Kelvin's POV
Pagkalabas namin sa rooftop ay maraming estudyanteng nakatingin samin. Lalo na ang mga babae.
"Oh my god! What happened? "
"Ugh! Patay siya kay Papa Kelvin kung sino man ang gumawa niyan! "
"Sino kaya gumawa sa kanilang dalawa yan? "
"Alam ko lang kung sinong gumawa niyan ay ipapakulong ko na! "
Sabi ng mga babaeng estudyante, hindi namin sila pinansin at nagtungo sa clinic.
"Sir Kelvin, Sir Dave ano pong nangyari sa inyo? " bungad samin ng nurse.
"Natisod ako sa hagdan doon paakyat sa rooftop at nung naitulak ko po yung pinto eh nabuhusan naman ako ng harina at tubig pati na rin po si Dave!" paliwanag ko.
"Umupo ho muna kayo at kukuha lamang po ako ng tubig para mahugasan ko na po yang galos ninyo! " sabi niya at tumango na lang ako.
"Dre! Anong itsura ko? " tanong ni Dave.
"Tsk! Mukha kang tinapay! " sabi ko
"Buti nga tinapay lang eh! Ikaw? Pwede ka ng itoasted bread diyan! " sabi niya at pinipigilang tumawa.
"Gaganti ka ulit? " tanong niya nanaman.
"Malamang! Bwiset lang! "sabi ko
Nanahimik na siya at nandito na rin yung nurse at sinimulan ng hugasan itong mga natamo kong galos.
Pagkatapos ay nilagyan niya ng alcohol ito.
"Ganito rin yung nangyari kahapon dun sa babaeng nerd! " sabi niya.
"Pero mas malaki yung galos niya sa tuhod at ilang bulak ang nagasto niya dahil sa walang tigil na pagdudugo nito! Nakakuyom ang kaniyang kamao kahapon kaya medyo nakaramdam ako ng takot. Nanlilisik rin ang kaniyang mga mata at kaya niyang kumitil ng buhay. Sa totoo lang, kakaiba ang babaeng iyun! " dagdag niya.
"Kilala mo ba siya Sir? " tanong niya sakin
Umiling naman ako kaagad at tumingin kay Dave na nakangiti. Anong ngingiti-ngiti niya?
"Sa totoo lang Sir Kelvin, hindi lang basta-basta ang ugali ng babaeng yun. Nararamdaman ko eh, pero masama parin kung magsasabi ako ng hindi naman totoo. Gaya kahapon, nakikita ko sa kaniyang mata ang galit, naaawa ako sa kaniya dahil sa itsura niya kahapon tapos nagkagalos siya." sabi ni Nurse Yna
Hindi naman ata masamang tao si Mitch, kita ko rin sa kaniyang mga mata na mabait siya. May side din naman siyang masungit at poker face lang. Meron din yung side niya na mabait.
Pagkatapos niyang gamutin itong galos ko ay pumunta kaming dalawa ni Dave sa locker room at kumuha ng uniporme, nagtungo kami sa male comfort room at doon nagpalit.
Late na kami sa 1st period namin, pero ok lang naman kasi alam ko naman na kung anong ituturo nung terror teacher namin sa math eh.
Saming magkakaibigan, ako ang pinakamatalino, let's just say na matalino rin si Dave at Felix pero kung ikukumpara ako yung mas matalino sa kanilang dalawa.
Para malaman niyo! Ako ang running for valedictorian sa 4th year.
Malapit na rin ang exam namin kaya naghahanda na ang karaniwan samin.Pumasok na kami sa room at nakita namin si Felix na nakangisi. Ano naman ang dahilan bat siya nakangisi? "
"Oy! Ano yang ngisi mo? " tanong ko ng makaupo na kaming dalawa ni Dave
"Tssss! " sabi niya at naging poker face nanaman.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.