CHAPTER 41

4K 115 5
                                    

Marie's POV

Pagkatapos ng nangyari kagabi ay di ko parin maiwasang di umiyak. Tuwing naalala ko ang sinabi niya, ay parang nadudurog ang puso ko.

You can't fix yourself while holding the pain onto person who broke you!

Sana nga panaginip na lang ang lahat ng ito. Sana isang masamang panaginip at sana magising na ako.

Hanggang dito na lang ba talaga?

12 new chapters and I have 365 new chances therefore this is not the end!

Sana nga!

Hindi ako lumalabas ng silid ko kahit laging may kumakatok sa pinto ko. Maaga pa at mamaya na ako papasok.

Andito ako ngayon sa banyo at nakababad ang katawan ko sa tubig na puru bula. Iniisip ang nangyari kagabi.

Give the ones you love wings to fly, roots to comeback, and reasons to stay.

Sa paanong paraan kung ngayon palang ay bumibitaw na siya?

LET IT HURT AND LET IT GO

kaya ko ba siyang pakawalan? Masyado ko siyang mahal. Kailangan ko siyang makausap...... Nagmadali akong nag ayos ng sarili at umalis sa apartment ko ng di nagpapahalata sa kanila.

Kinuha ko ang black jaguar sa garahe at saka pinaharurot. Matagal ko na itong hindi nagamit simula nung umalis ako sa mansion.

Lilinawin ko lang ang mga bagay, lilinawin ko lang ang sa amin.

Mabilis akong nakarating at sakto namang meron na siya. Nagmadali akong pumasok sa loob ng campus at pumunta muna sa room. Pero wala siya dun. Pumunta ako sa faculty pero wala rin siya don.

Sunod kong pinuntahan ay sa C. R. ng mga lalaki at naghintay kung may lumabas pero wala.

Pumunta rin ako sa secret garden pero wala siya dun.

"Where the hell are you Kelvin? " nawawalang pag-asang tanong ko sa sarili.

Tumakbo ako at pumunta sa open field pero wala paring Kelvin ang nakita ko.

Biglang may nagpop sa isipan ko.

Sa gym!

Nagmadali akong pumunta dun at muntikan pa akong matalisod. Wala pa masyadong estudyante dahil nga sobrang aga pa.

Pagdating ko sa gym ay walang katao tao, sobrang tahimik, pero naagaw ng pansin ko ang ilaw na nakabukas sa may locker.

May nagpipigil na wag pumunta dun pero gusto ko. Baka andun siya.

Dahan dahan akong naglakad papunta dun. Iniiwasan kong may masaging bagay para di makalikha ng ingay.

Pagdating ko dun ay pumasok ako sa loob na sana ay hindi ko na lang ginawa.

Bumigat ang aking paghinga at may kung anong kumirot sa puso ko. Tuluyan na ngang nagsitulo ang aking luha. Napatakip na lang ako ng bibig.

Kelvin and Cristal are kissing each other.

Ang sakit! Totoo ba lahat ng sinabi niya kagabi? Dito na lang talaga? Hindi na ba niya ako mahal?

Nakita ako ni Kelvin pero hindi siya tumigil kakahalik kay Cristal bagkus ay hinapit niya pa palapit si Cristal at mas lalo pa niyang hinalikan.

Di ko namalayang tumatakbo na pala ako, bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Tumigil ako sa harap ng music room, matagal na rin ako nung huli akong nakapunta rito. Pumasok ako sa loob at bumungad sa akin ang tahimik na paligid.

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now