Marie's POV
Agad kong tinawag ang mga kasamahan ko at sinabi ko sa kanila ang nangyari.
"Heart and Dave, track that f*cking location! " utos ko kaya nagbow muna sila at ginawa ang sinabi ko.
"Sharmaine! Get all the guns and any deadly weapons in basement! " utos ko saka niya ginawa.
"Tristan! Lahat ng malalakas na tauhan ko ay ihanda na! Sarah and Dexter pagkatapos matrack ni Heart at dave ang lokasyon ay icheck ang mga paligid dahil alam kong may mga nakatanim na bomba doon! " sabi ko.
Nakasuot ako ngayon ng red and White crop top T-shirt , black high wasted na short, white high kneel boots na 6 inches ang taas and black gloves na hanggang elbow. Hindi ko na tinanggal ang make up ko. Sinuot na namin ang earpiece.
May pocket na nakasabit sa dalawang hita ko at sa likod ng damit ko.
Pagkakuha ni Sharmaine lahat ng deadly weapons ay agad kong inassemble ang mga baril.
Barrette 0.80 cal, maganda ito dahil ang maximum range niya ay 2,800 meters.
FN Five seven at dalawang black chrome. Kumuha rin ako ng dalawang pocket knife at ang paborito kong swiff knife at inilagay yun sa likod ko.
Ang apat na baril ko ay inilagay ko sa hita ko. Kumuha pa ako ng isang swiff knife at inilagay sa boots ko. Hawak ko ngayon ang isang handgun.
Ganun rin sila Tristan. Ready na sila.
Sinabi na rin sa akin ni Heart at Dave ang lokasyon at malayo yun dito. Sigurado akong gabi na kapag nakarating na kami dun
"Ok! Ang abandonadong gusaling ito ay may isang basement sa ibaba, dun kayo lalabas kung maraming pagsabog ang magaganap mamaya. Mahirap idefuse ang mga bomba doon kaya kailangang mag ingat. Heart at Dave sa itaas kayo ng puno habang nagmamanman. Si Tristan ang bahala sa mga kalaban sa labas, si Sharmaine at Sarah pati na rin si Dexter ang makakasama kong papasok sa loob. Si Steve ang aakayat sa itaas para patayin ang mga tauhang nasa ibaba. " sabi ko kaya tumango silang lahat.
"Guys! Alam kong maraming taon ang naaksaya ko at ilang taon ko rin kayong hindi nakasama sa ganitong bagay. Alam kong iingatan ninyo ang isa't-isa kaya ibabangon muli natin ang ating grupo! " I said.
Lahat sila ay ngumiti kaya nginitian ko rin sila pabalik. Binaling ang tingin ko sa pinsan ko at tinanguan. Kahit hindi na ako magsalita'y alam na nya ang dapat na gawin.
Nauna akong lumabas papunta sa motor ko. Pinaandar ko na yun at saka pinaharurot.
Kita ko naman sa side mirror ko na nakasunod ang sila pati na rin ang mga tauhan ko. Namiss ko ang pakikipaglaban.
Yeah tama siya, it's nice to be back.
Mafia Wars na ito. Ito ang pangalawang pagkakataon na makakatuos ko ang isa sa mga pamilyang pinakamalakas na gangster. Ako ang pumatay sa asawa niya dahil tinangka niyang patayin si Mitchy.
Pagkarating ko doon ay agad akong bumaba sa kotor ko at kinuha ang sniper riffle with silencer. At tama nga ako dahil magdidilim na. Ilang oras din akong nagmaneho.
"Be ready!" sabi ko.
"Yes Queen! Ingat! " salita nila sa earpiece.
Dahan dahan akong naglakad dahil marami ang nagkalat na tauhan dito sa labas palang. Agad kong kinalbit ang gatilyo dahil may nakakita sa akin na papasok kaya bago pa ako mahuli ay tinama ko sa noo niya.
Agad silang naalarma kaya kinuha ko ang pagkakataon at tumakbo papasok. Pagkapasok ko ay agad akong nagtago sa isang pader dahil may tatlong lalaki.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.