Tristan's POV
Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng POV. Hahaha by the way ako nga pala si Tristan Reid. Ako at si Nathan ay iisa lang.
So, andito kaming dalawa ni Drake sa bakanteng silid dito sa apartment ni Mitch. Sakto lang ang laki neto, at kasya naman kaming anim.
Si Sharmaine my luvs hehehe jokes!, at si Heart ay sa silid ni Mitch sila matutulog. Hindi naman pwedeng magtabi ang babae at lalake, pangit tingnan.
Saka may respeto naman kami sa mga babae, di tulad ng iba diyan.
"May napapansin ka ba kay Mitch? " biglang tanong ni Drake.
"Wala naman. Ikaw? " balik kong tanong
"Namamayat kaya siya! " sabi niya.
"Di naman, ganyan din yung katawan niya nung umalis siya ng templo!" sabi ko naman.
"Pero bat ganun? Kahit nangangayat na siya ay ganda parin niya? " tanong niya kaya binatukan ko.
"Kung ano-ano lang sinasabi mo. Pano kung marinig ka niya, e di doble ang batok mo! " saway ko at napanguso naman siya.
"Ihh! Don't pout Drake, you're like a dog! " paggagaya ko sa kaniya.
"Abat! Wag mo ngang kopyahin line ko, wala kang originality!" sigaw niya.
"Tsss. Dami mong alam! " sabi ko
"Buti naman alam mo. Para malaman mo maala-Jimmie Neutron ata to! " turo niya sa sintido niya.
"Dami mo talagang alam na hindi naman kapani-paniwala. Tssss! " sabi ko at humiga sa kama at ganun din ang ginawa ni Drake.
"Bro! Sa tingin mo magugustuhan kaya ako ni Heart? " tanong ni Drake.
Napatingin ako sa kaniya at seryoso siyang nakatingin sakin. Ang alam ko ay matagal na siyang may gusto kay Heart, wala kasi siyang lakas na loob para aminin sa kaniya ang feelings niya. Natatakot atang mareject.
"Oo naman. Sa pagkakakilala ko kay bulilit ay mapagmahal siya, mabait, kahit na childish siya, hindi nuya nakakalimutan yung nasa paligid niya. Kapag seryoso ang usapan, bigla siyang magmamature pero pag usapang kalokohan ay nagiging isip bata siya. Umiiral nga lang! " sagot ko
"Tulungan mo kaya akong umamin sa kaniya! " sabi niya.
"Bakla ka ba? " tanong ko
"Ano? Hinde ahh! Magkakagusto pa ba ako kay Heart kung bakla ako! " sabi niya.
"Oo nga naman. Pero bro tatagan mo kasi loob mo! " sabi ko
"Suaubukan ko. Naghahanap lang kasi ako ng tamang tyempo eh! " sabi niya
"Ano bang nasa isip mo? " takang tanong ko
"Aamin sana ako kapag sa birthday niya! " sabi niya.
"Good idea!" sabi ko.
"Thank bro! Ahy teka tumawag pala sakin si Dexter! " sabi niya. Si Dexter ang isa sa mga kaibigan namin.
"Ohh ano sabi niya? " tanong ko
"Sabi niya, mag-aaral na daw siya sa Willford Academy kung saan tayo mag-aaral sa Monday" sagot niya.
"Hmmm! Kelan daw siya lilipat rito? " tanong ko
"Sa monday! " sagot niya
"Madagdagan ang mga mahahangin dito " sabi ko
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.