Marie's POV
Ilang oras na lang ay uwian na. We have an activity kay Ma'am Rina ang aming adviser, chemistry ang itinuturo niya ngayong 1st semester. As for now, nagrereview na ako habang maaga pa dahil palapit na ng palapit ang aming exam.
"Marie akin na muna yang libro! " sabi ni John, one of my classmates. Sa tingin ko siya lang ang nakikita kong matino sa lahat ng kaklase kong mga lalake.
Inabot ko sa kaniya yung libro sa chemistry na binabasa ko kanina.
"Thanks! " sabi niya. Tumango lang ako sa kaniya.
KRING KRING KRING
Sa wakas ay nagbuzzer na at hudyat para magsiuwian.
"Ok class! Bukas niyo na lang yan tapusin. " sabi ni Ma'am Rina at inaayos niya na yung kaniyang mga gamit. Inayos na rin namin yung mga gamit namin at lumabas na ako sa room at nagstay muna sa corridor.
Hihintayin ko si Nathan dahil sabi ko sa kaniyang sabay kaming uuwi ngayon.Nagantay pa ako ng ilang minuto pero hindi parin siya dumadating
'Bat antagal nun? ' tanong ko sa sarili ko.
"Mitch! " napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko doon si Nathan na tumatakbo papunta sakin at kumakaway pa.
Nang makalapit na siya sa akin ay ngumiti siya ng malapad.
"Bakit antagal mo? "tanong ko, kunwari ay nagtatampo ako sa kaniya
"Kasi si Prof. Mia eh, pinatapos pa talaga yung pinapagawa niya! " sagot niya.
"Sorry na! " parang batang tugon niya. Bigla naman akong napangisi dahil may nagpop sakin isip. Tiningnan ko muna siya at ngumiti ng napakalawak.
"Libre mo ako ng ice cream ah! " sabi ko. Nagningning naman ang mukha niya at saka ako hinila.
Nang makalabas kami sa campus ay naghanap kami ng nagtitinda ng ice cream. Kasi kapag gantong oras ay maraming nagkalat na nagtitinda ng ice cream.
Nang tumingin ako sa kanan ko ay mas lalong lumawak ang ngiti ko.
"Uyy! Doon ohh! " sabi ko kay Nathan sabay turo sa nagtitinda.
"Halika! " sabi niya.
"Manong magkano po isa? " tanong ni Nathan.
"Sampung piso lang po Sir! " sabi ni Manong sorbetero. Nagscoop na si Manong sorebetero ng ice cream at binigay kay Nathan.
"Salamat po Manong! " sabi ni Nathan. Ngumiti lang sa kaniya yung sorbetero.
Binigay naman sakin ni Nathan yung isa. Chocolate and strawberry ice cream. My favorite.
Habang naglalakad kaming dalawa ay hindi ko maiwasang maisip na parang familiar talaga siya sakin. Hindi lang talaga ako sure kung siya ba ito o hinde. Pero imposibleng mangyari iyon.
"May problema ka Mitch? " tanong ni Nathan kaya nabalik ako sa katinuan.
"Ahh wala naman. Iniisip ko lang kasi yung darating na examination kaya ako natutulala eh! " pagpapalusot ko. Mukhang naniwala naman siya sakin at saka nginitian ko rin siya, ngumiti rin ako sa kaniya.
"Basta bukas ahh, lipat ka na sa room! " sabi ko.
"Oo, saka nasabi ko na sa adviser ninyo at sa adviser namin na lilipat na ako ng section." sabi niya. So, kinausap niya na pala si Ma'am Rina. Teka kelan pa?

YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.