CHAPTER 38

3.7K 110 5
                                    

Marie's POV

Maaga akong nagising kinaumagahan dahil maingay sa ibaba.

"Bakit maingay?" humihikab na tanong ko

"Ehh kasi gumagawa kami ng pang cheer mamaya sa pageant noh! " sagot ni Sharmaine at bumalik sa ginagawa.

Pumunta ako ulit sa itaas para makaligo na.

After a few minutes

Pagkatapos kong maligo ay bumaba ulit ako at nakahanda na ang aking kakainin. Hindi daw ako pwedeng magpagod ngayon dahil di daw pwede yun pag may sasalihan ka.

Ewan ko nga sa kanila, kung ano pinagsasabi. Hayaan na nga lang.

Naupo na ako at payapang kumaing mag-isa. Umalis sila kanina, pumunta silang market, bibili ata sila ng ulam para mamayang lunch at ulam para gabi.

Sipag ata nila ngayon?

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na rin tutal wala naman silang makakakita, ngayong wala namang gagawin ay manonood na lang muna ako.

Uupo na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko ay sumilay ang ngiti sa akin labi dahil si Kelvin ang tumatawag.

Agad ko naman yung sinagot.

"Hi bae! Good morning!" bati niya sa kabilang linya na parang bagong gising lang.

"Good morning din bae! Kagigising mo lang ba? " tanong ko

"Yeah! Napuyat ako kagabi eh! " sagot niya kaya otomatik na tumaas ang kilay ko

"At bakit? " tanong ko

"Napuyat ako dahil sa kakaisip sa'yo! " sagot niya. Abat! Umagang umaga bumabanat amg loko.

"Cheesy! Breakfast na! " sabi ko

"Mamaya na, kausap pa kita eh! " sabi niya kaya napangiti ako

"Kapag di ka pa bumangon diyan malilintikan ka sa akin! " pananakot ko pero tumawa lang siya.

"Haha! Sanay na akong takutin mo bae kaya di mo na ako madadaan diyan! " natatawang sabi niya kaya may biglang pumasok sa ideya isip ko kaya naman napangisi ako

"Kapag di ka pa bumango diyan at maligo saka magbreakfast makikipagbreak ako sayo! " sabi ko at pinipigilang matawa dahil alam kong nakakunot nanamn ang noo niya yun

"Mukha mo! Walang magbebreak. Oo na babangon na po ako, maliligo at pagkatapos nun ay kakain na ako ng breakfast, I LOVE U MY LIFE, MY BAE, MY EVERYTHING!" sabi niya. Sasagot pa sana ako ng mabiling pa sa als kwatrong pinatay niya na ang tawag.

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya.

Ding. Dong. Ding. Dong

Huh?! Sino naman kaya yun?

Tumayo ako at nagtungo sa pinto para buksan.

Nagulat ako ng bumungad sa akin si Akira. Akal ko ba mamayang lunch?

"Ohh ang bilis mo naman ata? " tanong ko saka siya pinapasok.

"Haha! Wala kasing magawa sa bahay kaya naisipan kong pumunta rito! " sagot niya

"Paano mo nga pala nakuha address ko? " tanong ko

"Binigay ni Kelvin kagabi! " sagot niya

"Ahy teka, alam mo ba kagabi parang may problema si Kelvin! " dugtong niya

"Problema?! Hayaan mo itatanong ko mamaya! " sabi ko saka ngumiti.

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now