CHAPTER 40

3.8K 125 3
                                    

Kelvin's POV

Naghahanda ang lahat para sa aking kaarawan ngayong araw. Mamayang gabi pa pero halos lahat ng tao rito ay busy.

Umuwi na rin sila Mommy galing ibang bansa at balak kong ipakilala sa kanila si Mitch bilang kasintahan ko.

Ipapasundo ko si Mitch at mga kaibigan niya mamaya. Si Felix ang bahala kay Eunice at si Dave ay pupunta kasama ang dalawa niyang nakakatandang kapatid. Hindi daw nakauwi ang mga magulang ni Felix at Dave dahil sa dami ng kanilang trabaho.

Sina Tito at Tita ay umuwi rin dito para dumalo sa birthday ko. Namiss ko nga yung ganito eh, yung kumpletong pamilya.

Simula nung nalaman kong wala na ang mga magulang ni Mitch ay parang gusto kong iparamdam sa kaniya ang isang buong pamilya.

Invited rin ang kambal na si Cristel at Cristal. I hope na sana talaga ngang nagbago na si Cristal dahil simula nung nagkausap silang dalawang magkambal ay parang naging maayos na rin ang lahat.

Kilala ko ang Kuya ni Cristal. Hindi ko nga lang alam kung ano ang katauhan o anong uri siya na tao. I think mabait naman siya.

Andito ako ngayon sa silid ko at pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin.

Naks! Ang gwapo ko talaga! Hindi na talaga ako magtataka kung bakit maraming naiinlove na babae sa akin. Saka hindi rin ako makapaniwala noon na hindi tinatamaan ng charms ko si Mitch.

She's cold back then pero nabago ko yun. Ngumingiti naman siya pero madalang nga lang. Ako lang at ang mga kaibigan lang namin. ang nakakapagpangiti sa kaniya't nakakapagpatawa.

Minsan nung nagkausap kami ni Nathan na ang totoo palang name niya ay Tristan. Hindi naman daw cold si Mitch, nasanayan niya na daw ang maging seryoso at walang ekspresyon ang mukha tanging sa mga mata niya lang makikita ang bawat emosyong nararamdaman niya.

"Dongsaeng! " sabi ng kung sino sa labas ng silid ko. Pumunta ako doon saka binuksan at bumungad sa akin si Noona na nakangiti.

"Pasok ka Noona! " sabi ko saka anman niya sinunod at naupo sa kama.

"Matanda ka na dongsaeng! " pang-aasar niya

"Hindi noh! 19 na ako ngayon ate! " sabi ko

"Haha! By the way! Nakausap kanina ni Dad ang isa sa mga inatasan niyang maghanap kay M-M at sinabi niyang isang gangster at tinulungan ng isang mafia ang pagkidnap sa kaniya." paliwanag niya at naikuyom ko na lang ang mga palad ko sa galit.

"At hindi nila alam kung patay na ba siya. Si Zicka kasama siya dun! " dagdag ni ate kaya halos lumabas na ang aking ugat sa pagkakuyom ng aking palad.

Umalis na si ate kaya tinawagan ko si Dave pero cannot be reached siya.

******

Marie's POV

Kinakabahan parin ako hanggang ngayon pero kailangan ko talagang kumalma. Malapit na sumapit ang gabi at mamaya ay andyan na rin ang susundo sa amin.

Nakaayos na rin kaming lahat.

Uupo sana ako sa sofa ng tumunog ang cellphone ko. At pagtingin ko sa caller ay si Kelvin

"Hi bae! " bungad niya

"Hello bae happy birthday!" masayang bati ko. Hawak ko ang maliit na regalo ko sa kaniya. It's just a bracelet but made with pure gold. Kay Lolo ko ito pero ibinigay niya sa akin nung 15 yrs old ako at tanda ko pa ang sinabi niyang ibibigay ko daw ito sa lalaking una kong minahal.

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now