Marie's POV
Pumasok na yung baging magbabantay samin. Siya yung terror na adviser ng section D,dalaga at maganda siya.
Nagsimula na siyang magbigay ng test paper sa unahan.
"Once you receive your test papers you answer it quietly.And after that, you review your answers and you pass it to me and you leave this room quietly!" sabi niya.
Nung makaabot na kay Cristal yung test papers ay bigla niya na lang binitawan dahilan para magkalat sa sahig.
Si Dave naman ay tinawanan niya lang ako kaya tiningnan ko siya ng masama pati na rin si Cristal pero ngumisi lang.
Tssss!
Pinasa ko na lang sa likod ko pero walang kumukuha. Tumingin ako sa likod at kita ko si Kelvin na nakangisi rin.
Yung totoo, anong meron at bakit sa tuwing may tinitingnan ako ay nakangisi?
"Aabutin mo o aabutin mo? " inis na tanong ko. Alam kong nakatingin saminng dalawa sina Felix at Dave
"Pffft! Asan ang choices dun? " tanong niya kaya mas lalo ako naiinis.
"Tsss! Kunin mo na to, 1 hour lang ang exact time para dito sa exam kaya please abutin mo na to at baka itapon ko sa mabansot mong mukha! " inis na sabi ko.
Ngumiti muna siya at kinuha sakin yung test paper pero laking gulat ko ng hawakan niya ang kamay ko.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang may kuryenteng dumaloy sakin katawan.
Hindi niya parin binibitawan yung kamay ko, nakangiti parin siya sakin. Si Felix at Dave ay nakatingin lang samin. Yung mga kasama namin ay sumasagot na.
Wala si yung nagbabantay samin dahil pagkabigay niya ng test papers ay lumabas siya papuntang guidance office.
"A-ano bang g-ginagawa mo? " asar na tanong ko at napapalunok na lang
"What do you think? " nakakalokong tanong niya.
Marahas kong inagaw sa kaniya ang kamay ko at binato yung test paper sa kaniya. Siya yung nasa huli kaya sa kaniya na yung huling test paper. Agad niya namang pinulot yun at ngumiti nanaman sakin ng nakakaloko.
Inirapan ko siya, humagikgik naman itong mga buset na katabi ko. Sino pa ba? E di si Dave at Felix.
Tiningnan ko sila ng matalim kaya tumahimik silang dalawa at binling ang tingin sa test paper nilang dalawa.
Nagsimula na rin akong sumagot at laking pasasalamat ko dahil lumabas lahat ng inaral
ko kagabi.*After a few minutes*
Sa wakas ay natapos ko na, nahirapan lang ako kanina. Alam ko ang sagot pero nakalimutan ko kanina. Nablack mind yata ako kanina, buti na lang may clue sa auestion kanina.
Napatingin ako sa magkabilaang katabi ko, hindi parin sila tapos. Pasimple akong tumingin sa likod pero ang loko ay nakasandal sa upuan niya ng nakatingin sakin ng nakangisi. Ngising kakaiba.
Wala parin yung nagbabantay samin, siguro busy sa guidance office kaya hindi na niya kami nabantayan.
Kanina nga lang ay may nagtatanong ng sagot eh. Natatawa ako sa mukha ni Jed kanina, isa sa mga kaklase ko. Hindi kase siya pinakopyahan ng katabi niyang lalaki rin. Magbarkada ata silang dalawa.
Pagkalipas ng ilang sandali ay marami na rin ang natapos. Maingay na kasi eh.
"Wooohooo natapos rin! " sigaw ni Dave na pumapalakpak pa.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.