan sa mga taihan niya at saka naman kami sinugod.
Ilag
Ilag
Ilag
Suntok sa mukha
Ilag
Ilag
Ilag
Sipa
Ilag
Ilag
Ilag
Ilag
Sabay siko at tadyak.
Paulit-ulit lang hanggang sa natumba na sila. Sunod-sunod ng sumenyas si Jep kaya naman sunod-sunod na rin ang pagsuntok, sipa, pag-ilag, at iba pa.
Hindi man ako natuto ng karate pero black belter ako sa taekwondo. Ayokong matuto ng taekkyon dahil kapag nangyari yun mag-aaral ako sa Korea hanggang sa matapos ko ang high school kaya ayaw ko.
Natapos na namin ang mga tauhan ni Jep at siya na lang ang nakatayo ngayon at nakasandal pa sa pader ang gago.
"Malakas pa din hanggang ngayon ang bad boys! " sabi niya
"Hindi naman nagbago eh! " sabi ko
"At kahit kelan ang yabang mo pa din noh! " sabi niya
"At kahit kelan ang hina mo pa din noh!" sabi ko rin.
"Hahaha! Pano mo naman nasabing mahina ako huh Kelvin? " maangas na tanong niya
"Gago ka talaga! Mahina ka dahil kung talaga ngang malakas ka hindi ka magsasama ng mga tauhan mo Jep! " sagot ko.
"Pwes! Papatunayan ko sa iyo, tayo lang dalawa ang maglalaban! " hamon niya kaya naman ngumisi ako.
Si Dave at Felix palihim na natawa dahil nga minsan ko ng napatumba si Jep at muntikan ko na siyang napatay noon kaya hindi malabong pati ngayon ay matatalo ko ulit siya.
Nakapwesto na kaming dalawa. Una siyang sumugod sa akin, ilag muna ako ng ilag. Kung dati medyo mabilis siya ngayon naman naging mabilis na siya.
Nung nakakuha ako ng tyempo agad ko siyang sinuntok sa sikmura.
Napaatras siya at nakahawak sa bandang nasuntok ko.
"Ohh ano?! Sugod pa!! " sigaw ko kaya naman sumugod ulit siya.
And this time nasuntok niya naman ako sa mukha.
The fuck! My precious face. Malilintikan ka sakin ngayon tang ina mong gago ka.
Sinuntok ko siya ng malakas sa mata niya.
"That's for punching my precious face tsk!" sabi ko.
Nakahandusay na siya sa lupa saka siya namin iniwan doon. Tang ina kasi eh. May pasugod sugod pang nalalaman eh tulog naman na tsss.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
De TodoA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.