Marie's POV
Sinadya kong magising ngayon ng maaga dahil may ipapasa ako kay Ms. Rina, ang aming adviser. Sa akin niya binigay ang ibang activities dahil daw mabilis ko itong natatapos at mabilis kong naipapasa sa kaniya.
I suddenly remembered what happened last year.
FLASHBACK
Lunch time na ngayon kaya excited akong pumunta sa library para doon kumain. Nandito parin ako sa classroom kasama ko si Ma'am Rina ang aming adviser.
Nagluto ako ng kare-kare kaninang umaga dahil napakaaga kong nagising kanina. Pero nagtaka ako kung bakit wala sa bag ko iyon, gutom na gutom na ako dahil rinig ko na rin ang pagtunog na aking tiyan.
Ramdam ko rin na tumitingin sa akin si Ma'am Rina pero hindi ko muna siya pinansin at nagpatuloy sa aking ginagawa.
'Imposibleng makalimutan ko iyon dahil nilagay ko talaga dito iyon!'
I'm starving!
"Anak may problema ka ba? " tanong ni Ma'am
"W-wala po Ma'am." sagot ko pero hindi siya naniwala kaya lumapit siya sakin.
"Ok ka lang ba talaga? " tanong niya ulit, pero hindi ako kumibo
"Sabihin mo sa akin kung may problema ka ha?" sabi niya
"Ma'am ang totoo po niyan, wala po akong kakainin ngayon e. Nilagay ko po talaga sa bag ko yung pagkain ko para po sana ngayon pero wala na po diyan e." sabi ko sa kaniya.
"Sure kang hindi mo nakalimutan? " tanong niya.
"Hindi po talaga." sagot ko.
"Here, pambili mo ng pagkain." sabi niya sabay abot sa akin ng pera.
"Nakakahiya naman po, saka wala po akong pera para po bayaran ka." nahihiyang tugon ko.
"Kahit hindi mo na bayaran, kunin mo na ito at bumili ka na ng pagkain mo." sabi niya saka binigay sa akin ang pera. Nagpasalamat na lang ako at saka limabas para bumili ng pagkain.
END OF FLASHBACK
Hindi ko rin yun makalimutan, napakamabuting tao ni Ma'am Rina. Bukod sa maganda at matalino ay mabait pa.
Pagkatapos kong kumain ng almusal, naglakad na lang ako papunta sa school. Sanay na rin ako, saka mas maganda para makaipon ako ng pera. Marami nanaman akong dalang mga libro, ito ay yung hiniram ko sa library kahapon, didiretso muna ako sa library dahil isasauli ko itong mga hiniram kong libro. Maaga pa naman kaya hindi ako malelate kung dadaan ako sa court.
Pagkarating ko sa main gate wala pa 'yong guard, mas naunahan ko siya ngayon. Naglakad lang ako patungo sa library. May mga mata paring nakatingin sa akin ng masama.
Habang naglalakad ako, may sumusunod sa akin. Tumitingin naman ako sa likuran ko pero wala namang tao. Nararamdaman ko ang kaniyang presensiya. Pero hindi ko muna pinansin iyon saka nagtuloy na lang sa paglalakad hanggang sa nakarating na ako sa library. Malawak kasi itong campus na ito, kaya posibleng maligaw ka.
Pumasok na ako at nandoon na yung librarian. Nginitian niya ako at nginitian ko rin siya saka niya muling binalik ang tingin sa librong kaniyang binabasa.
Nararamdaman ko parin na may sumusunod sakin, at hindi ako nakakaramdam ng takot at kaba.
"What do you need and why are you following me?" kalmadong sabi ko at huminto sa paglalakad.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.