Marie's POV
Nakasunod lang ako kay Akira, ewan ko ba kung bakit gusto akong kausapin ni Madam Principle.
Hays! Hindi na tuloy ako nakapag-attend ng class ni Ma'am hanggang sa matapos ang isang oras.
Mataray pa naman yung principal na yun, akala mo naman kagandahan tsk!
"Andito na tayo! " sabi ni Akira at humarap sakin saka ngumiti.
Nandito na kami sa tapat ng pinto ng Principle's office.
Binuksan na yun ni Akira at saka ako pinapasok.
"Madam! She's here!" sabi ni Akira at humarap samin si Principle Gina S. Fransisco
"Thanks Akira! " sabi niya.
"May I go now Madam? " magalang na tanong ni Akira.
"Yes! " sagot ng Principle.
Lumabas na si Akira ng office at ako naman ay nakatayo lang sa harap ng principle.
d-_-b
"Upo! " utos niya kaya sumunod na ako.
"Bakit niyo ako pinatawag? " tanong ko
"Dahil may ginawa kang kalokohan! " mataray na sabi niya at saka may kinuha sa drawer na malapit sa kaniya.
"What is it? " takang tanong ko.
Inilapag niya ang isang test paper sa harap ko.
Teka! Test paper ko to ahh!
"May nakapagsabi sakin na nagcheat ka! " biglang sabi niya kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Huh?! At bakit ko naman po gagawin yun? At saka sining nagsabi? " takang tanong ko.
"Well! It's Crystal! Nakita ka niyang nagcheat, at nasa iyo daw ang answer key! " sabi niya kaya mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko.
"Hindi ko po kayang gawin yan! " sabi ko
"Wag mo ng ipagkaila, nakita ka daw niya ng aktwal! " sabi niya.
"DAW? E di ibig sabihin hindi pa sure?! Alam niyo namang hindi ko magagawa ang bagay na yan eh! " sigaw ko at napatayo pa ako. Kita ko pa ang panlalaki ng mga mata niya.
"LOWER DOWN YOUR VOICE MISS MACONDA! " sigaw niya rin.
Peste talaga!!!!!
"You know the rules Miss Maconda!" sabi niya
"Rules?! Talaga?! Tsk tsk tsk!!!! Rules are just a words for me! " sabi ko.
"MISS MACONDA!!!!!!!" sigaw niya
"At dahil diyan sa pagsagot sagot mo sakin, dodoblehin ko ang punishment na ibibigay ko sayo! " sabi niya.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Ikaw ang maglilinis sa locker ng mga babae at lalaki, ikaw din ang maglilinis sa C. R. ng mga boys at girls pati na rin ang buong basketball court! " sabi niya kaya napamura ako.
"Now! Leave this office! " sabi niya kaya umalis na lang ako dun.
Nakakainis naman...
Pesteng santa-santitang yun, talagang gumagawa ng kwento na hindi naman totoo. Wala atang magawang matino yun sa buhay eh.
Kailan pa ako nangopya? Tsss!
Bumalik na lang ako sa classroom at sakto namang paglabas ni Ma'am Rina.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.