Kelvin's POV
Nakakainis talaga yung babaeng yun. Tinatanong ng maayos eh.
"Hahaha! Talo ka na ata dre! " sabi sakin ni Dave habang pinipigilan ang tawa niya.
"Wala akong pake! Nakakabanas yung babaeng yun. Tinatanong ng maayos tapos ganun yung nga isasagot niya! Punyeta! " sabi ko.
"Don't say bad words tarantado! " panggagaya ni Felix kay Mitch.
"Isa ka pa. Tsk! " sabi ko.
"Talaga naman iisa lang ako ah! " sagot niya at si Dave pandak humagalpak nanaman ng tawa.
"Diyan na nga kayo. Baka masuntok ko pa kayo! " sabi ko at unalis na dun. Rinig ko parin yung tawa ng dalawa.
Marami nanaman ang nagtitilian at nagbubulungan. Ganyan naman yung mga estuyante rito eh.
Naglakad na lang ako papuntang calssroom. Pagdating ko dun nakita ko si Mitch na nagbabasa ng libro.
Naglakad na ako sa upuan ko at mukhang di niya ako pansin. Oonti palang ang kasamahan namin rito.
Kukunin ko na sana ang phone ko ng lumapit si Crystal kay Mitch. Masama ang tingin ni Crystal kay Mitch.
"You! " sigaw ni Crystal ka Mitch kaya nag-angat siya ng tingin. Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nga nasa likod niya lang ako.
"Me? " malamig na tanong niya kay Crystal.
"Yes! Ikaw na malandi ka! " sigaw ni Crystal sa kaniya.
"Ohhh! Ako ba? Akala ko ikaw malandi eh! " sabi ni Mitch dahilan para mamula sa galit si Crystal.
Psh! Wag mo ng subukan, matatalo ka lang!
"You're the flirt not me! " sigaw ni Crystal. Nilapag ni Cystal ang isang cellphone.
"Tingnan mo! " utos ni Crystal
"Ok sabi mo eh!" sabi naman ni Mitch at tiningnan kung ano yun.
"Tsss! Di kami nagkahalikang dalawa. Sadyang napalapit lang ang mukha namin ni Kelvin! " sabi niya.
Teka, parang alam ko na kung ano yung tinutukiy niya ah! Yun yung muntikan na kaming magkahalikan.
Binalik na lang ni Mitch kay Crystal yung cellphone at akmang aabutin na ni Mitch yun ay bigla niyang binitawan yun dahilan para mahulog.
"Oppss sareh! " sabi ni Mitch.
Bumaling si Mitch ng tingin sa libro pero si Crystal ay hinatak niya ang buhok ni Mitch saka ito pinatayo ng di binibitawan ang buhok ni Mitch. Nang mapatayo na si Mitch ay agad na sinampal ni Crystal ang mukha ni Mitch.
Alam kong malakas yun, napatagilid lang ang ulo ni Mitch kaya kita ko ang labi ni Mitch na nagdurugo.
Pero nagulat ako ng ngumisi siya ng malademonyo. Ibang-iba ang ngisi niyang yun. And this time kinilabutan ako.
Bumaling siya ng tingin kay Crystal ng tingin at si Crystal ay todo ang ngiti.
"Masarap? " tanong ni Crystal kay Mitch.
"Oo masarap nga!" sabi ni Mitch.
"Yan ang bagay sayong malandi ka.!"
"Sinasabi ko sayong hindi ako katulad mo! " malamig na sabi ni Mitch.
"Alam mo! Ikaw palang ang naglakas loob na sampalin ako ng malakas at napadugo mo pa yung labi ko sa hina ng sampal mo! " dagdag niya.
"So dapat na ba akong magpasalamat? " tanong ni Crystal.

YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.