Felix's POV
Ngayon lang ba ako nakaroon ng POV Ms. Author?
(A: Ayaw mo?)
Syempre gusto ko, sayang lang naman gwapo ko kapag wala akong POV
(A: Gwapo? Saan banda?)
Sa mukha ko tsk, tanga lang Ms Author?
(A: Taena!!! Shhh ka lang. Nag-iisip ako ng scene sa chapter na ito!)
Ahh ganun ba! Hehe good luck Ms Author, gandahan mo ahh.
Next week na pala yung pageant, ewan ko lang kung sasali ako. Sa bagay si Akira at Kelvin na ang bahala sa mga representative. Kahit naman sino ang pipilin nila lahat ng estudyante dito, gustong sumali.
Pero yung maganda, katamtaman ang tangkad at higit sa lahat matalino.
Nandito ako ngayon sa open field, wala pa masyadong tao dahil maaga pa. Dito ako namamalagi kapag ako ang nauunang pumasok sa aming tatlo.
Sa totoo lang, may gusto talaga ako kay Mitch eh, kaso nga lang nung nakatingin ako kay Kelvin halata naman ng may gusto siya kay Mitch eh, hindi niya lang matanggap.
Hindi naman pangit si Mitch eh, actually maganda talaga siya. Nakita ko yun nung pumunta ako sa library para sana humiram ng libro sa physics, and accidentally nakita ko siyang nag-ayos ng sarili, nagsuklay lang at saka tinanggal niya yung salamin niya.
Nagtaka pa nga ako kung bakit nakakabasa naman siya ng walang eyeglass eh.
Nalove at first sight ata ako sa kaniya eh. I know na poker face ako, pero it doesn't mean na wala akong pake sa paligid ko. Sa aming tatlo, ako ang grabe mag-alala kung isa sa mga kaibigan ko ang nasa kapahamakan.
Ngayon alam ko ng tanggap na ni Kelvin yung feelings niya para kay Mitch. Ang bilis noh, pero ganun talaga eh.
Si Dave, isa siya sa mga kaibigan kong sinasakyan ang mga trip ko, si Kelvin naman, minsan lang. Matalino kaming tatlo, kaso nga lang, mga mayayabang daw kami kung idescribe ni Mitch. Yeah! Siya ang nagsabi na mayayabang kaming tatlo.
Si Kelvin lang kaya yung mayabang, di mo naman siya masisisi dahil kahit mayabang yun ay may maipagmamayabang naman. Bukod sa gwapo pero mas gwapo talaga ako eh matalino pa, mayaman, at higit sa lahat mabait.
Mabait naman talaga si Kelvin eh, hindi niya lang pinapakita. May nagsabi pa ngang gangster daw kami eh, pero ang totoo hinde, sanay lang kami sa pakikipag-away na tatlo.
Tambayan ko na itong open field simula nung nakita ko dito si Mitch na nakaupo at natutulog habang may nakasalpak na earphones sa tenga niya.
Simple lang siyang babae, iba siya sa lahat ng nakakasalamuha naming tatlo dito sa campus na madaming kolorete sa mukha at makakapal pa.
Si Crystal! Tsss ayaw ko man sabihin pero parang siyang pros sa uniform niya. Kulang ata sa tela eh, nakakaasar pa minsan yun da-----
"Huhuhu!!! Mahal ko naman siya ah bakit niya ako pinagpalit sa iba? " sabi ng kung sinong babaeng umiiyak. Napatigil tuloy ako sa pakwekwento.
Kaya naman napatingin ako sa likod nitong puno at andun nga yung babae.
4th year na rin siya, pano ko nalaman? Dahil sa lace ng I. D. niya.
"Miss bakit ka umiiyak? " tanong ko kaya naman napatingin siya sa akin at agad na nanlaki ang mata niya.
"Uwaahhh!!! Wag niyo po akong ipaexpell Kuya Felix huhuhu! Sorry po kung dito po ako napadpad sa tambayan niyo huhuhuhu sorry po!!! " sabi niya habang umiiyak pa din.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.