CHAPTER 25

4.4K 134 7
                                    

Kelvin's POV

Andito ako ngayon sa mansyon namin, hindi parin matanggal sa isipan ko yung scene kahapon sa parking lot.

Ganun ba siya kalakas? Kababaeng tao pero bat ganun kung kumilos?

Siguro mali talaga ako ng binanggang tao. Akala ko nerd lang siya pero napakamisteryoso niya.

Lalo na yung lumuhod yung kasama niya sa harap niya at parang onti na lang ay iiyak na sila.

Pero nung napanood ko siyang makipaglaban ay mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

Siguro nga kailangan ko ng aminin sa sarili kong gusto ko na talaga siya,  na talagang interesado ako sa kaniya.

Nitong mga nakaraang araw ay parang hindi na nga normal yung heart beat ko eh. Minsan naiisipan ko na ngang magpatingin sa doktor.

Pero kapag sinasabi ko naman kay Noona na magpapatingin ako sa doktor dahil dito pero ang ginagawa niya ay binabatukan niya lang ako. Malakas pa naman kung mambatok yun.

Kahit bully ako, may kinatatakutan parin naman ako. Si Kuya Kelvin, Ate Kate, and Mom and Dad.

Kapag nga nakakarating sa kanila yung mga kalokohan ko ay pinapunish nila ako eh.

Grounded ng 1 month, walang gadgets, babawasan rin ang allowance ko at wala ding kotse.

Pero dahil sa matalino ako ay binabantaan ko lahat ng magsusumbong.

Sa dalawang nakakatandang kapatid ko, ang mas pinakatatakutan ko ay si Ate Kate. Hindi dahil sa magaling siya sa teakkyon, kundi dahil mahigpit siya sakin.

Onti na nga lang iisipin ko ng gangster yun eh. Kung kumilos daig pa ako sa kaangasan. Pero babaeng babae parin siya kung mag-ayos.

Bigla nanamang nagflash back sakin yung kahapon. Para bang video yun na nagrereplay sa utak ko.

Tug. Dug. Tug. Dug

Here we go again. Siguro tama yung sinabi sakin noon ni Ate Kate na may gusto na ako sa kaniya. I think, kailangan ko ng umamin sa kaniya.

Pero paano? Mahirap para saming mga lalaki na umamin.

Pero kung hindi niya naman ako magustuhan, ok lang. Yun ang totoo eh.

Magsosorry na rin ako sa mga ginawa ko, ewan ko ba parang mabigat kasi sa pakiramdam na yung taong kanaiinisan mo at pinapahirapan mo ay magugustuhan mo. Tapos bigla na lang babalik yung panahon na yung kung pano mo siya inapi.

Beep beep

Tumatawag si Felix. Pinindot ko na yung answer key and I place it on my ear.

"Wassup dre! " sabi ko

"Hahah ok lang naman. Gawa mo dre? " tanong ni Felix

"Hmmm humihinga " sagot ko

"Potek ka talaga. By the way! Alam mo ba kung saan ang apartment ni Mitch? " biglang tanong niya

"Nope! " sagot ko

"Alam ko na kaya. Ganto kasi yun, pumunta ako kanina sa park dahil nga sinamahan ko yung step-sister ko. And then nakita ko yung isa sa mga kasama niya kahapon, yung katulad niya ring nerd? Tapos yun. Di ko inalis sa kaniya yung tingin ko at nung paalis na siya ay agad kong binuhat si Frey at saka ko siya sinundan. Tapos yun pumasok siya sa may kalakihang apartment at dun nakita ko si Mitch at may kasama siyang isa nanamang babae saka pinagbuksan yung nerd. " mahabang sabi niya.

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now