CHAPTER 15

4.4K 136 19
                                    


Marie's POV

Nang matapos ko na lahat ang ginagawa ko ay napagpasiyahan ko ng umuwi.

Inayos ko na yung mga gamit ko saka lumabas na ng library. Nang nasa main gate na ako ay nakita ko yung guard na papasok. Nilampasan ko lang siya at lumabas na.

Habang naglalakad ako ay ramdam kong hindi lang ako nag-iisa,  kundi may mga kasama akong nagtatago sa dilim.

Ramdam na ramdam ko ang kanilang mga presensiya. Nang nasa gitna na ako ay biglang may tumakip sa bunganga ko. Alam kong lalake ito base sa kaniyang lakas.

Kinaladkad niya ako sa dilim at saka ako binitawan. Nang ginawa niya yun ay agad ko siyang sinipa sa mukha.

Biglang nag-ilaw ang paligid at nakita kong marami sila, at lahat ay kalalakihan.

"Anong kelangan niyo? " cold kong tanong

"Ikaw! " sigaw ng pamilyar na boses. Lumabas siya sa dilim at saka nagpakita siya.

Nakangisi siya sakin ng nakakaloko kaya inirapan ko lang siya.

"Anong bang kelangan mo sakin ha?  Jake? " cold ko parong tanong

"Ikaw! Ang buhay mo! " sabi niya at tinuro pa ako.

Napangisi rin ako sa sinabi niya.

"Talaga! Natakot naman ako. Haha! Yun lang pala eh. Bat din niyo sa simulan? " tanong ko at nginisihan siya ng sobrang nakakaloko.

Tiningnan niya ako ng masama at sumenyas sa mga tauhan niya kaya nagsilabasan yung mga tauhan niya sa dilim at may mga hawak na patalim, baseball bat at mga pana. Mas lalo tuloy akong napangisi.

"Mapapatay niyo ba ako ng yan ang mga hawak niyo? " nakokolokong tanong ko.

"Daming satsat. Patayin na nga yan! " sabi ni Jake at sumugod na sakin yung mga tauhan niyang inutil

Pinalibutan nila akong sampu,  at saka sumugod yung dalawa. Isa sa likod,  at isa sa harap.

Ipapalo na sana sakin yung bat na hawak ng kugong na ito pero umilag ako at sakto namang may susugod sa likod kaya yung asa likod yung napalo sa mukha.

"P*ta pre bat mo ko pinalo? " tanong nung nasa likod sabay himas sa noon na ngayon ay dumudugo na

"Sorry pre, umilag kase yung bwiset na babae eh! " paumanhin naman nung isa kaya hindi ko tuloy maiwasang matawa.

Napatingin ako sa left side ko at iwinasiwas sakin yung patalim na hawak niya pero nakailag ako saka siya tinuhuran. May susugod nanaman isa sa harap ko at muntikan niya na akong mapalo sa mukha nung hawak niyang bat,  buti na lang mabilis akong gumalaw kaya nailagan ko agad. Tumambling ako sa ere at saka siya sinipa sa likod niya.

Ilan na lang ang natira, pero sabay na sabay silang sumugod. Yumuko ako at saka pinatid yung may hawak ng patalim. May nagsubok na pumana sakin pero matalas ang mata ko kaya nahawakan ko ito at saka binato sa kaniya at tumama sa kaliwang dibdib niya.

Tumingin ako sa likod ko at ipapalo sana sakin yung bat niya sa likod ko na nailagan ko ng mabilis saka hinawakan ang braso niya at saka sa kamay at ako na mismo ang pumalo sa ulo niya kaya ayun tulog na.

Kinuha ko na yung swiff knife ko na nakatago sa binti ko. Dalawa na lang ang natitira at parehing may hawak na pana.

"Anong laban yang hawak mo sa hawak namin? " tanong nung nasa kanan.

"Bakit? Nasa iyo naman kung pano mo ito gamitin eh. Gusto mo itry natin? " tanong ko sabay laro sa kamay yung hawak ko.

Nakita kong kumukuha na siya ng palaso at saka ako pinana pero hindi ako natamaan dahil sinangga ko ito gamit ang hawak ko. Binato ko yung palaso at tumama sa binti niya. Isa na lang, nakangisi siya sakin at siya lang ang kakaiba ang pana.

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now