CHAPTER 11

4.8K 136 11
                                    

Dave's POV

"Dre! S-si K-Kelvin, nawala ng m-malay! " sabi niya

"Ano? Saan siya,  saan? " takang tanong ko, nagpapanic na kaming dalawa dito.

"Andun na siya sa clinic, halika ka na puntahan na natin siya! " sabi niya sabay hila sakin papuntang clinic.
Pagkadating namin sa clinic ay andun rin si Ate Kate, nakaupo siya at nakacross arms at tila malalim ang iniisip.

"Ahh! A-Ate Kate kamusta na si Kelvin? " tanong ko

"Ok na siya Dave,  puntahan niyo na lang dyan! " sabi niya.

"Bakit po parang malalim po iniisip niyo? " takang tanong ko, si Felix ay nauna na sa loob para tingnan si Kelvin

"Si Kevin ay nagwawala sa loob ng kwarto niya! " sabi niya.

"Ha? Bakit po? " tanong ko,  tumingin sakin si Ate Kate.

"Si M-M ay nakidnap! " sagot niya. Natulala ako sa sinabi niya. Si Ate M-M ay ang girlfriend ni Kuya Kevin.

"Pano ho nangyari yun? " tanong ko ulit saka ako umupo sa tabi niya.

"Lalabas sana silang dalawa ni Kevin ngayon, ng papasok na si M-M sa subdivision namin ay bigla na lang daw siyang nahimatay at may lumabas na dalawang lalaki mula sa madilim na parte sa subdivision at binuhat siya saka sinakay sa black na sasakyan. Ang masaklap pa ay walang plate number yung sasakyan. Sinabi lang samin nung driver namin,  at sakto ay inutusan siya ni Daddy, ayun nakita niya ang buong pangyayari, wala namang magawa yung driver namin dahil malalaki ang katawan nila at may hawak silang patalim! " kwento niya, bigla na lang tumulo yung luha ko.

"Hey! What's wrong? Why are crying? " tanong ni Ate Kate.

"Pati rin po kasi si Z-Zicka eh!" sabi ko

"What do you mean? " tanong niya

"Kanina po,  nung asa gym na po ako kasi po magcoconfess na ako sa kaniya, tapos tumawag siya pero walang sumasagot. Hinintay ko hanggang sa narinig ko siyang humihikbi at sinabing tulungan ko daw siya! " kwento ko rin.

"What the hell!!" biglang bulyaw ni Ate Kate.

"Tatawagan ko si Tita Eveth! " sabi niya sabay tawag.
Si Tita Eveth ang Mommy ni Zicka, oo kilala siya ni Ate Kate.

"Tita! Please come here, I have to say something.!" sabi ni Ate Kate sa kausap niya. Natataranta na si Ate Kate at lakad siya ng lakad dito sa loob ng clinic.
Tinitingnan ko lang siya ng biglang bumukas yung pinto at iniluwal nito ay si Tita Eveth na puro pagtataka.

"Iha! Anong sasabihin mo? " takang tanong niya at umupo sa isang sofa. Umupo rin naman si Ate Kate sa tabi ni Tita Eveth.

"Tita!  Huwag po sana kayong mabibigla ha! " sabi ni Ate Kate.

"Sige iha! Ano ba iyon?" tanong ulit ni Tita Eveth.

"Tita! S-si Zicka, s-si Zicka ay n-nawawala! " sabi niya at natulala si Tita Eveth saka bigla siya humagulgol.

"Imposible, kasi meron naman siyang driver eh!  Huhuhuhu!  Zicka anak ko! " sabi ni Tita habang umiiyak.

"Pati po si M-M kinidnap, at si Kelvin naman ay nahimatay kanina. That's why were here! " sabi naman ni Ate Kate.

Sinabi ni Ate Kate kay Tita Eveth lahat, lalo na yung sinabi ko sa kaniya kanina. Tumayo na ako at pumasok kung saan nakahiga ngayon si Kelvin at pagkabukas ko ng pinto ay nadatnan ko si Felix na nagpipindot sa phone niya.

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now