CHAPTER 20

4.4K 132 19
                                    

Marie's POV

15 minutes pa bago ang next exam namin, andito na si Nathan, hingal na hingal pa.

Katatapos lang daw kasi niyang ayusin at ipasa yun sa guidance office. Sakto adviser niya ang nagbantay sa kanila kaya siya na lang ang napag-utusan.

"Anong next na itetest niyo mamaya? " tanong ko.

"English! " sagot niya kaya napatango na lang ako at nagbasa na lang.

Madami na ang estudyante rito sa library kumpara kanina na konti palang.

Yung iba hindi naman nagrereview ang ginagawa, nagsecellphone lang sila. May mga sariling mundo naman yung iba at yung iba naman ay tulala.

*After 15 minutes*

Kring kring kring

School bells ring

Nagpaalam na si Nathan sakin at nagmamadaling pumunta sa classroom na nakaassign sa kanila.

Ako naman ay pumasok na sa room. At yung tatlo ay busy. Si Crystal ay nareretouch.

Tsss! Wag ka ng magpaganda. Di ka naman maganda!

Umupo na lang ako at naghintay na lang.

Habang naghihintay sa test paper ay may kumalabit sakin. Pagtingin ko sa likod ay nakayuko naman si Kelvin. Pagtingin ko sa kanan ay nagbabasa naman si Felix at sa kaliwa ko naman ay nakaearphone naman si Dave.

Hindi ko na lang ulit pinansin pero pagkalipas ng ilang segundo ay may kumalabit nanaman sakin.

Ganun parin ang ginawa ko, pero patay malisya yung tatlo.

Sino ba kasi yung animal na kumakalabit sakin?

Hanggang sa naramdaman ko ang presensya ng kaniyang kamay at mabilisan ko itong hinawakan ng mahigpit at humarap sa kung sino ang punyetang yun.

At hindi nga ako nagkakamali, ang demonyitong Kelvin ang kumakalabit sakin.

"Bat ka ba nangangalabit? " inis na tanong ko.

"Hindi lang naman ako ang nangalabit ah! " sagot niya. At tinuro yung dalawa.

Sa inis ko ay kinurot ko na lang ang kamay niya at binatukan ko naman yung dalawa.

"Hey! What was that for? " inis na tanong ni Dave

"Maang-maangan pa kayo, bat kayo nangangalabit? " tanong ko.

"Hindi ako nangalabit ah!" sabi ni Dave at tinuro si Felix.

"Bat ako? Siya kaya yun! " sabi niyat at tinuro si Kelvin.

At yun nag-umpisa na silang magbintangan. Napairap na lang ako at umupo.

Lahat pala ng kasama namin ay nakatingin saming apat. Especially Crystal.

Ang sama ng tingin niya sakin.

"Bitch! " sabi niya.

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now