CHAPTER 31

3.7K 113 1
                                    

Marie's POV

*Same day*

Pagkarating ko sa parking lot, andun yung kotse ni Drake pero walang tao rito.

Tinawagan ko na sila isa-isa pero isa sa kanila ay walang sumagot.

'Where the hell are you guys?'

Para akong tanga dito na kakalakad at kakapindot sa phone ko.

Pumasok ulit ako ng campus, pagkatapak ko palang, may mga estudyante na nagkukumpulan dun sa gym.

Pumunta ako dun at nanlaki ang mga mata ko.

"What the hell!" sigaw ko para mapatingin lahat sa akin.

Paano naman kasi, yung mga kaibigan ko nakikipaglaban sa mga kalalakihan. Madami sila at saka aanim lang yung mga kaibigan ko.

Lumapit ako dun.

"Mitch wag kang lalapit dito, kami ng bahala dito! " sigaw ni Tristan. Pero hindi ako nakinig at naglakad palapit dun

"Sino kayo? " madiing tanong ko

"Kami?! Kami ang papatay sa iyo! " sagot nung may hawak na bat.

May mga galos na sila Sharmaine, Heart at Sarah pati rin sila Drake, Dexter at Tristan.

Kaniya-kaniya silang nagsilabasan ng armas nila.

Bumaling ako sa lalaking sumagot sa tanong ko kanina.

"Talaga?! Natakot naman ako! " sabi ko at nag-akting pa akong natatakot kaya mas nainis siya.

"Mamamatay ka rin! " sabi niya

"Ok!" sabi ko saka tumingin kila Tristan na nag-aalala.

"Umalis na muna kayo dito! " malamig kong utos.

Tatanggi pa sana sila pero binigyan ko sila ng malamig na titig kaya wala silang nagawa kundi sumunod na lang. Pero bago pa yun, sinuntok muna nila yung nasa harap nila.

"Ang tapang mo pala! " sabi niya

"Tsss! " sagot ko.

"Sugurin siya! " sigaw niya kaya naman nagsilapitan ang mga lalaki sakin.

Tatlo ang unang sumugod sa akin, lahat sila may hawak na bat.

Iwas ako ng iwas para di ako matamaan ng bat. Nung papaluin sana ako ng isa, agad ko itong sinalo at inagaw sa kaniya ang bat saka ko pinalo ng todo sa noo niya.

Kaya ayun tulog.

Dalawa ang sumugod sa akin. Mabilis sila, siguro mga baseball player tong mga to.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad silang sinuntok pareho sa sikmura at sinipa sa mukha.

Sabay-sabay silang umatake sa akin kaya naman iwas muna ako ng iwas.

Hindi ako nahihirapan sapagkat sanay na ako sa ganito.

Yung isa, tinuhod ko, yung isa naman pinagsusuntok ko, at yung iba naman ginagamitan ko na sila ng tornado. Tinatamad na rin kasi ako kaya ginawa ko na lang na minsanan.

Isa na lang ang kalaban ko. Yung lalaking binantaan ako.

Agad naman siyang sumugod sakin, mabilis siya kumpara sa kasama niya, at kasing bilis niya si Heart.

Lalaki siya, at kasing lakas niya lang si Tristan. Pero hindi pa nananalo si Tristan sakin sa pakikipaglaban.

Nung nakakuha ako ng tyempo, umangat ako sa ere at ginawa ang tornado kaya sunod-sunod kong nasipa ang mukha niya ng walang kamali.

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now