CHAPTER 14

4.5K 128 8
                                    

Marie's POV

CANTEEN 2

Sa kakatanaw ko sa labas ay biglang nagtilian ang mga babae rito sa loob.

Nakatalikod ako at hindi ko alam kung sino yung pumasok at kung ilan sila. Hindi rin naman ako interesado kung sino man yun.

Imposible naman na yung tatlo yun dahil ay tambayan nila sa canteen 1 o di kaya sa rooftop.

Tumingin ulit ako sa labas dahil ang ganda talaga.

Nature lover kaya ako, at baka pati si Nathan ay ganun din kase nga minsan ko na siyang nahuhuling nakatingin lang sa mga puno.

"Can we sit here? " halos mapatalon na ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

Boses pa lang alam ko na kung sino eh,  saka bat ba sila andito?

Tumingin ako kay Kelvin saka inirapan. Oo si Kelvin yung nagtanong tsss!

"I'm asking you!" sabi niya pero hindi ko parin siya pinansin. Tinatamad akong magsalita ngayon.

"Hey! " sigaw niya saka niya hinampas ang mesa kaya tumingin ako sa kaniya ng masama.

"Tinatanong kita kung pwedeng umupo dito tapos hindi mo sinasagot! " sigaw niya at hinampas nanaman ang mesa.

"Uulitin ko,  Can we sit here? " ulit niya sa tanong niya kanina.

"Hinde! " cold kong sabi

"At baket naman hinde! Tsss akin kaya yang inuupuan mo ngayon,  at lahat ng nakapaligid sayo,  nakikita,  nahahawakan at sinusuot mo ngayon ay pag-aari ko! " sigaw niya nanaman.

"Eh sayo pala lahat eh,  bat ka nagpapa-alam na pwedeng maupo rito tssss! " malamig ko paring sabi.

"Tsss! Ehh kung gusto ko nga! Bobo mo" sabi niya.

"Tsss!  I don't f*cking care, and what the f*ck did you say? Ako? Bobo? Woah amazing tsss! Hmmm let me ask you a question.......Who discovered the planet Uranus? " tanong ko sa kaniya saka ko ngumisi ng nakakaloko

"W-what? " utal niyang tanong

"See! Ikaw ang bobo sa ating dalawa, tsk! Ang daling sagutin eh... Its William Herschel the one who discovered the planet Uranus! Tsss ngayom siguro alam mo na.... Chupi, chupi na! " pagtataboy ko sa kaniya.

"At sino ka ba para ipagtabuyan ako rito ha? Ako nga dapat gumagawa niyan sayo eh! " sabi niya.

Sa inis ko ay ako na mismo ang lumipat ng pwesto. Ngayon ko lang napagtantanong lahat ng estudyante rito ay nakanganga.

Kelan kaya magkakaroon ng respeto sa babae yung Kelvin na yun?

Saka kung makasigaw kala mo kung sino eh, lapit lapit na nga namin sa isa't-isa eh sinisigawan pa ako.

Ngayon ko lang napagtantong medyo mahaba ang pila kaya medyo matatagalan si Nathan sa pagbayad.

。。。。。。。。。。。。。。。。。。。。

Kelvin's POV

Aishhhhhhhhhh!!!!!! Nakakainis na talaga, kung hindi lang talaga babae yung Mitch na yun eh kanina ko pa sinuntok suntok kaso babae siya eh

"Dre kawawa naman yang plastic bottle ohh,  yuping-yupi na!" sabi ni Felix kaya napatingin ako sa hawak kong bote ng tubig at yuping-yupi na talaga.

Sorry naman, dito ako nagbubuntong ng galit eh.

"That girl! " sabi ko

"Ohhh bakit nanaman? " singit ni Dave

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now