Marie's POV
Uwian na ngayon at kailangan
kong makarating agad sa aking apartment dahil may tatapusin akong project at hindi naman na kailangan ng mga books. Bukas na ako pupunta sa library dahil malapit na ang exam namin.
Naalala ko nanaman yung ginawa sa akin ng pesteng queen bee na yun kanina. Buti na lang dumating yung Felix at tinulungan ako.FLASHBACK
RECESS TIME
Papunta na ako ngayon sa classroom namin dahil magbabasa pa ako ng mga lessons.
Naglakad na lang ako sa hallway dahil alam ko na kapag sa court pa ako naglakad, bubulihin nanaman ako ng mga lalaki doon at baka mapa-away nanaman akong wala sa oras kaya minabuti kong dito na lang sa hallway maglakad.
Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay may humarang sa akin na tatlong babae. Kung hindi ako nagkakamali,yung nasa gitna ay siya yung queen bee at yung nasa left and right side niya ay mga alipores niya.
"Tinggan ninyo kung sino ang nandito! The bitch nerd!" sabi niya sabay irap.
"If I am a bitch, then you are the witchy bitchy! " sabi ko rin
"How dare you bitch! Ang kapal ng mukha mo ah! " sigaw niya
"Tsk! Dare mo yang clown mong mukha! " tugon ko
"Ugh! I'm not a clown!" sabi niya
"Ha-ha-ha, really?" nang-aasar na tanong ko
"Yes! Ikaw nga hiniram mo lang ata yang mukha mo sa ASO eh!" wika niya.
"Ows!! Hahaha! Kung itong mukha ko nga ay hiniram ko lang sa aso, pano pa kaya yang mukha mo? Hindi na kaya yan hiram, yan na kaya yung mukha mo na mukhang KALABAW! " sabi ko at pinipigilang tumawa.
"Wala kang respeto! Ako ng queen bee dito at kailangang irespeto mo ako! "
"Why would I respect you? If you're the one who is not respecting others! "
"At bakit naman kita rerespetuhin?" tanong niya.
"Tsss! Dahil may karapatan din akong irespeto! " sigaw ko.
"Hahaha! Wala kang posisyon dito sa paaralang ito kaya hindi ka dapat irespeto dahil ako at si King Kelvin lang ang pwedeng irespeto! " sigaw niya din sabay sampal sa akin.
"Stupid! " sabi ko.
"Girls! Hawakan niyo ang braso niya! " utos niya sa dalawang alipores niya at agad rin silang sumunod.
'tsk! Mga sunud-sunuran! ' bulong ko
"Kawawa ka ngayon sa akin! " sabi ni Cristal ang queen bee.
Bago pa ako makapagsalita ay agad niya akong sinampal ng malakas.
"Para yun sa pagsagot-sagot mo kay Kelvin" sabi niya pa sabay sampal sa kabilang pisngi ko.
"Para din yan sa pambabastos mo sakin! " sabi niya ulit sabay sinampal-sampal ako ng paulit-ulit at nalalasahan ko na ang dugo sa aking labi. Buti na lang at hindi nahuhulog itong salamin ko dahil hawak ko ito habang nakahawak yung dalawang alipores niya sa mga braso ko.
"Ano masarap? " nakakalokong tanong niya.
"Ano sa tingin mo? Kapag ako binitawan nitong mga alaga mong aso, ako naman ang sasampal sa iyo! " sabi ko sabay ngisi.
But this time sinenyasan niya ang dalawang alipores niya na bitawan ako.
Pero bago pa ako makaayos sa pagkakatayo ay sinampal niya ako ng hawak ng isang alipores niya kanina kaya napasubsob na lang ako sa sahig.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.