CHAPTER 22

4.3K 129 7
                                    

Marie's POV

Nang matapos na lahat ng mga kasamahan namin ay pinasa na namin paharap. Inayos naman agad yun ni Nicole nung nasa kaniya na lahat.

Tapos bumukas ulit ang pinto at iniluwa ulit si Crystal.

Nagsilabasan na silang lahat, pero bago pa yun ay muli akong hinarap ni Crystal.

"Hahaha! Anong feeling na nakadikit ang skirt mo diyan? " tanong niya.

"Bakit gusto mong malaman? Palit tayo ng pwesto! Para malaman mo gaga! " sabi ko.

"Hahaha! Karma mo na yan, at ako nga ang iyong karma! " sabi niya at saka lumabas na room.

Ang natitira na lang dito ay si Kelvin at ako, yung dalawang kumag ay nauna nang umuwi.

Shit, may usapan pala kaming dalawa ni Nathan.

Kinuha ko ang phone ko at dahil sa kakamadali ay nahulog ko ito at napalayo pa sakin, buti lang dahil hindi nabasag.

Napatingin ako kay Kelvin na ngayon ay nakatingin sakin. Nu bayan mapipilitan akong manghingi ng tulong dito.

"K-Kelvin! " tawag ko sa kaniya.

"Yes? " sagot niya at ngumisi.

"Pwedeng pakikuha yung phone ko! " utos ko.

"Pwede, but in one condition! " sabi niya.
Peste naman.

"Sige! " sabi ko na lang.

At yun nga kinuha niya ang phone ko.

"Ibibigay ko sayo tong phone mo pero....... Ililibre mo ko ng one week! " sabi niya kaya napanganga ako.

"Pero------" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Walang pero pero, ayaw mo? E di hindi ko ibibigay sayo tong phone mo! " pananakot niya.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Fine! Just give me my phone! " sabi ko at inabot niya naman sakin.

Ngumisi naman siya ng malapad.

"Kelan magsisimula? " tanong ko.

"Sa Monday! Bye! " sabi niya at umalis na.

Itetext ko si Nathan.

To: Nathan

Than, kung dadaan ka mamaya sa corridor, pasok ka na lang dito sa room. Andito pa ako sa loob.

Sent

Pagkatapos ng ilang segundo ay nagreply na siya.

From: Nathan

Ok! Coming!

Hindi na ako nagreply dahil parating na daw siya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok na si Nathan saming classroom.

"Anyare sayo? " takang tanong niya.

"Nilagyan ni Crystal ng glue tong upuan ko kaya dumikit yung skirt ko! " sabi ko.

"Shit! May extra ka pang skirt? " tanong niya.

"Oo, nasa locker nga lang! " sagot ko.

"Ok! Dito ka lang. Kukunin ko lang yung extra skirt mo sa locker! " sabi niya at naglakad palabas. Nung nasa pinto na siya ay tumigil siya at saka lumingon sakin sabay kamot sa batok.

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now