CHAPTER 35

3.8K 122 8
                                    

Marie's POV

Andito na ako sa parking lot, hinihintay si Kelvin. Ako pa nauna sa kaniya tsss!!!
Alam na rin nila Dexter na doon kami gagawa ng requirements at pumayag naman sila.

Nakasandal ako sa pader malapit sa kotse ni Kelvin. Tatlo ang nandito at kay Dave at Felix itong dalawa black and red na limousine at kay Kelvin naman itong solo black na Lamborghini.

"Kanina ka pa dito?" tanong ni Kelvin na ngayon ay nasa harap ko na pala.

"Ahh medyo! " sagot ko

"Tara na! " sabi niya at nagpaunang naglakad papuntang kotse niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka pumasok na rin ako. Anong nakain nun at biglang naging gentlemen?

Nagulat ako ng ang lapit ng mukha niya sa akin at nakatingin pa sa mata ko ng diretso.

Magsasalita sana ako ng bigla niya kinabit ang seatbelt ko. Kaya ko naman yun eh tsk

"Ok ka lang? " tanong niya

"O-oo, ok lang ako! " sagot ko at saka ngumiti.
"I love the way you smile! " bulong niya pero di ko narinig

"May sinasabi ka? " tanong ko

"Ahh wala! " sagot niya at nag-iwas ng tingin saka niya pinaandar itong kotse niya at nagsimula ng magmaneho.

Seryoso siyang nakatingin sa daan, at talagang focus siya sa pagmamaneho. Hindi masyadong mabilis at hindi masyadong mabagal kundi sakto lang ang pagpapatakbo niya.

Ngayon ko lang napagtantong gwapo pala talaga siya sa malapitan. His pointed nose, his eyes full of emotions yet attractive, his kissable lips, and his jaw line. Damn! He's so handsome and I admit it.

May tinatago ring kabaitan si Kelvin, di niya man ipakita pero nararamdaman ko. Mabuti siyang tao.

"Hey! Don't look at me like that, I'm melting Mitch! " biglang sabi niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

"F-feeling! Hindi kita tinititigan noh, kapal ng mukha mo tsk!" sabi ko

"Pfft!!! Ang sabi ko huwag mo akong tingnan hindi titigan. Hahaha! Wag ka na ngang magdeny!" sabi niya kaya napalunok. Bwiset naman ohh!!!

"Che! Magmaneho ka na lang hmmph! " inis na sabi ko kaya napatawa na lang siya

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay or should I say mansion dahil sa laki niya.

Otomatik na nagbukas ang pagkalaki-laking gate nila at mas lalo ko pang nakita kung gaano kalaki ang mansion nila.

"Close your mouth! " biglang sabi ni Kelvin kaya sinamaan ko siya ng tingin pero napatawa nanaman siya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ulit, saka niya inilahad ang kamay niya upang ako ay kaniyang alalayan.

Para akong nakuryante nung nahawakan mismo ni Kelvin ang kamay ko, kung kanina ay ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon naman mas lalo pang bumilis na para bang kabayong nag-uunahan sa pagtakbo.

"Anong nakain mo at naging gentleman ka? " nang iinis na tanong k

"Tsss! Wala akong nakain, sadyang nagmamagandang loob lang! " sagot niya kaya napangiti ako kahit masungit ang pagkakasabi niya nun.

"Good evening young master! " sabay-sabay na sabi ng mga guards at maids na nakahilera at nakabow pa.

Nag nod lang si Kelvin saka diretsong pumasok saka hawak niya pa kamay ko

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now