Marie's POV
Nang makapasok na ako sa room ay halos kumpleto na, andun na rin yung tatlo at yung witch. Pumunta na ako sa pwesto ko at nakita naman ako ni Cristal na nakangisi at as usual ay pudpud ang mukha niya ng make up, mukhang clown.
"Kaklase pala kita! " sabi niya sabay irap.
"Tsss! Hindi lang ako ang kaklase mo, haler andami kaya natin dito.... Tsk! " sabi ko at tuluyan ng umupo. Nakita ko naman kanina si Kelvin na nakangisi rin.
Ilang saglit pa ay kumpleto na kami at pumasok na ang adviser ng Section C, siya yung magbabantay samin.
"Good morning class!!" bati niya
"Good morning Sir! " bati namin.
Tumango siya samin at saka nagsimula ng magpasa ng mga test paper.
"As you receive your test papers, start now! And you have 1 hour to answer! " sabi niya kaya nagsimula ng magbasa at magsagot yung mga nakakuha na.
Nang meron na kaming test papers lahat ay nagsimula na rin akong magsagot. Buti na lang dahil andito lahat ng napag-aralan ko.
*After a few minutes*
Natapos ko ng nasagutan lahat at nirereview ko na lang yung mga sagot ko.
"If you're done, you review your answers before you pass! And before you leave this room" sabi ng nagbabantay samin.
Nireview ko na lahat at pinasa na saka lumabas na at nagtungo sa cafeteria. Oo, may cafeterian rito sa loob ng campus. Ang lawak talaga neto.
Pagkatapos kong nag-order ay naghanap na ako ng table at sa umupo na nung may nahanap. Walang estudyante rito at ako lang.
*****
Kelvin's POV
Nung lumabas na si Mitch ay agad ko na pinasa at lumabas na rin, sinundan ko lang siya at alam kong patungo siya sa cafeteria. Nakita ko siya umupo malapit sa may bintana at saktong nakatalikod siya sa pinto.
Sinuot ko muna yung shades at black cap ko saka pumasok sa cafeteria, walang estudyante rito maliban saming dalawa. Pagkatapos kong mag-order ay tumingin ako sa direksyon niya at may hawak siyang makapal na libro.
Pumunta ako sa pwesto niya at mukhang di niya napansin ang presensiya ko.
Tiningnan ko yung librong hawak niya at kahit nakabaliktad sakin ay alam ko kung ano iyon. Math na libro, don't tell me na favorite niya yang subject.
Tumingin ako sa kaniya at lumunok ako ng nakatingin siya sakin ng walang emosyon.
Bat ang ganda niya parin?
Wait! What? No! Di siya maganda tsss
"Kelangan mo? " tanong niya
"ikaw! " WTF bat ko yun sinabe..... Damn it.... No, no, no nadulas lang dila ko.
"Tsss!" singhal niya kaya tumingin ulit siya sa binabasa niya.
"Wala akong kelangan! " sabi ko na lang.
"Ok! Just shut your mouth! " sabi niya.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.