CHAPTER 29

4K 117 1
                                    

Kelvin's POV

Papunta na kami ngayong tatlo sa parking lot. Yeah hindi pa nga kami nakakuwi. Bakit? Kasi nga hinanap pa namin si Mitch.

Wala lang! Nasabi na rin sakin na napunish siya dahil nagcheat daw siya nung exam.

And guess what! May nagsabi daw kay gurang na nangopya daw talaga siya. May ginawa nga daw yung nagbibintang ng patunay eh, kaya pati yung gurang naniwala. Yung gurang na sinasabi ko yun ay ang prinsiple namin.

Iniimbestigahan na nga namin kung sino yung nasa likod nun eh.

Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito na ako, noon naman wala akong pake kung may nangyayari eh.

Masisisi niyo pa ba ako? Eh yung babaeng gusto ko ang nasangkot eh.

"Dude! Di ba si Marie yun? " biglang tanong ni Felix sakin sabay turo kaya naman sinundan ko kung saan yun.

What the heck!!!!!

"Shit! " mura ko

"Dude! Wag mong itutuloy yan. " pigil nilang dalawa

"Ano ba!!! Wag niyo akong pigilan dahil yung babaeng gusto ko yung andun! " sabi ko pero di pa din nila ako binibitawan.

"Nakita mo naman siguro nung nasa parking lot tayo ng mall nung isang araw di ba?!" sabi ni Dave

"Gago! Malamang nakita ko, kasama ko na nga kayo dun eh! " sigaw ko sa kaniya kaya nagpeace sign na lang siya.

Wala akong nagawa kundi panoorin nanaman.

Shit!

Bat ang lakas niya? Babae ba toh?

Andami ng kalaban niya tapos siya lang mag-isa? Asan na ba yung mga kasama niya? Si Nathan? Akala ko ba girl bestfriend niya si Mitch?

Shit!!!  Sa likod mo.

Iwas lang siya ng iwas. Wala siyang hawak na kahit anong armas tapos yung mga kalaban niya meron? Unfair yun.

Iisa na lang ngayon ang kalaban niya. Pareho silang walang armas.

Nag-usap muna sila at si Mitch na ang unang sumugod.

Yung lalaki naman ngayon ang umiiwas sa bawat suntok na binibitawan ni Mitch.

Palitan lang sila. Kapag may aatake iiwas yung isa. Ganun lang hannggang sa natyempuhan ni Mitch at agad niya itong pinatumba.

Agad na tumakbo si Mitch at pumatong patalikod si Motch dun sa lalaki at saka niya ito sinabunutan.

Ngayon lang namin napansin na andami palang walang malay na nakahandusay ngayon dito sa lupa.

Walang malay o walang buhay?

Hindi namin makita ng maayos dahil malayo kami.

May sinabi muna si Mitch dun sa kalaban niya saka niya ito sinuntok at hinayaang makatakas.

Pinagpag niya muna ang kaniyang uniporme at kinuha niya yung bag niya at isinukbit sa balikat. Na parang walang nangyari at parang sanay na siya sa mga ganung bagay.

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now