Kelvin's POV
Nang makarating kami sa rooftop hindi na napigilan ni Dave na magbunganga kaya sinimulan niyang magtanong muli.
"Dre! Ano na?" tanong niya.
"Ano ba yun?" singit naman ni Felix na poker face lang.
"Pwedeng umupo muna tayo bago yang tanong niyo? " tugon ko at nagpaunang umupo kaya umupo rin silang dalawa.
"Ok ganito, bukas na bukas kailangan nating pumasok ng maaga bukas para dito. Magdala kayo ng isang wax, tatlong plastic bottled water at ilagay ito sa ibang container, at magdala rin kayo ng harina, at saka lampaso pa pala! " panimula ko.
"Kami lang dalawa ang magdadala ng mga iyon? " tanong ni Felix
"Ahy hinde! Kung gusto mo ikaw na lang lahat! " suhestyon ko.
"Hahaha! Sige ba! " sabi niya kaya nagulat ako.
"Seryoso? " nagtatakang tanong ko
"Yup! Continue!" utos niya
"Then, didiretso tayo sa library dahil doon lagi siyang dumidiretso kapag umaga. Itago mo Felix sa bag mo ang mga iyon at baka magtaka ang librarian, pupunta tayo dun parte sa science books dahil doon siya laging kumukuha ng mga libro. Yung wax ibahid niyo iyon sa buong sahig at lalampasuhin mo iyon Dave. Kapag nadulas siya at natumba sa sahig, ibuhos mo Felix yung harina ah! Kasi ikaw maghahawak nun. Then, kapag tumayo na siya saka ko naman ibubuhos yung tubig sa kaniya para maging malag-it siya. Ano ok ba? " tanong ko sa kanilang dalawa.
"Haha! Ok na ok yun dre! " sabi ni Felix. Baliw talaga ito. Kanina lang poker face ngayon naman parang nanalo sa lotto.
"Basta bukas ahh! " sabi ko saka tumayo na dahil malapit na ang 4th period sa umaga.
Pagkatapos nun, nilisan na namin ang lugar na iyo saka bumalik na sa aming classroom. Magkakaklase naman kaming tatlo.
Napapangisi na lang ako kapag naiisip ko yung plano namin bukas at gagawin talaga namin iyon.
Saka may isa pa akong plano pagkatapos ang gagawin namin bukas na bukas rin. Ang hirap kaya gumawa ng plano, lalo na kapag ganun yung ugali ng babaeng yun, masyado siyang maldita. Hindi naman maganda, at parang humiram lang ng mukha eh.
Nakinig na lamang ulit ako sa Pro. namin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Marie's POV
Malapit na ang lunch time, trenta minuto na lang ay vacant time nanaman namin. Wala akong katabi ngayon dahil lumipat siya. Natatakot sakin at ayaw niya talagang tumabi.
Pake ko ba?
Mas maganda ngang walang katabi dahil mas makakakonsentreyt ka eh.
Katulad lang ng lecturer namin sa math itong lecturer namin ngayon sa english.
Ewan ko ba kung bakit ang sungit sungit na niya na eh dati naman hindi eh. Nahawa siguro kay kalbo sa kasungitan.
After 30 minutes.
Ayan lunch time na namin kaya dumiretso muna ako sa canteen at bumili ng makakain. Hindi na muna ako pupunta sa library ngayon ay saka sa uwian, bukas na lang maaga naman akong nagigising eh.
Fried rice, chicken joy, leche flan, at isang bote ng tubig. Yan lang naman ang kinakain ko dito at take note fav. ko ang leche flan.
Maraming estudyante ang nandito ngayon at ilang araw na rin ang nakakalipas ay hindi na sila tumitingin sakin ng masama.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.
