Kelvin's POV
Kakauwi lang ni Ate Kate dito sa Pinas kahapon nung isang araw pa sana pero naudlot daw kase.
Sinabi rin niya sakin na nakasabay niya si Ate Diana at Ate Dina sa eroplano. Sila ang dalawang nakakatandang kapatid na babae ni Dave.
"Dongsaeng kuha ka nga ng ice cream sa ref! " utos sakin ni Ate Kate habang nakaupo sa sofa at nanonood ng telenovela.
"Aish Noona, don't call me dongsaeng! " pagmamaktol ko.
"Che! Titigil lang ako ng pagtawag ng ganun kapag may GF ka na ok! Kaya kumuha ka ng ice cream ko sa ref" sabi niya.
Padabog akong pumunta sa kitchen para kumuha ng ice cream. Alam ko naman na kung anong flavor ang favorite nun eh. Cookies and cream, or strawberry flavor.
Binigay ko na kay Ate yung ice cream niya at pumuntang upstairs.
Pabagsak kong humiga sa kama ko at tinawagan si Dave.
Hinanap ko sa contacts ko ang pangalan niya.
Calling Minion
Yeah yan ang pangalan niya sa contacts ko. Pano kase, pandak na nga lang tapos ang ingay ingay pa. Pagkakamalan mo na talaga siyang minion eh.
"Hey dude, wassup? " tanong niya sa kabilang linya.
"Ok lang. Actually may tatanungin lang ako? " tanong ko
"Sige ano yun! " -Dave
"Andiyan na ba sila Ate Diana at Ate Dina? "-Me
"Yeah! Actually kanina lang kase dumaan sila sa resto namin kahapon at sa isang bahay sila natulog kahapon! " -Dave
"Ahh ok! Sige na bye. See you! " -Me
"Tsss! May ganyan ka pang nalalaman ahh, onti na lang Kelvin magmumukha ka na talagang bakla! " -Dave
"What the hell Dave, hindi ako bak---" hindi ko na naituloy ang dapat ko pang sabihin ng binabaan niya ako.
Lagot sakin yun bukas.
Wala sila Mommy at Daddy dahil nasa States na sila.
Madilim na sa labas at nakatingin lang ako sa madilim kalangitan at mga nagniningningang mga bitwin.
Sa tuwing dudungaw ako sa gantong oras ay ang ganda sa pakiramdam. Sa tuwing may shooting star ay nagwiwish ako na sana huwag magbago si Cristel ang matalik kong kaibigan.
Pero bigla kong naisip si Mitch nung ngumiti siya ng normal. Hindi ko maalis sa isip ko yun, ewan ko ba kung bakit, pero sa twing nakikita ko siya ay bigla na lang titibok tong puso ko ng mabilis.
Minsan nga naiisip ko ng may sakit ako sa puso eh. Ang weird lang kase ng tibok ng puso ko. Saka nung ngumiti siya sa canteen ay mas lalo pang bumilis ang pagtibok nitong puso ko.
Dahil nga siguro sa pagkainis ko sa kaniya kaya ganto. May dalawang namumuo sa aking isipan, ay yung isa ay dahil sa pagkainis ko sa kaniya at yung isa naman ay may gusto ako sa kaniya.
Pwe! I can't imagine myself na magkakagusto sa isang katulad niya. Saka wala sa kaniya yung tipo na babae ang hinahanap ko. Ang pangit kaya niya saka ang baduy pang manamit ihalo mo pa yung malalaking salamin niya at yung mga hawak niya makakapal na libro eh.
Tok, tok, tok
Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin si Ate na nakapameyang.
"How many times na tawagin kita bago mo to buksan? " sigaw niya. Napatakip na lang ako ng tenga dahil ang lakas ng boses niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/169015512-288-k496337.jpg)
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.