CHAPTER 36

3.9K 120 8
                                    

Kelvin's POV

Sobrang saya ko kagabi, because she's officially mine. Akala ko wala siyang feelings para sa akin yun pala meron.

Ngayon naman ay nagmamadali akong bumaba para makakain na at para masundo ko na ang buhay ko.

Pagkababa ko binati ako ng mga maids kaya ngintian ko lang sila at nagdiretso sa dining area.

Nadatnan ko si Ate Kate na kumakain.

"Good morning!" bati ko

"Good morning too dongsaeng! " sabi niya.

Nagsimula na akong kumain.

"May bisita ka daw kagabi?" tanong niya

"She's my girlfriend!" sagot ko

"Wahhhh! Talaga?! Husto ko siyang makita! " sabi niya.

Si Ate Kate ay ayaw niya sa kagaya ni Cristal na maarte. Gusto niya yung simple lang. Gusto niya rin yung nerd na kagya ni Mitch.

"Noona! Nerd siya! " sabi ko kaya napangiti lalo siya

"Kyaahhh!!! Ang mga nerd ay mas maganda sila kapag walang salamin sa mga mata nila kaya mamayang gabi iuwi mo siya dito dahil gusto ko siyang makita! " sabi niya habang humahagikgik. Napailing na lang ako.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako at dumeretso sa garahe ng mga kotse ko.

Pagkatapos kong painitin ang makina ay umalis na ako at nagtungo sa apartment ni Mitch.

♡♥♡♥♡♥♡♥

Marie's POV

hanggang ngayon ay nakangiti parin ako dahil boyfriend ko na si Kelvin. Hindi nga ako makapaniwala eh, na noon ay lagi niya ang binubully pero ngayon nagkahulugan na.

The more you hate the more you love.

Ding.dong.ding.dong

Binuksan ko ang pintuan nung may nagdoorbell at pagkabukas ko ay isang napakagwapong nilalang ang bumungad sa akin.

Nakangiti niya akong niyakap ng mahigpit at niyakap ko rin siya pabalik.

"Pasok ka! " sabi ko ng kumalas kami sa pagkakayakap. Pagkapasok namin ay nakita namin ni Kelvin kung paano matigilan at nanlalaki ang mata ng mga kabigan ko.

"Guys! He is Kelvin Willford the owner of the Willford Academy and he is my boyfriend!" pakilala ko sa kanila

"And Kelvin, this is my friends, Sharmaine, Dexter, Heart, Tristan, Dave, and Sarah! " dugtong ko

Ngumiti lang si Kelvin at nagulat na lang ako ng biglang umiyak si Heart at agad ko siyang nilapitan!

"Hey! Why are you crying?!" tanong ko

"Dahil may boyfriend ka na tapos hindi mo na ako mapapansin! " sabi niya

Napuno ng tawanan itong apartment ko dahil sa sinabi ni Heart.

"Meron naman ako dito eh! " singit ni Dave

"Che! " bulyaw ni Heart na ikinatawa nanaman namin.

Makalipas ang ilang saglit ay umalis na kami hanggang sa nakarating na kami sa campus.

Pinark na ni Kelvin ang sasakyan niya saka ako pinagbuksan at inilahad ang kaniyang kamay para alalayan ako palabas ng kotse niya.

As usual, marami nanamang nakaabang na fans niyang babae dito sa parking lot. Kung dito palang ang lakas pa ng tilian at hiyawan nila eh paano pa kaya kung sa loob na mismo nitong akademya?

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now