Jake's POV
Nakakasar talaga itong babaeng toh.... But she looks familiar...... Pero imposibleng siya yun dahil... Ugh nevermind
"Hoy!" sigaw ko kay Mitch.
"Tsss! Kung maka hoy ka kala mo wala akong pangalan... Tsk...! " sigaw niya rin at may kinuha sa bag niya....
Itong hawak kong pocket knife ay lagi kong dala ito.
Napatingin ako kay Mitch at nagulat ako ng may hawak siyang isang swiff knife at nililinisan niya pa ito.
Parang kilala ko yang swiff knife na yan ahh.
Ngunit mas nabigla ako ng bigla niyang paikutin ito sa kamay niya.
"Hoy! " sigaw niya... Abat loko ito ah.
"May pangalan ako! " sigaw ko at nakita ko siyang ngumisi.....
Umakyat lahat ng dugo ko at agad akong sumugod sa kaniya.
Pero inilagan niya lang ito ng walang hirap, sumugod ulit ako at sasaksakin ko na sana siya ng iniharang niya ang isang braso at tinulak ako ng malakas.
"Tsss! " singhal niya at agad naman akong tumayo at sinugod nanaman siya. Nakatalikod siya sakin kaya tyempo ko na sana yun ng nagtumbling siya patalikod at sinipa ako sa likod.
Shit! Anglakas niya......
Tumayo ako at binato ko sa kaniya itong hawak ko pero nagulat talaga ako ng mabilis niyang hinawakan ang edge nito....
Nilaro niya muna sa kamay niya at bigla niyang binato sakin at huli ng umilag ako dahil nadaplisan ang pisngi ko at nakita ko yung pocket knife ko na nakaturok sa gitna ng orasan.Bwiset....
Tinago niya na yung hawak niya at saka flinip ang buhok niyang nasa mukha niya. At mas lalo akong nagulat nung may nakita akong tattoo sa kaniyang leeg na red rose at isang ahas na nakapalibot sa red rose at sa itaas ng red rose ay isang queen crown.
Bat may tattoo siya? Ehh baka trip niya lang......
"Tsss! Ikaw pala ang weak diyan eh!" sabi niya at pipihitin niya na sana yung doorknob ng bigla siya tumingin ulit sakin at sinabing....
"Don't judge the book by its cover!" sabi niya saka tuluyan ng lumabas.
Agad naman akong tinulungan ni Tristan at Jacob.
"Bat anlakas nun? " takang tanong ni Jacob.
"Oo nga eh... Parang hindi siya babae noh! " sabi naman ni Tristan
"Yun nga rin pinagtataka ko eh! " wika ko naman. Si Tristan at Jacob ay mga kagang ko.
"Tsss! Humanda na lang siya mamayang hapon....! " sabi ko saka ngumisi silang dalawa.
"Mamaya pupunta tayong tatlo sa likod ng library, doon natin pag-uusapan ang gagawin! " dagdag ko saka sila tumango.
Inayos na ng mga kaklase namin ang upuan saka umupo na. Pati na rin ako ay umupo na.
Hindi basta-basta ang lakas ng babaeng iyon, pero ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi niya ginamit yung swiff knife niya kanina kundi nilaro laro niya lang sa kamay niya. Kakaiba rin ang awra ng isang yun, ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako kanina ng takot, lalo na kanina nung ngumisi siya ng nakakaloko at nung binigyan niya ako ng death glare.
Pero hindi ibig sabihin na familiar siya ay hindi na ako gaganti pa... Nasugatan niya ang kanang pisngi ko, pero siya ilag lang ng ilag sa bawat sugod at pagbato ko kanina netong pocket knife ko.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.