Marie's POV
Humanda na lang kayong dalawa sakin bukas!
Nakakaasar na ah! Kung di dahil sa inyo ay wala sana ako dito sa Principle's Office.
Oo andito ako ngayon sa Principle's Office, kaya ayan tadtad ako ng katanungan. Hindi sana ako mapupunta dito kung hindi dahil sa panot na teacher na yun at yung dalawang ugok na yun eh.
Kaladkarin daw ba ako papunta dito!, pasalamat siya may natitirang respeto sakin dahil kung wala na eh baka nakick-out na ako rito sa kakamura at pagsasabi ng mga bad words kapag nagkataon."Bakit ano bang ginawa mo sa kanila at bakit nila sayo ito ginawa? " tanong ulit ni Principle.
"Kase nga po yung kutong lupang si Kelvin at si Dave ay binuhusan ako ng harina at saka ng tubig kaya po ako nagpalit ng uniform at ito na lang kasi ang nakita ko sa locker ko at saka wala po akong extrang uniform!" sagot ko. Ugh! Kelan niya pa magegets itong mga pinagsasabi ko.
"Imposibleng si Sir Kelvin at Sir Dave ang may gawa niyan sa iyo Miss Maconda! Tumigil na silang tatlo sa pambubully!" tugon niya.
"Dalawa lang ho silang may gawa neto sakin! " sabi ko.
"Alam ko! My point is noong wala ka pa dito ay silang tatlo ang gumagawa niyan. And you're so thankfull dahil yan lang ang ginawa nila sa iyo! " sabi niya
"Wow naman! Ako pa talaga ahh! " sabi ko.
Sa inis ko ay umalis na ako dun dahil kanina pa ako doon at sa malas talagang pagkakataon oh!
Nakasalubong ko lang naman yung panot na teacher na nagdala sakin dito.
"Kamusta sermon? " nakakalokong tanong niya sakin. Ngumisi lang ako sa kaniya.
"Well! Hindi naman siya nagalit eh! Nagtanong lang! " sagot ko sabay alis na harap niya dahil baka masuka akong wala sa oras dahil sa mukha niyang mukhang kabayo. Hahaha! Kidding!
Umuwi na lang ako at nagbasa na lang kesa naman sa mabored lang ako dito. Saka gagawa pa ako ng paraan noh para makaganti sa dalawang ugok na yun.
Pagkatapos kong magbasa ay may nagpop sa aking isipan.
"Hahaha! " tawa ko. Baliw lang?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Someone's POV
Hanggang ngayon ay andito parin kaming lima sa templo hinihintay si Supremo.
Sa totoo lang mabait si Supremo at alam kong ayaw niyang ipakita ang side niyang yun samin. Dahil sa kaniya niya lang pinapakita iyon.
Naghintay pa kami ng ilang minuto at lumabas na siya. Lahat ng nasa templo kailangang magbigay galang sa kaniya.
"Lumapit kayo sakin! " utos niya saming limang. Agad rin kaming sumunod.
Pero mas makapangyarihan parin sila at mas ginagalang. Sinabi ni Supremo ang aming gagawin.
Nagkatainginan kaming lima at napilitang tumango, hindi namin siya kayang tanggihan dahil siya ang nagsabing tratuhin namin siya katulad nang pagtrato namin sa kanila. Nilisan na namin ang templo at bumalik sa Willford Academy.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Marie's POV
Para akong timang dito na kanina pang ngumingiting mag-isa. Nakakabwiset naman kasi, pasalamat nga sila kanina dahil medyo nabawasan yung galit ko dahil sa ice cream. Hehehe!
Hindi na masakit yung galos ko, tsss! matagal na akong hindi nagagalusan, talagang masakit kapag ganung magagalusan ka.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
CasualeA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.