Marie's POV
Natapos na ang examination namin sa apat na subject.
Papunta ako ngayon sa locker ko dahil ilalagay ko lang itong mga librong hawak ko ngayon.
*LOCKER ROOM*
Pagkabukas ko ng locker ko ay tumambad sakin ang mga basura. Wrapper ng pagkain sa canteen at mga plastic bottle ng mga tubig at mga soft drinks.
Nakakainis!
Sino nanaman ba ang may gawa netong kalokohang to?
Kumuha muna ako ng basang pamunas at walis tambo saka dust pan.
Pinauna ko na si Nathan na umuwi sakin, nung una ayaw niyang pumayag pero at last napapayag ko rin siya.
~_~
Habang naglilinis ako ay parang may matang nakamasid sakin. Hindi ko lang pinapansin pero parang mas lumalapit siya sakin. Ramdam ko ang kaniyang presensya sa likod ko.Hindi lang iisa, kundi lima sila.
Pano ko nalaman? Tsss malalaman mo rin
Nagkunwaring wala akong naramdaman at nagpatuloy parin sa ginagawa. Hanggang sa may kumalabit saking balikat at kaagad ko naman itong sinuntok.
"You B*tch!" sigaw niya. Si Cristal lang naman at yung apat na alipores niya... Hahaha! Nagdagdag nanaman.
"Tssss!" singhal ko at nagpatuloy sa paglilinis.
"Bat mo nilalandi ang pag-aari ko? " galit na tanong niya. Habang tinutulungan siya ng mga pets niya at nakahawak sa pisngi niya.
Kelangang tulungan?
"Ano bang pinagsasabi mo?" iritang tanong ko.
"Wag ka ngang painosente! " sabi naman nung isang alipores niya.
"Tsss! Kung wala kayong sasabihin, pwede ba umalis na lang kayo! " cold kong sabi.
"Wala kang karapatang paalisin kami rito, gagawin namin ang gusto namin sayo! " sabi naman ni alipores 2
"Tsk!" singhal ko.
"Layuan mo si Kelvin ha! Huwag ka ngang malandi diyan.!" sigaw ni Cristal
"Malandi? Hmmm! Are you referring to yourself?" nakakalokong tanong ko
"Hindi ako kagaya mo. Bat kayo nagdate kanina ha? Tapos may kasama ka pang ibang lalaki kanina. Tsk! Iba na talaga ang malandi ngayon! " sabi niya ng nakangisi.
"Tsss! first of all, hindi kami nagdate ni Kelvin, pangalawa siya ang kusang lumapit sakin, at pangatlo kaibigan ko yung kasama ko, at last, wala akong nilalandi! " sigaw ko.
"Hindi lalapit si Kelvin ng basta basta sa mga babaeng pangit ang ugali, pangit ang mukha at mukhang hampaslupa, at baduy manamit. " maarteng sabi niya at animoy nandidiri sakin
"At sino bang nagsabing lumalapit sakin si Kelvin? Siya mismo ang lumapit sakin kanina sa cafeteria. Saka hindi rin naman lumalapit si Kelvin sa mga low class na katulad mo! " sigaw ko rin....
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.